Wednesday, February 27, 2008

weekly blog

Everything’s ironic (the NLE result short story climax)

Tatlong magkakasunod na gabi na halos hindi makatulog, masama ang gising. Ilang araw na akong bothered dahil sa anxiety na dala ng pagaantay sa board results. I am a soul in agony na kumukubli sa likod ng mga ngiti na kinacareer kong ginagawa. Naks. Pero tinatawanan lang ako ni tatay ko dahil kahit anong gawin ko daw para pansamantalang kalimutan ang vexation and just enjoy my days, nakikita pa din ang worry sa mukha ko. So, di ko maexplain why i can’t sleep earlier than 3 am. Maliban sa tampo ni Bianca, na di ko akalaing sobrang tampo pala, naiistress ako sa pagaantay. Kaya to alleviate my anxiety, i must face the anxiety-carrier. I bought an internet card even it is expenxive to make myself updated with the results. On the day of feb.21 i woke up quite early kahit kaunti lang ang tulog to look for news, pero wala pa din. Stressing pa din. Later on the afternoon, umalis ang tatay ko papunta sa Bro. niya kasi walang magawa sa bahay, my nanay and bros. were at school. Naglaro muna ako ng all time favorite kong Mario(the tubero) game sa pc before getting myself circulating in the cyber web. Then tumawag si tita cheila ko, the entire house’s perimeter was jamming with my music when she called. She gave the good news that i passed. Di muna ako naniwala because she is fond of bluffing especially on me. Bagets pa kasi eh. Pero totoo daw, tapos sabi ko paki recheck dahil mahirap ang umaasa sa mali. She confirmed it with numbers. I had no one with me sa bahay kaya i don’t know how to release it. siyempre tumalon ako sa tuwa.

What’s ironic was that i cried. Umiyak ako na parang bata na iniwan ng nanay habang existing pa din ang stranger anxiety. Dahil when i failed my first take, i never cried. I am sad, because i failed my family pero di ako umiyak. Pero ngayong pumasa, umiyak ako. Then thoughts of anything from failure to pagsikat.

So try to imagine, you are in your own province, your nanay is a teacher and a member of three society groups, plus you have a barangay wide of family members closely intact, plus a batchmate with sufficient load. Kahit hindi ako nagsasalita kung umaalis ako ng bahay, lahat ng makakasalubong ko na kilala ako, congratulate me. I am happy not because i passed, i am happy because i made my parents proud. Nakakatuwa. Although not all of my friends made it through, masaya pa din ako dahil maaaring may ibang nakalaan para sa kanila na mas maganda kagaya ng sa akin.

But i just don’t give all the credits to my parents to make them proud. Lahat ng ito ay ginawa ng mahal kong tita Sonia, na binigay lahat sa akin na parang anak niya. At to the rest of my titas and tito, kay tito pablo, tita paz at tita che as well to his boyfriend. And i am not ashamed to say that without all my mentors all the way from kinder to college, di ko siguro makukuha ang partial success na ito kung may hindi ako nakilala sa isa sa kanila. Dahil a slight change of the past will change who i am now today. Salamat.

An Ecological Workcamp (part of the series of blessings i received)

Nagkaroon ng isang workcamp seminar sa isang school na malapit sa ilog this weekends. Una, ayaw ko ng ganitong okasyon dahil retired na ako, and i just don’t want to attend. Pero si nanay ko put me as a first aider on the seminar. Pagpunta ko doon, i am not just a first aider, taga buhat, bantay sa registration of participants, kusina boy, equipment boy din ako. Literally all around volunteer ako. Kung hindi lang mga highschool ang mga participants, di talaga ako pupunta. It is a seminar about loving the nature kaya gusto ko din. I am also the photographer, kaya it was really a great opportunity. Hawak ang 7mega pixels na camera, i took photos everwhere and to anyone. Out of six hisghschools, nakita ko ulit ang mga schoolmates ko na teachers na ngayon. Nakinig din ako sa lectures. I helped the only elementary group on some activities. Yun, ganun lang lagi, i shoot everywhere and to anyone. and when the shot wasn't that good izo-zoom ko na lang.

Sayang malakas ang ulan that time kaya hindi natuloy ang rescue training na gagawin sana sa ilog, kaso malakas ang current at umaapaw na ang ilog sa pampang. The lecturers just performed the cpr demo. Alam ko na yun so i just asked questions to clarify myself. Like what if the victim is a hunchback? Nasagot nila, nalinawan ako.

Nagmukha akong bata when i saw a group of 6-9year old kids playing on a mini forest at the back of the program stage. Mukhang masaya, since di pa nagsa-start ang program, pumunta ako dun, i took photos. They were happy kaya friends na agad kami. Di ko alam kung bakit malapit ako sa mga bata at bakit i still like to play kiddie games. sumali ako sa kanila. While the rest of the 100plus teenagers watching us. Wala akong pakialam dahil masaya ako. Pero di ako selfish kaya niyaya ko ang ibang nanonood na sumali, sumali nga, pero natigil agad ang game dahil may umiyak na bata, pinatulan ng isang sumali.

It rained so hard that day kaya ang lamig. At the end of a two day seminar, siningil ako ng pagod kong katawan ng halos buong araw na tulog.

the Maturity Indicator

two weeks ago nararamdaman ko na sumasakit ang panga ko, parang may namamaga or nasuntok. I did not bother kasi baka na tamaan lang sa basketball. Pero it makes me uncomfortable when i eat. Natakot ako lalo ng nagpakilo ulit ako at nalamang limang kilo ang nawala sa kin. Hindi maari to. Until it perpetually became much more uneasy to chew. Narealize ko na tumutubo na ang wisdom tooth ko. Teeth pala. I can still tolerate the pain, mahimbing pa ang tulog ko. Now that i have a set of wise-teeth, mareremind na siguro ako nito na mature na nga ako and i must do what a mature would do. Basta ang target ko ngayon is to compensate the lost 5kgs para bumalik ulit sa dati.

Ang taga ayos na naninira

I live in the province, kung saan may mga kalasadang hindi pa sementado. Antique na ang mga lubak sa kalsada na simula’t sapul andun na. walang hiyang mga opisyal ng gobyerno yan. Ginagawang family business ang pulitika. Ginagawang source of income ang sahod mula sa mga tao at extra profit ang mga nakukurakot. Mga proyektong walang matibay na basehan para gawin, mga usad pagong na projects, mga pagsisinungaling. Mga habol ay kumisyon sa projects. Sila pa itong mayabang, sila pa ang ginagalang, sila din ang naninira. Walang hiyang p%’&* yan. May pumunta na mga truck dito sa amin kahapon, tatlong malalaking truck, aayusin daw nila ang kalsada naming nagiging ilog pagumuulan. Pero ano ang ginawa nila, they just put some gravel, and leveled the street. Now here came the rain, ang kalasada na planadong aayusin, lalong nasira, naging mar rough ang daan. Ultimong pinakamaliit na unit ng public servant kasi, makasarili ang layunin kung bakit nasa posisyon. Ang daming mangagawa sa munisipyo, mga casual na taga linis ng kalsada, traffic enforcer, drayber, at mga taga waste management. Sa umaga lang nagtatrabaho, pagdating ng hapon, wala ng ginagawa. P’$#%* inang taga linis ng bayan yan, kami pa ang kusang nagwawalis ng basketball court para lang makapaglaro kami sa binabahang court habang sila ay parang baklang nagtsitsismisan sa gilid. Kailangan pa bang pagtulungan ang dust pan at walis at basurahan, tig iisa ang hawak? Daig pa kayo ng elementary!

Naiinis ako habang ginagawa ko to. Sa loob ng siyam na taon , walang malaking nagbago sa bayan na ito. Kung meron man, yun ay mga new properties na nakuha nila. Ikaw nga, babiyahe mo ang public car on Sunday, dahil pumunta ka sa inuman. May magdadrive ng firetruck na inararo ang lahat ng madadaan dahil lasin ang driayber but still walang nagyari? Ina nila

3 – pain featuring caimito

Early this morning, ginising ako ng tatay ko para tulungan ko daw siyang buhatin ang pinutol na kahoy ng caimito. Gagawing poste ang mahabang kahoy. Nung bubuhatin ko na ang napakabigat na kahoy na yun, mali ang body mechanics na inapply ko sa pagbuhat. Siguro lampa talaga ako, dahil di ko alam na maabot pala ako ng kahoy na bubuhatin ko. Nagasgasan agad ang mala-papel de liha kong binti, mahapdi, masakit, may mga putik pang kasama. Binaba ko muna ang kahoy at sinabing aguy! (aray!!). tinawanan lang ako ng tatay ko.

Buhat-buhat na namin ang kahoy at nang ibaba na, sa bigat nito at nararamdaman pa din ang hapdi sa binti ko binaba ko agad ang kahoy. Tanga nga ako, dahil di ko tinanggal agad ang kamay ko. Hayun, naipit ang mga darili ko. Masakit ulit, nangitim, at umaray ulit.

Pero ang pinakamalas sa lahat ng dinulot ng kahoy na ito sa kin nung binigyan ako ng pseudo-kiss mark sa dibdib. Habang inaayos ang mga sanga para itapon, binagsak ko ang sanga na yun sa lupa, huli na nung napansin ko na mahaba pala ang sanga ng hinayupak na kahoy na iyon. Parang sinuntok ang dibdib ko ng patulis ng bakla na mahahabang kuko ang ginamit. Masakit ulit, mahapdi, umaray. Natawa ako sa anyo ng sugat at pasa na lumabas, mukhang kiss mark. Hindi lang iyon ang malas. Hindi siguro mangyayari to kung hindi tumama sa mismong butas sa damit ko. Kaya nga tinawag na malas, sa butas talaga ng damit ko bumagsak, o nanuntok, kaya sumakit ang dibdib ko ng ganito, parang iniwan sa ere ng taong mahal mo, pinaasa ka pero sa huli hindi siya ganun sa yo. Di makaganti, dahil talo ka pa din.

