Friday, November 25, 2011

anonymously for you

Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman.
Maaaring ikaw lang ang may alam. Para kasing gusto kong isigaw, pero di mo naman maririnig, di mo mapapansin dahil meron nang bumubulong sa iyo at merong tumatakip sa pandinig ko. Pero hindi ko rin naiintindi han kung bakit kahit nakapikit, para akong nakadilat at nakatingin lang sayo.. hindi maaari, hindi pwede, siguro, sana hindi sa ngayon, kundi sa susunod na pagkakataon. Sana mali ako, sana ako lang to, dahil magiging napakalaking problema. Akala ko ako ang manghuhuli, ako pala ang nahuli.

suplado

They say so. Ang unang opinion agad na sinasabi nila kapag ako ay nakilala nila. Wala naman akong hinanaing sa kanilang opinion dahil siguro, totoo nga naman na ako ay suplado. Bakit? Kasi sa tuwing may kinakausap akong tao, iniisip ko agad kung ano ang maaaring tinutumbok ng paguusap naming. At likas sa ugali ko na ibahin ang ninanais nilang resulta. Na hindi nila makukuha ang inaasahang kasagutan. Palagay ko doon ako nagiging suplado sa iba. Hindi ko intensyon na makitungo ng hindi maganda, o manakit ng damdamin. Intensyon ko lamang ang maging suplado.

Bakit pa. kasi sabi nila masyado daw akong mabait, magpakita naman daw ako ng kaunting suplado. Ginawa ko naman. Pero di ko alam kung suplado nga akom, at hindi ko rin alam kung mabait nga ako..

Nauubusan na ako ng mga ideya na ibabahagi. Ang damit na ‘to ay produkto ng malalim na pagmumuni muni tungkol dito. Pero gusto ko to. Lalabhan ko muna.

succession

Well, the first of the continuous post entry. The only reason I have to write here is that I don’t have a diary. And besides writing it in here is a indispensable and helpful when reminiscing is a comfort later on. I intended to finally after years of attempting, to finally blog everyday taking back what facebook bribed me before.

May nakausap ako kanina. She said that I am becoming a feeler. Thinking how others feel that favors mine. Sabi ko, alam ko. Pero gusto ko ang feeling. Feeling na feel ko na feel niya rin ako. Huh? Sabi extremist na ako. In what way tanong niya. In this way, kahit na medyo lame and hindi naman extreme and scene para sa kanila pero para sa akin, these things are beyond what I thought I can do. but it satisfies e momentarily, and the abrupt feeling is urging me to make it continuous!.

Ang totoo I don’t know why I am saying this. I know and you should know that there are a lot of things behind this. I just can’t say it. At least not on my first post entry. Maybe not now.

i update

paunang bungad.makailang beses ko ba sinasabi sayo na iuupdate na kita pero ngayon lang ulit kita pupunuan ng mga alaalang maarari kong makalimutan ngunit magugunita pag binasa kitang muli. wala kasi akong mahanap na diary na umaakma sa mga panuntunan ko, maliban pa roon, sadyang mahal ang diary..

diary? oo dahil, masayang magsulat sa diary. pero masaya ding magtype ng mga letters upang gawing makabuluhan ang bawat letra pag pinagsama-sama silang lahat....