3 pain feat. Caimito. Tatlong sakit dulot ng punong ito. Pero hindi ko naman pinansin dahil kung iisipin ko, swerte pa din. Kesa naman saktan ka ng talong beses ng isang tao. Kahit isa nga lang, iisipin ko na lang na kahit i-triple na lang ang binigay ng caimito kesa dito. Drama.

ngirit..

my december

December 30-

Hanggang kelan kaya na ganito lagi? Hindi maganda ang tugon ng pagtatapos ng araw na ito… isang di malilimutang tao ang ayaw manatili sa bawat sistema ng aking katawan.. isang malaking pagbabago ang haharapin ko bukas..isang pagtatapos ng taon na ito na akala ko ay para sa akin. Hindi kailanman magiging isa ang pagkakaibigan at ang isa..hindi sila pwedeng pagsabayin… kaya, kahit sa kahihiyang ito, ang mga susunod na ako ay hindi na siguro ang una, na kahit siguro ako ay mabibigla sa sarili ko….hindi ko inaasahan na mahihirapan ako ng ganito. Siguro ang taon na ito ay hindi talaga para sa akin na ang akala ko ay magiging pabor sa akin. Nagsimula kasi ang taon ko sa isang napakasayang mga tagpo, ngunit hindi rin tumagal. Ngayon, natapos din ito ng hindi kagandahan. Akala ko ba magiging maswerte sa pag-ibig ang mga nilalang na pinanganak sa taon ng mga tigre sa taon ng dagang lupa? At bigla kong naalala na hindi pa pala nagsisimula ang taong ng ldagang lupa, sana ang taon na sasalubong sa akin ay magbibigay ng mga di inaasahang mga bagay na sadyang babago sa mga pananaw ko. side story na lang tuloy ang pagpapaputok ko ng kanyon de kawayan na sobrang lakas ang tunog.

29

3 years na kami ng aking mga peklat at keloids na ang reason din ay ang okasyon sa araw na ito..fiesta sa isang lugar dito sa amin..nagyon araw lang naging maganda ang panahon..namiesta ako sa mga kaibigan at mga kakilala..nakita ko ang mga bathcmates ko sa iba`t- ibang lamesa ng inuman sa magkakaibang bahay..ang ilan ay malaki ang naging pagbabago at kasama ako dun..dahil di naman ako uminom, napagpasyahan naming, pumunta sa isang tahimik na lugar at magpalamig sa ilog..bagong adventure na naman to..pagkatapos ng pagmomotor tungo sa aming pupuntahan, kailangang iwanan ang sasakyan sa tabi ng bukid at kailangang tawirin ang palayan..noong malapit na kami sa ”Manlunggong”(name ng lugar), sumigaw agad si Jackie na parang nasa bukid talaga ang dating dahil sa lakas ng sigaw..di ko talaga akalaing doon pa siya maglalaba ng mga damit..malayo kasi ang bahay nila sa lugar na iyon..hindi ko kailanman matanggihan ang tubig..gusto ko agad lumangoy, pero sadyang napakalakas ng agos ng ilog.sa laki ng pinsan ko, hindi niya pa rin basta bastang kayang ltumayo sa ilog sa opposite na direksyon..masarap at payak ang merienda namin..nilagang saging, pancit canton, kunting chichiria at Pepsi..dahil sadyang malaks ang agos at hindi man lamang ako makalangoy humiga na lang ako sa pampang kung saan may makakapitan akong semento at bato upang hindi ako matangay ng ilog….

Hindi nagtapos ang araw na ito sa fiesta o nature tripping lang.. madami akong nakitang mga tao sa daan at nakipagkwentuhan sa kanila. .may dinaan akong kapamilya na nakalakihan ko..at gulat sila, dahil big boy na daw ako ngayon..hindi ko malilimutan ang araw na ito.. kahit gustuhin ko.

1

Ang “tradisyon” naming magpipinsan at magkakapatid ay nabuhay muli. Pagsapit ng new year, pagkatapos kumain, magkamustahan, umikot kami sakay ng aking traysikel, motor ang ang karagdagang kotse. Ang traysikel ko ang magiging hari ng kalsada sa gabing ito. May dala kaming apat na stereo speakers, isang siren light, at megaphone na may sirena. Maingay at magiging kapansinpansin ang traysikel ko na ako mismo ang magmamaneho dahil wala akong pinagkakatiwalaang magda-drayb nun maliban sa sarili ko. Pasahero ko ang tatlong kapatid ko, si bossing, dalawang batang babaeng pinsan, dalawang binatang pinsan, at dalawang lalaking kapitbahayan na mga highscool pa. kung bibilangin, sampung tao ang nakasakay sa traysikel ko. May dald-dala kaming mga paputok, kwitis at iba pa para lumikha ng ingay sa aming dadaanan. Ang kapatid ko na isa ay sa motor na may angkas din, at ang kotse ng pinsan ko ay may sakay n limang bata. Simula na ng pagiikot sa gabing iyon, maingay ang karaban namin. Ang sirena ang ilaw ang mga busina, mga sigaw, mga pagbati sa mga taong nabulabog sa kagalakan na lumalabas sa kanilang mga bahay. Lahat ang sigaw ay “Happy New Year”. masasabing masaya ang munting parada namin kahit hindi biro ang pagmamani-ubra ng manibela ng traysikel dahil sa dami ng sakay nito. Huminto ang munting karaban sa isang kanto ng isang barangay upang batiin ang mga kaibigan, dating kaklase at mga kaibigan ng mga sakay namin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakapula din silang lahat, halos. Pinatay ang sirena, binuksan ang amplipayer, at pinatugtog ang mga kantang nakakagalak. Ang kanto na iyong ay unti-unting dinadagsa ng mga tao at mga bata, lahat ay sumayaw, pati ako. Ako, di ko nga alam kung bakit, siguro masaya lang, at pansamantala kong kinalimutan ang kalungkutan. Pinalipad ang mga dalang kwitis. Masaya ang pagkakataong iyon, ngunit hindi pa kami nangangalahati sa mga iikutan namin. Kaya patay ang sawnds, andara ng sirena, nagsiakyatan ang mga bumaba at sumayaw, nagpaalam sa mga iiwanan at umalis. Sa pangalawang hinto, ganun din ang nagyari, sa gitna ng haywey. Sumayaw. Nakitagay. May isa pa kaming pupuntahan, ang isang pinsan na nasa malayong barangay. hindi biro ang magiging hamon sa pagda-drayb ng traysikel na may siyam na sakay at ang kalsada na parang mga alon sa isang binabagyong dagat dahil sa mga lubak, at hukay sa lupang kalsada!

Nagsimula na ang maalong biyahe. Mabuti na lamang madami ang mga sakay ko, dahil hindi umaalsa ang unahang bahagi ng sasakyan ko. Sadyang napakahirap ang pagkakataong iyon, ngunit nakarating din kami. Sumayaw ulit, kwentuhan at umuwi na rin, dahil ang mga batang kasama ay inaantok na. sa paguwi, umulan ng malakas, nagiging masaya lalo, naligo na lamang kami sa ulan. Na parang may bagyo at nasa dagat kami, muntik pang bumangga ang traysikel ko sa isang tumpok ng mga lupa sa kalsada. Hindi ko na mapigilan ang atok, pagod at lungkot. Kaya paguwi ko, tulog agad ako. Masaya.

Naligo ulit kami sa pinakamalaking ilog sa bayan namin. Dahil katatapos lamang ng tag-ulan, sadyang, malinis ang ilog. Ngunit ang agos naman nito ay hindi biro. Hindi ko magawang lumangoy upang tawirin ang ilog tungo sa kabilang pampang dahil sa lakas ng agos nito. Malalim ang ilog ngayon, umabot sa di dapat aabutan. Sa sobrang lakas ng agos, nagkakaroon ng parang “Whirpool” o ipo-ipo sa ilog. Sinubukan kung tumalon sa Diving Board ngunit patagilid ang talon ko.. ng ako ay nasa tubig na, nararamdaman kong hinihila ako ng ilog tungo sa gitna at isasama sa agos. Di ko kakayanin ang lakas ng agos, pero dahil lahat ay kaya kong gawin, sisiw lang ang mga iyon.

Jan 29.

Sinalubong ko ang araw na ito na may black eye sa kanang mata na natamaan ng kamay kahapon habang naglalaro kami ng Basketball. Wala akong maisip na gawin ngayong araw na ito, kaya napagpasyahan ko na bisitahin ang lolo ko sa kanila sa kabilang bayan. Pagdating ko sa kanilang bahay, wala doon ang lolo ko. Alam kong nasa bundok siya sa kubo niya na inaalagaan ang mga manok niya. Gusto ko rin ang pagkakataong ito dahil obligado akong aakyat ng bundok na huli kong napuntahan limang taon na ang nakakalipas. Dala-dala ang Digicam, itak, at kutsilyo umalis ako ng bahay upang tahakin ang mahigit isang oras na lakad paakyat ng bundok. Medyo takot ako dahil matagal ko na akong hindi nakakapunta sa kubo sa bundok, baka binago na ang daanan, at baka may makasalubong ako na mga mababangis na hayop (sana may taong lobo din). Siyempre bago makarating sa bundok, madadaanan muna ang ricefield. Nakakita agad ako ng isang bayawak, nagulat ako. Habang malapit na ako sa paanan ng bundok, napansin ko agad na masukal na ang nilalakaran ko. Nung aakyat na sana ako sa laging dinadaanan ko noon, hindi ko na makita ang daan, wala ng daan. Lalong akong pinawisan.

Lumakad pa ako ng kaunti at may nakita akong isang daanan, doon ako nagsimulang akyatin na ang bundok . habang tinatahak ang daan na iyon, nagugunita ko na ang daan pa na iyon ay ang gumuhong bahagi ng bundok na ginawan ng daan. Ang Trek na tinatahak ko ang siyang dinaan namin noong sampung taong gulang pa lamang kami. Naligaw din kami noong panahon na iyon. nakakabuntong hininga ang tanawin mula sa itaas. Ang ilog ang bukid ang mga bahay, nakikita ko mula sa taas. Nagulat ako ng may sapot ng gagambang kasing laki ng tatlong daliring pinagdikit-dikit. Doon ko napatunayan na hindi nga dinadaanan ang lugar na ito, dahil dapat wala ito kung nauna na ang lolo ko. Malapit na ako sa kubo, ngunit habang naglalakad patungo doon, hindi ko matanaw ang bubong nito na ang alam ko ay dapat kitang-kita na. nagulantang ako ng makitang mga haligi na lamang ng kubo ang nandun, wala na ang kubo, wala na. hindi ko alam kung nasaan, imposibleng walang kubo sa bundok. Kumuha muna ako ng mga litrato at tinahak ang ibang daan. Ang mas masukal na daan, sa dulo noon ay bukid na sa gitna ng mga bundok. Nakita ko ang aso ni lolo, pagkatapos si lolo. Siyempre natuwa ako dahil nahanap ko din si lolo. At mula doon, natanaw ko agad ang bagong kubo na tinayo sa kabilang bahagi ng bukid, mas maganda, mas malaki, mas strategic para makita ang buong lawak ng bukid. Maganda doon, dahil sa likod ng kubo, ay makikita agad ang dagat. Kumuha ako ng mga litrato. Hinipan ang “budyong” na ginagawang pantawag sa mga tao sa kabilang bundok para pumunta sa kubo. Minsan hinipan ko din ito para tawagin sila para kumain na, magpahing na kapag may ginagawa sa bukid.

Bumaba na kami ng bundok, hapon na ng mga oras na iyon, kailangan kong humabol sa oras upang maabutan ang paglubog ng araw sa dagat. Nakuhaan ko ng litrato ang araw, ang ganda ng paligid na kilakihan ko. Inakyat ko ang mga malalaking bato. Wala akong masabi sa mga nakikita ko dahil hindi naman ako nagsasawa sa mga larawan na pinapakita sa akin. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Dahil ito lamang ang pinakamalaking nangyai sa buwan na ito. Sa buong maghapon, naging taong bundok at taong dagat ako. Nakasama ko ang lolo ko na sana kamukha ko.


Tuesday, February 19, 2008

one of the reason why i have to fail the NLE. maybe

Nakipagsapalaran muli ako sa Maynila at sa karatig lungsod nito upang iahon ang sarili dahil sa bigong grado sa eksaminasyon para sa pagna-nars. Madami ang mga nangyari sa loob ng tatlong buwang pamamalagi doon... at ang iba ay ayaw ko ng kalimutan o di na mawawala sa memorya ko.Ü Ü Ü

- di ko inaasan na magiging pinakamasaya ang paglisan ko sa Bisayas. May sumama kasi sa akin sa airport ng Kalibo. Hindi ako nabored pero may kaunting lungkot. Masaya ang bawat sandali, hanggang sa pag alis. Sinundo ako ng tita ko kasama ang pinsan ko at ang boyfriend niya. Mabait naman si tito Jun, di kasi niya ako pinabayaan. Kami ng tita ko. Nagulat ang mga tao na nakita ulit ako. Nangitim daw kasi ako. Malamang sabi ko. Ü

- inasikaso ko agad ang mga kailangang gawin pagdating ko ng Laguna. Una, pumunta ako sa PRC para magfile ulit, dalawang beses akong pumunta dahil sa dami ng tao at discouragement. Natapos ko ito sa panglawang araw. Medyo masaya ang mga nangyari dahil naunahan ko ang naksabayan ko sa pila dahil medyo foreigner ang apelyido niya. Habang pinoproseso na ang mga papeles ko, ang sabi ng umaasikaso sa akin ay mukha daw akong galing sa beach dahil sa itim ng mukha ko sa photo na dinikit sa application form. Sabi ko naman, di lang beach yun, nagsaka pa ako at nagmina..natawa siya at pinauwi na ako..

- pumunta ako sa sm manila para magenroll kay Gapuz, iyon na lang kasi ang nakuhang slot sa akin ni Hannah na kaibigan ko..maswerte ako nakuhaan niya ako(salamat).. maganda ang skedyul ko, maliban na lamang sa everyday review, 7 days a week 5 hours per session sa kontrobersyal na sinehan sa SM Manila daw ako magrereview.

- pumunta ako sa magiging tirahan at tatawaging tahanan sa pinsan ko na alam kong ngayong lang kami magiging malapit dahil titira kami sa iisang bahay. Una, kinakabahan ako, dahil di pa ako nakakapunta ng magisa na mas malayo pa sa PRC. Medyo nalayuan ako sa lugar noong una.. napuntahan ko ang apartment sa loob ng isang parang compound.. parang superior ang dating ng nakatira doon dahil sa second floor ang bahay namin.. ang unang tanong agad ng pinsan ko sa akin ay kung may third eye daw ako, sabi ko bakit.. iyon pala, may nagpapakita daw na multo sa hagdan patungo sa mga pintuan namin. May pinakita pa siyang video sa cellphone niya na may imahe ng isang babae na nakaupo sa terrace malapit sa hagdan… maganda, malawak at may isa pang kwarto na para sa akin…wala pa masyadong gamit kaya plano ko itong punan.. nagpapasalamat ako sa pinsan kong si Arden Rod dahil sa pagsisimula ng buhay ko na di ko aakalaing mangyayari. Di ako nagtagal noon dahil uuwi pa ako sa Laguna na dadaan sa Baclaran, sa Las Pinas at sa Laguna..mahaba ang biyahe noon kaya paguwi ko, bulagta na agad ako.. Ü

- birthday ko noon na debut ko pa.. ang mga plano sana sa probinsya ay dapat masaya at makakasama ko ang mga bagong kaibigan ko at si Chantel. Pero di nagawa dahil magrereview nga ako. Pero, ginawan pa rin ako ng handa ng mga tita ko, sina tita Inday at tita Emi at tito Jun..maswerte ako dahil nagkaron pa rin ako ng pabirthday. Ang main dish ng handaan ay ang paborito kong siomai!! Oo, siomai, isang dimsum dish na di ko hihindian. Salamat pala sa mga bumati sa akin. At sa mga hindi, naiintindihan ko kayo. Lalo na kay Johnellen na nawala sa sirkulasyon ng mga cellphones dahil sa mga dahilang di ko sukat akalain. Masaya ang gabi na yun. Dahil ang gabing iyon ay napainom ako ng madami. Kasama ng mga tao sa bahay at mga tropa sa basketball. Ü

- Kinabukasan, babalik na ako sa Quezon City sa Frisco para dun na mamalagi habang nagrereview, sa lunes na kasi ang start. Nadadaanan ko ang simbahan ng sto. Domingo na nandun nakalagak ang imahe ni Maria Birhen La Naval. Medyo kinakabahan ako dahil magiging ako na lang bahala sa sarili ko sa mga susunod na araw. Dala dala ang bag kong malaki, sumapit ako sa apartment (bahay) na wala sila, ngunit walang takot na iniwan ng pinsan ko ang susi sa ilalim ng door mat sa pintuan… tinakot ako sa multo. Habang sila ay najojogging sa UP Diliman, pinuntahan ako ng aking second cousin upang pumunta sa kanila. Doon na kami nagkita kita sa bahay ng auntie namin.. sabi ng pinsan ko, magpapainom daw siya dahil birthday ko.. hehehe, natunaw ako sa ginawa niya..pinsan nga niya ako.. may mga dumating pang pinsan at naging masaya ang mga usapan.. ngunit di na nagtagal dahil lubhang malalim na ang gabi at uuwi pa ang iba na lasing sa Cavite. Wooooh, sa paguwi sa bahay namin, naging mainit ang gabi ko.. walang bentelador. Ü

- Unang araw ng review kaya kailangang maganda ang simula.. ngunit bahagyang nalate ako sa orientation. Madaming tao ang nandun..una kong hinanap ang mga kaklase ko nung college. Iba ibang tao ang nandoon.. madami ding magaganda. Sa dami, minsan agaw atensyon sa konsentrasyon sa pagrereview. May nakita akong kamukha ni Yeng Constantino, meron ding astang modelo. Meron ding magandang nanay, astig na tomboy, maingay na bakla na mukhang gwardya (at tinawag na guard ni gapuz). Huh! Unang araw ang bagong nakilala ko ay si Rachelle, seat mate ko sa first day.. hayun, ang entrada ni gapuz ay parang concert. Kumanta, at nag ala stand up comedian. Nakikita siya sa malaking telon ng sinehan. Kamukha niya si Chokoleit. Pero aminado akong magaling siya. Komtemporaryo ang paraan ng pagtuturo habang pinipreserba ang kahalagahan ng kanyang tinuturo.. first day, isa isang nilapitan ni gapuz ang mga nasa aisle at isa ako sa mga malapit. natanong ako kung taga san ako, pangalan ko at kung anong meron sa lugar ko..nasagot ko siya ng maayos at pilipit na ingles sa pinakamalalim kong boses.. hehehe. nagtapos ang araw ko sa pamimili ng groceries at mga kailangan sa bahay at review sa biyaya ni tito jun at tita inday. Ü

- ang mga sumunod na mga araw ay pawang pag aadjust sa oras, Gawain, paligid at tamang diskarte.. ang bawat araw ay pare-pareho. Ang kagandahan sa bahay namin, malapit ito sa lahat. Sa palengke, ospital, at main roads. Kaya ang mga nakakain ko halos ay aking mga luto. Ang mga niluluto ko ay paborito ko..kaya madaming nakakain lagi, tumaba, lumaki ang tiyan, nainsecure, nagjogging sa Amoranto, nagsit-ups, ngunit bahagya lamang ang nakamit na resulta sa inaasahan. Aalis na ang tita ko, kaya umuwi ako sa Laguna, nagvideo OK nakisaya at kumain. Ü

- Isang di malilimutang pagkakataon ang nangyari. Napagpasyahan kasi ng isang pinsan namin na si Janelle na matagal na namin di nakikita. napagusapan na sa isang puntahan malapit sa abs-cbn magkikita. Nanuna kami doon ni Arden kaya inikot niya muna ako sa abs cbn kung saan siya nagtatrabaho. Ahmm, first time sa abs, siyempre moment yun. After dun, antay na sa kanila. Kasama ng pinsan ko ang uncle namin na nung araw din na yun ko nakilala. Si John Lapus lang ang nakita ko nun na nag eemail..hehehe. uminom ako, pero di nalasing..umuwi kami pagkatapos, pero ngayakapan kaming tatlong magpipinsan sa gitna ng kalsada habang tinitingnan ng mga taong lasing. Ü

- Madami na akong natutunang lutuin at first time na niluto. Sinigang na baboy, adobo, tortang talong na may balat pa!, fried rice, monggo, tinolang baboy at manok. Sinabawang isda at ilang pachamba. Mga ulam na ang tatay ko lang ang gumagawa. Kaya yun, masarap kumain.

- Isang challenge sa akin ( dahil mapapahiya ako) ang mga tanong at klaripikasyon ng pinsan ko tungkol sa mga bagay-bagay na may kaugyang sa medical sa aspeto.. meron kasi silang ginagawang teleserye na may kinalaman sa nursing. Kaya napapabasa ako..huhu. Ü

- Bumili ng dvd player si insan. Napapanood ko ang mga kakaibang pelikula na nabili niya(DVD CDs). Mga galing ibang bansa, mga weird. May mga dvd na nakulimbat lang at walang bayad dahil tanga ang nagbabantay. Ü

- Sa di inaasahang pagkakataon (at tadhana?) nagkaroon kami ng dalawa pang kasama sa bahay. Sina Jackie at Lucille (pinsan ni insan). Diyahe nung una dahil di ko magagawa mga gusto ko dahil may mga girls na sa bahay. Pero alam kong masaya ang mangyayari pag nagtagal. Nagkasakit kasi ang isa kaya kailangang dun muna siya para di mahawaan ang ibang kasama sa dorm niya. Eh immune na rin naman ako, kami, kaya okay lang na nandun sila, maganda nga eh. Sa loob ng medyo matagal na panahon, nakita ko ulit silang magpinsan at ang mga kakatuwang pangyayari noong musmos pa ako, ay nanumbalik at nagpapangiti na lamang sa akin. Masaya ang mga araw, dahil may nurse kami(Jackie), at may magaling sa pagluluto(ating). Lalo pa akong naparami ng nakakain kasi bago sa panlasa ang niluluto ni ating, mga pangsosyal ang iba, may sarsa at masarap talaga. walang biro. si Jackie kasi, ulam na may giniling ang specialty, si Arden lahat na may monggo at langka, ako sinigang si Ating kahit na ano.. ahmm, masarap ang mango float(paborito). Madami na ulit nangyari nang dumating ang dalawang babae sa bahay. Bilang bunso sa bahay, ako ang naghuhugas ng mga pinggan(pero di lagi). Ahmm, masarap kasama ang mga ito. Unang ikot namin ay sa trinoma. Nanood kami ng Beowulf (beywulf). Kahit umuulan nun. Unang apak ko din sa trinoma nun. Sa pelikulang Beowulf, sa panahon ng medieval period di ko maisip na uso na nun ang takong na suot ni Angelina Jolie.. Masaya din ang mga movie tripping namin. Pero walang nanonood ng horror(s) films dahil ayaw ko nun. Takot ako eh. Naappreciate ko ang mga pelikula na pili ng insan ko dahil nabibigyan pa ito ng kulay kapag kinukwento ng insan ko. Napanood din namin ang One More Chance movie dahil gusto ng mga girls. Ahmm, maganda ang pelikula kung saan sadyang napakaganda ni Bea Alonzo. Ü

- Sa araw din ng one more chance movie viewing, kumain kami sa Bacolod Inasal( ba yun?) yung nagko-comercial sa Ysabella ang Ysabella`s chicken. Iyon kasi ang ki nain namin. Yun daw ang Victoria`s chicken na pinag aagawan sa teleserye ni Judy Ann. Ayon sa panlasa ko, di iyon sapat para pag agawan ng dalawang pamilya, at magpapayaman ng husto sa antagonist ng show. Di kasi ganun kasarap ang chicken dish na yun. Parang manok lang na minarinate sa typical na preparasyon na dinagda gan lang ng madaming bawang, paminta at iba pa tsaka inihaw. Ü

- Di ko maikakaila na ang pagtira sa bahay ng dalawang babae ay masaya, maliban sa may nagluluto ng iba pang menu, masarap din kausapin sila, minsan kasi pikon at nakikipag argyumento pa. hehe, peace tayo. Nagkaroon pala ng isang pagkakataon na nagvideoke ang isang kapitbahay namin. Okay lang sana na ganun, pero umabot hanggang 10am ng kinabukasan ang walang kwentang kantahan ng mga hepato-sadistic homo sapiens. Buong gabi kami di makatulog, maaga pa ako nagising gawa ng walang kwentang kantahan. May mga astang “hooker” pa na mga kasama. Nasira halos ang buong araw ko. nakakatakot nga pala biruin ang mga naalimpungatan, dahil sa napansin ko sa sarili ko, ibat ibang uri ng gawain ang naisip ko para lamang masulosyunan ang problema ko sa ingay! Ü

- nakakasama namin ng mga babae ko na sina Hazel at Edna sina Carlo at Janser na medyo matured tingnan di gaya namin. Kasama sa upuan. Napilitang pakantahin si Carlo ng apat na maiingay na bakla sa bungad ng aming final coaching. Kumanta sila, nang good time. Kasi stand up commedians sila ng isang bar na inupahan ni Gapuz para mang entertain, hindi para magreview. May araw din sa manila na natraffic ako ng 3 oras sa daan. Binaha ang Manila City hall! Ü

- ang final coaching na ginawa ni Gapuz sa PICC tents ay malaking pangyayari din. Sa unang araw parang 800 plus lang kami, medyo masarap at ganado pa magreview dahil maluwag, malamig at madaming nakikita.hehe doon ginawa ang mock board exam. Habang nasa kalagitnaan ng pagsasagot sa 100 na tanong na sasagutin lamang ng isang oras, biglang LUMINDOL,!! Oo, an earthquake shook us while we are taking the exam. At first i thought i was just dizzy because of the pressured exam, but suddenly all faces reacted to anybody. Fortunately, it was a mild quake. Unfortunately it was not that strong, i could have ran to the prettiest lady at sight! Ü just kidding. The PICC personnel freed us from answering when they asked us to vacate the tents because they will be having an inspection, so my friends and I hurriedly moved out to look for the nearest food place where we could eat. Sadly, all of the students that left the tents thought the same way as we do. Counter lines for ordering in Jollibee overflowed out side the building, it was like there was a hunger strike that ended and rallyist ran to fill in the days with no food. Anne daming tao!! So we have to hire a taxi to eat on the least-nearby chain. Sa araw din na ito pinakilala nina Carlo at Janser si Abby sa akin, sa amin. Di naman nila close ang babae pero nagkataon lamang na wala siyang kasama that time, kaya sa amin napasama. At alam ko ulit na ano na naman iisipin nina bossing Edna pag nakita nila ako at alam kong papansinin agad ang ugali ni Abby at magseselos ang mga yun.haha. at the end of the exam.masaya na, kasi i shouted the answer on every number being disscussed. Masarap sumigaw lalo na kung lahat ay sumisigaw. Paguwi namin, parang galing factory dahil con todo buhos ang mga tao. Napuno ang street along PICC ng mga tao. Plus it rained that night, so Abby has a civil responsibilty to make herself share her umbrella with me. While the rest has their own. Ako lang ang walang payong sa magkakasama. It was a long night. Natraffic pa kami pauwi. Nagtaxi kami pauwi. Umuulan kasi. Im freaking tired that night but i much appreciated manong Arks viand.chicken! Andoks at tinola. Ü

- ang last day ng review, masaya. Nakita ko kasi si Dmay na matagal ko ng di nakikita. Sadyang napakadami ng tao.. 3000 daw kami o mahigit ang nandun ngayon.. buti na lamang may upuan na nakareserve sa akin sa harap banda. Kaya masaya. Bago ako umuwi, pumunta kami sa Baclaran ng asawa ng pinsan ko. Dumaan sa PRC, at umuwi na at nadatnan ang mga kasama ko sa bahay na naghihikahos sa pageehersisyo para sa tiyan. Madalas kasi nila iyon ginagawa na wala ako. Di kasi ako sumasali, dahil may sayaw sayaw yun kaya ayaw ko.. at dyahe din na nanonood lang ako. Ü

- Bago ang exam day, pinuntahan ko ang exam location ko sa Paco manila, napakalayo at di ko masyadao alam. Habang nasa daan, dumaan ako sa sto. Domingo at sa Quiapo, nagtren, at dahil binigyan ako ng instruksiyon ni miss Lucille, di ako naligaw. Nakilala ko sa daan sa paghahanap ang kapwa letter C na si ate Yeye. Ng nakita ko na ang room, dumaan kami sa church ng Paco, at umuwi na kami sa ibat ibang daanan. Pupunta ako sa sta Cruz church. Kahit gabi na ng araw na yun. Pupunta pa din ako. Naligaw ako! Sumobra. Nung nakita ko na, nagkataong may misa noon kaya nagsimba ako.. nilakad ko mula doon patungo ng Quiapo. Ang daming tao, siksikan dahil Friday pala. nakipagpatintero ako sa mga taong iba iba ang mga mukha, may kanya kanyang pupuntahan, di magkakilala pero sa iisang lugar. Nung umuwi ako, nagulat ako dahil walang tao sa bahay, wala ang mga girls wala si insan. At wala akong susi para mabuksan ang pinto. Sa loob ang susi!! Mabuti na lamang may tiyahin ako sa malapit kaya dun na lamang ako nagantay ng savior ko. Parating si tatay ko noon, susuportahan niya ako sa exam kinabukasan. Kasama ang tiyahin ko. Di ako nakapagpahinga ng maayos, pero di din ako makatulog gawa ng pressure kinabukasan. Dumating si tatay, madaming pagkain. Pag uwi, kunting ayos, umalis si insan patungong Baguio ng ala una ng umaga. Ü

- parang napaidlip lang ako nang ginising ako ng tatay para bumangon na dahil magaayos na ako para sa unang araw ng pangalawang exam(huh?). nanabik akong kainin ang inihandang almusal ni tatay ko..atay kasi iyon, paborito ko. Simula noong nasa elementarya pa ako, ang almusal ko lagi kapag araw ng exam ay atay..kahit anong luto sa atay. Paborito ko kasi iyon. Pinilit kong magmadali, subalit ang daming kulang sa araw na ito.. waaa, naiwan ko ang bag ko sa kabilang bahay kagabi. Andun ang bagong bili kong medyas, ang lapis, at ballpen at iba pa.. Naghanap ako ng extrang puting medyas ngunit walang mahanap. Kaya lumabas ako ng bahay na walang medyas..hehehe. madaming nakaputi sa mga kalsada.. sa kasamaang palad, malayo ang eskwelahan na pagsusulitan ko. Habang nasa biyahe, may nakasakay akong babae na hindi naka pangnars pero may dalang blue form. Kaya natanong ko siya kung bakit hindi siya nakaputi.. sabi niya okay naman daw ang nakaganun basta shoes at white shirt with collar okay lang. sa paguusap na yun, di ko napansin na sobra na pala ako sa kanto na aking bababaan. At 15mins na lamang ay alas siyete na, nagtaxi na lamang ako sabay daan sa isang malapit na convinient store upang makabili ng inumin, lapis, ballpen at pantasa. Pagdating ko sa school, tumakbo ako tungo sa classroom. Nadatnan ko sa classroom ang ibang mga kasama doon na nagfifill up na ng mga information. Mabuti na lamang hindi ako napagalitan. Sobrang hirap ng exam, wala namang madali.. tuwing breaks, lumalabas ako, at nakita ko si Bernadeth na classmate ko dati sa school. Kwentuhan, kamustahan at biniro ko sabay bati ang dating nakasama sa exams noong june nung nagkita ulit kami. sakit ng ulo ko sa hirap ng exams..the next day, i was literally late for the seond day of exam. I came to school with a semi skinny jeans, a white polo shirt and sneakers. On my way to the school, i noticed that i can no longer see white dressed exam takers that i have seen the other day, i became anxious because i knew i am late. When i arrived, they were already answering the questions and i think some were already in items 10-15. i greeted the proctor politely and in confidence, said my apology for being late as i am heading towards my seat. Two more exams. It was quite nice to answer than the first set. I finished earlier than the rest. It was Sunday so tatay and i went to church. This day seems to be the start of the lighter days, because i will no longer worry for the everyday reviews. Ü

- the next day is the inuman day, after more than a month’s review and everything, now, it is a temporary time to set aside everything and allow pleasures from anything. Pumunta kami sa Bulacan, sa bahay ng insan namin si Calay . Tska di pa kasi nakikita yun ni tatay ko. Pagdating doon, lunch and the inuman started at around almost five. It was not that much more of a drinking session, it was more of talks about our family and a little videoke for them but not for me. I do not really sing and i am not drank that time. It was just i am so overwhelmed of a burden that i have surpassed. My cousins and JS sang but the duration of all of them can not exceed mine. Oo na, naging kantora (mangaawit sa simbahan) ako sa mga oras na iyon, dahil ako halos ang kumakanta simula alas cinco hanggang matapos ng alas onse ng gabi. Di ko alam kung bakit, siguro dahil alam kong hindi ako bibigyan ng pangit na comment kaya ganado ako.haha. sa gabi ng araw na ito (huh?), nakilala ko si Cris, isang inagaw na chat mate sa nagbabantay ng com shop ng insan ko. Nakita ko kasi sa cam, tapos kami na dalawa ang naguusap. Ano naman, having more friends is much better (more benefits!). that time, naging friends na kami kahit sa chat lang kasi nakakausap ng matino. Ü

- Two days after the exam, after umuwi from Bulacan, nagkaroon ako ng isang rare time na makita si Merlody Mines del Rosario na “walking buddy” ko sa Dasma dati. Walking buddy kasi simula sa gate ng subdivision na tinutuluyan ko, nilalakad namin iyon paloob kahit medyo malayo dadaan sa kanila at uuwi na ako. Noong nagkaroon siya ng pagkakataon, pumayag agad ako. Nagkita kami sa trinoma. Walang nagbago sa kanya maliban sa braces na nakasanayan kong nakikita sa kanya na wala na ngayon. Puro kwentuhan, kauting kainan. Salitan ng mga bagay bagay na nais ikuwento. Binigyan niya ako ng souvenir na Aso key chain. Touch ako kasi akala ko for her neice. Ang guilt ko lang, akala ko kasi sa Paranaque pa siya uuwi, sa Dasma pa pala talaga. yun, masayang natapos ang araw na ito. Ü

- inihatid ko si tatay sa sakayan papuntang amin. Bago pumunta doon, kasama sina auntie min ko at insan shanny, dumaan kami sa lugar ng mga tanim. Sa sobrang dami ng mga nakadisplay na mga ornamental plants, di na natatablan halos ang tatay ko ng rayuma sa sobrang sabik tingnan ang mga nagagadahang pananim. Ang mamahal naman... nakikta ko na masaya ang tatay ko sa pagiikot namin. Mahilig kasi siya sa mga pananim. Ayun, pagkatapos siyang nahatid sa sakayan, dumaan kaming greenhills.. nakukwento ko kasi ang mga ito dahil first time kong puntahan at maexperience ang ganitong mga pagkakataon. Ü

- Nagjogging kami sa up diliman campus Sunken Garden. Malawak ang garden kaya ilang ikot lang kami. Kasama si Jackie na hirap sa mabigat na dala namin. Madaming pawis, bawat patak ay may katumbas na makabuluhang usapan kay Arden Rod, bawat hakbang ay iba iba ang mukhang nakikita, tinitingan at tinititigan. Noong nakaramdam ng gutom, tigil na kami, at hinanap ang pinagmamayabang ng insan ko na masarap na isaw ng baboy. Mahabang lakaran, nahanap, kumain hanggang halos walang silbi ang pag eehersisyo. Ngayong araw din na ito, nasira namin ang no pork week policy na strictly implemented sa bahay. Ayun, while waiting for a cab, a man and perhaps his wife around its 60s asked us if it is ok for us to push their volkswagen. Ayaw kasing umandar. Kaya tinulak namin iyon, sobrang bilis ngunit ayaw pa din, my humps pa. hanggang umandar nga ito at humarurot ng umalis habang iniwanan kami ng kaway ng babae bilang pasasalamat. Umuwing pagod at gutom.

- nagdaan ang mga araw na halos pareho lang. dumating na si Lucille galing ibang lugar, maninibago na naman ako, tatahimik na naman ako. Pagkaraan ulit ng ilang araw, ang linggo na nakatakdang paguwi ko ay biglang nagkaroon ng problema. Nanood kasi ako ng pelikulang Oceans 11, 12, 13. Maganda, sobrang ganda ng kuwento. Para kasi hindi makatulog sa gabi dahil sa ganda nito, uminom ako ng kape, at kinabukasan, sinumpong ako ng pinakamatinding hyper acidity na naranasan ko. Pinapawisan kasi ako sa sakit kahit nakatutok ang bentelador sa pinakamalakas nitong hangin. At nadadagdagan pa ito pagkatapos kong kumain. Dalawang araw kong tinis ang sakit, naghanap ako ng mga solusyon maliban sa gamot. Di pang matagalan ang epekto. Halos gusto ko ng magpaospital sa sobrang sakit. Mataas ang pain tolerance ko, pero ngayon parang bibigay ako. Ang masama pa, wala pa akong kasama sa bahay pag araw. Walang magaalaga. Huhu. Pero matapang ako, pinilit kong kumain, iminom ng soda, at kumain ng mas madami para malamang ulcer, hyper acidity of food poison lang ang sakit na ito. Pero parang halos magkakasama sa iisang tiyan ang hyperacidity at gastroenteritis. Uminom ako ng zantac na nagbigay ng ginhawa sa akin kinabukasan. Ü

- Divisoria. Pumunta kaming divisoria ng pinsan ko para makapamili ng mga bagay bagay na ipangregalo sa mga mahal namin sa buhay. First time ko ito sa Divisoria. Na hindi pala, kasi dito ako naligaw noong first year college. Ang maling nagawa ko, wala akong dalang cellphone. Pero naghiwalay pa rin kami ng insan ko.. pagkatapos makapamili ng napakagandang mga nabili, hinanap ko ang pinsan ko, ngunit di ko siya matagpuan. Dahil halos gabi na nung oras na iyon, inakala ko na umuwi na siya gaya ng usapan. Tsaka naalala ko na may meeting pala siya. Lumabas ako ng 168 mall, pero di ko alam kung saan na pupupunta. Kaya bumalik na lang ao sa tagpuan namin at nagkita nga kami sa wakas!! Kasi kung ako lang maliligaw ako. Ayun, nakita ko naman ang pinsan ko na may dala-dalang maraming piraso ng unan. Umuwi kami na masaya dahil, kontento kami sa mga nabili namin. Matraffic ang daan pauwi at ako ay gutom na gutom na. bumili kami ng pansit at dali-dali kong tiningnan muli ang mga nabili kong mga ewan. Maganda, praktikal, bagay. Kasi wala namang di bagay sa akin. Kasi wala akong pakialam sa magiging reaksiyon ng mga tao sa akin.

- ilang araw na lamang, uuwi na ako sa amin, ngunit hindi ko pa nakikita si bianca. Sabik na akong makita siyia at ipagmalaki na natupad ko lahat ng pinangako ko sa kanya na alam kong para din sa akin. Kumain ako ng madami para tumaba, nagkalaman, ngunit nagkatiyan. Pero hindi ko pa siya nakokontact. Naiinis ako dahil hindi napupunan ang pagkamiss. Madaming tao pa ang nais kong makita pero hindi ko nabigyan ng pagkakataong makita habang nandoon pa ako.

- Araw ng paguwi sa probinsya. Kasama si Jackie, galing Quezon City pumunta pa kami sa Alabang dahil doon lamang daw ang may available tickets kasi peak season ang December sa mga bumibiyahe. Pagdating sa Alabang mahaba ang aming nilakad kasi napagpasyahan ko na bumaba na agad kahit malayo pa sa terminal ng bus. Nahiya ako kay Jackie kasi napahaba ang aming nilakad. Dala-dala ang mga bag namin at niya, nakabili kami sa wakas ng ticket. Maswerte kami dahil halos iyon na lang ang huling dalawang ticket na available sa bus na iyon. Matagal pa ang pag alis ng bus kaya umikot muna kami ni Jackie sa Alabang Metropolis Mall. Bumili ako ng ilang pasalubong at kumain para hindi gugutumin sa biyahe. Di ko alam na hindi pala kumakain si Jackie kapag bumibyahe kasi ayaw sumuka.hehehe. sanay na sanay na ako sa biyaheng ganito, estranded, delay, siksikan, gulangan, kindatan, hanapan, at tinginan. May nakilala akong isang romantikong lalaki na may pasan na isang sako ang laki na may lamang stuffed toy ng Bear Cuddler nakausap ko siya at iyon lang naman. Nauna kami sa unang barko kaya nahilo ang ulo ko kung saan uupo. Sapagkat napakarami ng bakanteng upuan. Maalon ang biyahe, maganda naman sa kabuuan ang biyahe. Kumain na lamang kami sa pier ng Roxas ng noodles bago nakasakay sa barko. Napakahaba ang biyahe sa huling barko. Malalim ang aking pagtulog at nanabik dahil makikita ko rin sa wakas ang pamilya ko. Maaga akong nakarating sa amin at sa araw din na iyon, dahil madaming gingawa ang lahat, ako ang aattend sa Christmas party ng bunso namin.

mini autobiography

a little story, basically the entire academic years were written sa entry na ito. it may be senseless sa ibang babasa nito kasi this might be too personal. sana maiintindihan ninyo na this is my blog, and i will do anything on my own blog. and i made this to recall some of the precious memories.


kinder (Pandan Parochial Kindergarten School)

kinder 1 <wala akong masyadong naalala dito sa stage na 'to>

- pumunta kaming Bagiuo, sinama ako ng nanay ko sa kanilang faculty trip that was after the earthquake, first time sumakay sa puting kabayo (white castle?), at nalamang di naman talaga masarap ang strawberry

- nahulog ako sa creek sa tabi ng dating bahay namin, baha kasi, masarap maligo.

- lagi akong kasama ng nanay ko sa classes niya sa highschool dahil wala akong kasama sa bahay.

- may tutor ako at those times..

- nakita ko ang sugatang tuhod ng lolo ko dahil sinungay ng kalabaw..

- nagkaroon kami ng doorbell

- naglalaro ng lego

- sinasagot ko ang nagsasalita sa radyo.sa speaker ng walkman-radio.

kinder 2

- nagulat ako dahil sinali ako sa parang coronation contest bilang isang prinsipe, color blue na silk pa ang damit ko nun na tinahi pa ng lola ko.

- dahil loko loko ako, at walang alam sa parada, nagwala ako habang paakyat sa stage, hinahanap ko kasi nanay ko. At may dalang laruang baril.

- nung nagpapratice sa sayaw for the grad nun, nahulog ako sa mesa at umiyak

- suki ako ng dentist sa hospital na nasa tapat ng bahay namin dati.

- dumating ang tatay ko, madaming dalang paputok at laruan.

- nagmamayabang ang ilang ahead sa amin dahil mas maganda daw sa grade school sa kabila.

- una akong sumakay sa kalabaw.

- nagbibisekleta ako tungo sa talyer ng uncle ko upang makahingi ng magnet galing sa makina ng mga motor.

- nagkaroon ako ng alagang aso na tumagal ng limang taong si rambo ang pangalan niya, ginamit siya sa pangan gaso bago kinatay.

- nagkaroon ako ng laruan na ancestor ng zoids ngayon, ngunit na talbugan ng bola kaya nasira lahat

- unang natikman ang beer, pangit ang lasa, ito ang dahilan kung bakit hindi ako umiinom ng madami

- sumabog ang pinatubo at napuno ang lugar namin ng ash rain..masaya.

- inuuwian ako ng lolo ng tuba galing sa bundok, at natutong bumalot ng tabako sa tuyong dahon ng duhat

grade school (Pandan Central School)

grade I

- first day ng school 'di ako pumasok, umiyak at nagwala ako..di ko kasi alam kung bakit ang ibang classmate ko alam na may pasok at alam ang gagawin pero ako nagulat na lang dahil dinala ako sa school na yun

- sa school ng nanay ko sa bundok ako nag aral, dahil ayoko pumasok sa central school, nakilala ko doon ang mga kaibigan ko na di ko na maalala.

- lola ko ang adviser ko, pinapagapang kami paikot sa ilalim ng mesa kapag maingay , makulit o kapag mali ang sagot mo..buti na lang minsan lang nangyari sa kin yun.

- may giyera nun sa kabilang section, natusokan pa ng bbq stick ang kalaban.

- nilagnat ako sa araw mismo ng 7th bday ko.masaya ang araw na yun kahit may lagnat ako

- lumipat kami ng bahay .malawak ang lugar, ang bahay ngunit balot naman sa kababalaghan at nakakatakot na mga pangyayari.

- dinala ako ng tatay ko sa isang farm ng pakwan at pinakita sa 'kin ang isang napakalaking kambing, kasing laki siguo ng anak ng isang baka.

- pinasakay kami ng tatay ko sa barko nila..nakita ko ang kwarto ng tatay ko, ang kama niya ay isang bath tub..umakyat ako hanggang sa bridge, unang nahawakan ko ang streering wheel ng barko

- sinita ako ng kapitan nila, di ko alam ang gagawin, kaya di ko na lang pinansin

- natuto akong magbisikleta ng bmx.. pero bago perpektong natutunan yun, labing isang beses akong natumba ay nagkaroon ng walong gasgas sa katawan.

- duhat jam at coco jam na gawa ng lola ko

grade II

- asawa ng ninong ko ang adviser ko

- ginawa akong santa claus sa Christmas party eh ang payat ko naman..sobrang payat

- natulog ako sa bundok dahil panahon ng ani nun sa bundok kasama sina lola at lolo

- pagpasok ko sa classroom nagulat ako dahil may nagsabi na crush daw ako ni ______, ang unag reaksyon ko ay, ano ang crush?

- nalaman ko na ang owner ay “pagmamay-ari”..dahil ang pagkaunawa ko ay isang sasakyan na gawang pinoy.

- nagkabeke o mumps ako.

- uso ang texts, shatong, patintero, tumbang preso, baril-barilan at larong gagamba nun.

- umuwi si tatay nun, may dalang signal flares at parachute flares..yung pang sos sa barko..binigayan namin ng liwanag ang new year nun..

- nalaman ko ang word na declaimation

- ninakawan kami ng kasambahay namin ng bigas at mga gamit.

- napili ako bilang si bonifacio para sa araw ng kagitingan, gamit ang baku-bakong itak na putol ang dulo at kala wangin

- dito nagsimula ang pagtutol ko na si rizal ang pambansang bayani dahil kay bonifacio ako kampi.

grade III

- kinukulong kami ng teacher namin kapag recess na, at inaabutan kami ng pagkain saka naman kami sisingilin pagkatapos.

- ang adviser namin ay nagtututor sa mga kaklase namin na may pera ang masama, gawa na ang quizz at assign ment nila bago pa man sinabi sa amin. At sinabing advantage daw yun sabi ng teacher namin kaya magen roll daw kami sa kanya

- nagkaroon kami ng isang bagong saltang kaklase. Si Samuel Dave.

- lagi akong pinapaiyak noon ng pinsan kong si Esau Jo.

- nahulog ako sa pond ng water lilies at lotus sa manmade pond.. akala ko kasi kaya kong tumalon na aabot han gang dulo.umuwi akong wala sa oras dahil basa.

- lumipat kami sa bagong gawa ngunit di pa totally gawa na bahay namin hanggang sa ngayon.

- pinakain ng karne ng aso na di ko alam na alaga kong si rambo ang kinakain ko.

- balita noon na may nagpapakitang paa sa kawad ng kuryente na malapit sa lumang school namin

grade IV

- di ko maintindihan kung bakit nagiging project ang notebook na dapat kumpleto ng lahat ng pinaakopya na halos buong libro ang katumbas.

- taga lista ako noon ng mga noisy sa klase at may 50 cents na fine per count

- sumali ng habulan sa slide at sa lawn area.

- bumuo ng walang kwentang grupo ng mga 'elite' para sa isang natatagong dahilan na ngayon ko pa lamang ila lahad.

- dahil sa isang minitmithi kaya ko nagawa iyon, na gumawa kagrupo upang siya'y makasali.

- nagkaroon kami ng aviary at isa ako sa gumawa nun.

- habang nagku-kwento ako sa isang kaklase noon, napasabi kasi sa kwento ang “i love you”, nagulat na lamang ako ng bigla akong pagsusuntukin ng kausap ko. Hindi ko naman sinasadyang iba ang interpretasyon niya sa mga kwento ko. Pero sa likod ng aking isip, masaya ang sandaling iyon.

- napagalitan ng nanay kong teacher dahil hindi namin siya sinunod agad.

- unang natikman ang mga 'exotic dishes' na ang mga meat or main ingredients ay, dolphin, seacow(dugong), sea turtle, bayawak, palaka. di naman sadyang hinuli ang mga endagered sea creatures na yun, napasama lang sila sa lambat ng fishing vessel nila tatay. Di na sila maibalik sa dagat dahil namatay na.

- napalaban ang katawan sa pagsayaw ng folk dance gamit ang mga buko

- natutong magmotor.

- dinala ko ang mga kaklase ko sa bundok noon bilang birthday party.

- napatunayang marunong akong lumangoy dahil wala ng ibang paraan para mabuhay nung hinagis ako sa dagat mula sa bangka.

grade V

- sobrang strikto ng teacher, kailangang may dalang bulaklak ang cleaners for the day or else, sabon ang lahat.

- nakaaway ang pinsan ko dahil sa cards napikon, naiyak, may nasira ngunit walang pwedeng gumalaw sa kin

- pinatayo sa harapan ng adviser dahil naging maingay ako at makakaupo lamang kung makakasagot sa tanong niya.

- nawalan kami ng kuryente ng halos isang linggo.

- auntie ko ang science teacher ko kaya simple lang. di dahil kamag-anak ko, dahil sisiw lang ang science.

- naging representative ng level namin

- tinuruang magluto ng toron at ginataang bilo bilo

- natusok ang lalamunan dahil sa maliit na kawayang ginagamit sa panlaban sa mga kaaway..inihihipan ito

- may nakitang isang potensyal na liligawan ngunit nung nalamang gusto ng isang kaibigan, umiwas at nangako na lamang.

- sumikat ang back street boys at westlife

- binayaran kami ng teacher ko para pinturahan ng puti ang kisame sa loob ng dalawang araw..marumi ang naging trabaho at madaming kalat gawa ng roller ang ginamit.. ang masama dahil loko loko ako, napintahan ko ang brown na upuan at pulang bulletin board.. napagsabihan ngunit binayaran ng 200. sobrang laki na nun.

grade VI

- teacher ko sa math ang nanay ko

- isang taon akong sinisingil ng teacher ko sa sining dahil sa project na di ko nagawa di ko tinupad pero may grade pa din

- pinasali sa math quiz bee, nanalo, umabot sa povincial. madaming experiences, coach ko ang nanay ko..nakilala ang ibang mga kaibigan mula sa ibang schools na naging kilala pag ka high school.

- tumakbo sa pagkapresidente ng school, natalo.

- nagulat dahil naging presidente ng isa sa dalawang club sa school at vice naman sa kabila.

- unang nalaman ang chemical component ng tubig

- pinanganak ang bunso namin at napagkamalan kong tiyanak dahil sa mga mata.

- natutong magmotor magisa.. 4 na beses na natumba at 7 beses nakabangga ng kahit ano. Sa niyog sa poste, sa pader, sa puno ng kahoy at iba pa.

Ilan sa mga nagsisimula ng mga araw ko, namin sa paaralang ito ay tuwing flag ceremony, araw-araw na mayroong dance aerobics at ang isa sa ilan ay ang kantang Locomotion. Bawat araw may mga lider sa harapan ng mga pila upang pangunahan ang sayaw. Nakakatawa kung iisipin ko ngayon. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi man lamang ako tumanggi. Tumanggi sa mga bagay na alam kong di tama, di ko gusto. Bakit natatakot ako na bumaba ang grades ko, na bumaba ang pangalan ko sa listahan ng mga nangungunang pupil. Bakit di ako nare-react sa mga kaartehan noong elemntary pa. Pero napagtanto ko din na mas maganda pa nga nung bata pa kami, kasi walang pakialamanan, basta masaya. Kung kelan lumaki, saka lang naging maarte.

high school ( Pandan Bay Institute)

first year

- brutal ang adviser namin

- nanibago sa bagong setting

- 'di ko malilimutan ang humiliation na ginawa ng pinsan ko sa kin ng bigla akong binatukan dahil may pagtingin daw ako sa nililigawan niya.

- pinatakbong senador ngunit di nanalo, isang malaking hakbang kasi ang posisyong iyon.

- naging meyor ng class, siga, sinama sa quizz bee sa malayong lugar..inulan, binagyo..apat na oras ang biyahe papunta sa area. Nasiraan ng tulay.

- nagulat sa tanong ng isang teacher tungkol sa grade ko, kung okay na da iyon sa mga magulang ko

- madaming bagong mukha sa school mula sa iba't-ibang paaralan sa mga barangay..

- nadagdagan ang mga kaibigan at mga kakulitan..si Gerby, si Dandy, at Joey.

- science teacher namin ay tinawag naming godzilla, may movie kasi nun ang godzilla, kasi gumagaw kami ng ero planong papel at iba pang gawa sa papel at naglalaro habang may klase at lalapit ang auntie kong teacher at pinupunit o sinisira ang mga laruang papel namin.

- nagkaroon ng giyera ng papel sa school, tinutumba ang mahahabang mesa upang may bunker para hindi tamaan.

- ilang beses ding pinapunta sa discipline office, absent at violations

- nung foundation day, ginawang palaruan ng basketball at iba pang sugalan ang bakanteng classroom namin.

- nagkaroon ng eye transplant ang bunso namin nung siya ay 6months old.

- sinuntok dahil sinira ko daw ang lantern niya (si joey pancho)..

-five pesos ang baon araw araw.

- di ko makakalimutan ang Vera Mar leadership training. Piniringan kami sa isang night program, and kung saan-saan kami dinala ng mga senior batch. Ang Place of the seminar ay sa isang white sand beach. Sa likod ay isang humungous pile of rocks, may cave, a sanctuary for its owner. Madaming side stories sa seminar na ito. I cried when i knew that my parents were already here after my bros. eye operation. I buried a coconut-made-rosary on the shore, madaming pagkain. Grabriella Maglaoy freaked out when the lights turned off. May phobia siya sa dilim.

second year

- adviser namin ay isang mabait na teacher, na lola ko..

- tumakbo sa eleksiyon at nanalo naman.

- nalamang nakakalasing ang pinaghalong sprite at stork candy.

- nagkaroon ng motorsiklo ang tatay ko..nakapagdrive ng halos buong south expressway..terrains were roads na paikot sa bundok at madami pang bundok

- naging mailap ako sa mga magagandang tao.

- isinama ulit sa quizz bee.

- natalo ang mga seniors sa sports fest at iba pang pakulo. Chess is my game.

- sinama sa isang magandang lugar sa tabi ng dagat para sa isang leadership training, nakilala ko ang ibang higher people at mga ugali nila.

- dumami na talaga ang mga estudyante.

- nagkaroon ng gulo sa room ng may nag away na mga kaklase.

- ilang beses nadadala sa discipline office dahil sa mga violations mainly in tardiness at wearing improper uniform.

- sa unang pagkakataon, naging nagbati na ang mga magulang ko at mga kapatid ng tatay ko sa huling pag kakataon sa paglisan ni lola namin.

- pinaikot ni tuuut ang buhay emosiyon ko sa buong taon na ito. Para akong stalker na laging sinusundan ng tingin. Para akong timang na umuuwi ng sobrang late para lang makita si tuut na may inaantay sa upuan sa harap ng room namin. pinaka espesyal na memory ko sa kanya ay ang pagsandal niya sa dingding, hindi pa makauwi dahil sa sobrang akas ng ulan. Mag isa, tulala, nakatingin sa sahig, malalim ang iniisip, gusto kong lapitan, pero di naman niya ako kilala. Inaamin ko na parang kinokeryente ang buong katawan ko na kapag napadaan siya sa aking paningin. Pero mukha akong tanga noon, walang lakas ng loob. Kaya may kaunting pagsisisi. Sana mapunan ko ang panghihinayang na iyon

third year

- terror chemistry teacher ang adviser namin.

- binuhay ang publication o school paper namin na 'kingke' na sa tagalog ay lampara.

- bago ang director na pari ng school, at strikto

- nabigyan ng pagkakataong maglagay ng isang entry sa school publication namin dahil na rin sa encouragements ng pinsan kong weirdo.

- quizz bee ulit. Ang venue ay sa isang bayan sa bundok. Lahat ay matatalino sa lugar na iyon. Dala-dala ko ang “goodluck” na binigay ni tuuut galing kay tuuuut.

- ako ata ang unang laging buena mano na sinita sa unang araw ng kanyang termino..una, sinita ang sapatos ko, di leather shoes kundi rubber shoes ang suot ko nun..at ang pinkamalala, napagalitan dahil sa bihirang pag kakataon, nahuli ng harap-harapan na nagiingay habang bumisita sa aming klase. napahiya, dahil akala ko joke lang nung may nagsabing tumitingin ang pari, tinawanan ko pa, yun pala totoo.

- nagawa namin sirain ang fuse ng kuryente ng school dahil na short circuit ang radyo namin. Naputol pansamantala ang kuryente ng school, di na tumutunog ang sound system. Malaking problema pag nahuli.na mayroong amplifier, at may dala-dalang 2 component speakers at pinapatugtog sa classroom, habang ang lahat ay abala sa foundation day preparations..buti hindi ako nahuli na may pakana ng lahat..kung nahuli man, di rin ako pa pagalitan ng lolo ko..

- paano kami nakapagpatutog na hindi nasisita? meron kaming look out sa labas ng room habang kami ay abala ng mga bagay bagay sa loob.chess, table tennis(pinagsama ang 2mesa at may nakahandang net at racket), soundtrip, at ligawan.

- nagkaroon kami ng field trip around panay, sa isang mini zoo, sa coke factory, sa capiz, sa mga museo at lumang simbahan at isang kontrobersiyal na biyahe dahil sa hindi maiiwasang pagkakataon.

- dumami pa lalo ang mga kaibigan.

- nagustuhan ang kahit anong superman

- nakasira ako ng isang monoblock chair

- sumikat ang kantang stupid love ng salbakuta

- sa isang excurtion sa paborito kong lugar, ang tilapia ay binibili namin ngunit kami ang mamimingwit nun..matagal ang pamimingwit, ngunit napawi dahil sa tugtog ng salbakut (yeah!)

fourth year

- ahmm, tumakbong president ngunit bumaba sa vice president dahil ganid na ako sa extra culliculars pag ganun pa.nanalo naman

- teacher ng tatay at nanay ko ang adviser namin.

- nabobore ako sa math subject, kaya minsan kapag walang magawa, pumupunta akong canteen sa gitna ng class. May nagigitara.

- pinadala kami sa kabilang bayan para sa isang journalism or writing workshop.. madaming pangyayari, seminar sa matinding bagyo sa bahaing bayan at natutulog sa mga classrooms.

- dahil baha noon, ang mga bench ay ginawang tulay tungo sa covered area kung saan ang seminar, nahulog ako dun, basa, literal na naligo, napahiya na naman. Naging paksa ng ako mga activities like news writing at car tooning.

- nabobore ako sa math subject, kaya minsan kapag walang magawa, pumupunta akong canteen sa gitna ng class. May nagigitara.

- umani din naman ng mga natatanging parangal.

- ang masasayang experiences ay nadagdagan pa nung nasira ang tulay na daanan pauwi sa bayan namin...malawak ang ilog, nasira ang tulay sa lakas ng agos, ngunit, hawak kamay naming tinawid ang ilog kahit hindi posibleng matangay ano mang oras..nadulas ang kasama ko nun, muntik na kaming matangay ng ilog.buti magaling ako..

- isinali ulit sa quizz bee, nadala ng grupo ko ang panagalan ng school sa medyo mataas na level sa loob ng apat na taon.

- pinapili ako ng commander namin kung ano ang gusto kong posisyon sa CAT, humble ako kaya mababang rangko ang pinili ko(kapitan)

- hinirang akong eic ng school paper, di ko alam kung bakit dahil madami namang mas magaling..(setting-gabi sa white beach may pagkain)

- nakipagkompetisyon sa larangan ng pagsusulat sa kabisera, at sa regional..sa huling kompetisyon, naging ma hirap ang lahat dahil mataas ang lagnat ko noon.. walang matinong konsentrasyon, ayaw akong payagan ng mga magulang ko na tumuloy, ngunit alam kong magiging experience yun kaya sa last minuite ng biyahe sumama pa rin ako..

- sa leadership seminar, pinili ako ng searchee bilang sasayaw sa kanya sa isang blind dating game...hawak daliri hindi kamay.

- masugid naming pinlano ang okasyon para sa valentines day.. sa isang dahilan na para sa makasariling intensyon ang lahat ng mga planong binuo ng panahon na iyon..mula sa tema, at ang mga kanta na patutugtugin sa js prom kinagabihan..ako ang kumontrata sa sound system para ako lang din ang masusunod sa mga kantang gusto kong pakikinggan at sayawin.

- kumuha ako ng exam sa la salle dasma para sa kursong nursing..

- nakasama ang isang di inaasahang tao na makikilala sa susunod na apat na taon. hindi ko na maalala sa isang pagtitipon ng mga batang manunulat nagkasama kami.

- nawalan ng ilaw minsan sa lugar na tinutuluyan namin habang nasa kompetisyon at di sinsadyang nahawakan ang kamay ni *tuut* na alam kong wala din naman yun.

- naging madalas ang pagtambay sa dagat o dalampasigan tuwing kabilugan ng buwan.kasama ang iba.

- nauso ang mga kanta ng the calling, creed, at linkin park..jologs days ang a1, bsb at westlife..haha

- di kami kinikibo ng isang malapit na kaibigan, at nung huli nalaman na lang namin na nagalit siya dahil hindi siya nabahaginan ng tinapay na aming binili

- nakasira ng tatlong piraso ng bintana, aksidente, at walang nangahas na magsumbong..(huh!)

- sa year lang na ito naranasan ko na masarap ang buhay highschool.

Ilan sa mga pinagsisihan kong gawin nung highschool ay ang hindi pagenjoy nito nung simula pa lamang. Fourth year na kasi ako nagmamayabang noon. Pressured ako sa mga lessons, di ko alam kung bakit. Habang nagbabalik tanaw ako, narealize ko na sa high school days pala nakapreserve ang mga mgagandang ala-ala. Na masarap balikan, na ang mga crush mo noon ay crush mo pa rin ngayon, na ang gusto ko noon, maaring ikaw na ang gusto ngayon. Halos walang nagbago.

College- De la Salle University- Dasmarinas- HSC

First year:

- isa sa pinakamahirap ang unang pasok ko sa kolehiyo.

- Problema ko ang language barrier kasi hindi ko mabigkas ang salita ng mga tagalog na ayon sa kanilang pagbikas. Ang tangi ko na lang tugon ay yumuko para hindi mapahiya at `wag mapansin.

- Una kong nakilala si Adrian Ryan Bustamante Medina na taga Imus, Cavite. Isa siya sa mga unang lumapit sa akin kasama ng ibang grupo ng kalalakihan, sina, Ryan kalbo, Mark Moreno, Maynard, Benedict Sakay, Louwie Ramos, Marlon Javier, Matthew, at kung may nalimutan man ako, pasensya na..

- Iba-ibang uri ng tao ang nakilala ko, at ilan sa kanila ay naging kaibigan ko at mula sa kanila unti-unti kong sinalo lahat ang mga pangaasar sa kung pano ako magsalita pero natuto din dun.

- Isang malaking issue noon na may ninakaw na cell phone na sa huli`y nalamang kakilala din ang may gawa, nagbati naman ang dalawa.

- Lagi kong problema ang pagkain noon, wala pa kasi akong masyadong alam sa mga lugar doon, kaya tiniis ko ang halos araw araw na noodles at pancit canton.

- Naging malapit na kaibigan ko si Ryan tangkad.

- Ang pangalang pantawag nila sa akin at “luke”, yun kasi ang pantagong pangalan ko na dati ko pa gusto

- Sobrang mahaba ang buhok ko noon na hindi ko ginalaw mula graduation ng highschool hanggang magsimula ang second semester. Sobrang haba na may tumawag sa aking adik(`di ko makakalimutan ang nagsabi sa akin nun`).

- Nagkaroon ng isang raid sa tapat ng bahay namin na tumagal ng tatlong oras na barilan. Talong oras din kaming nakayuko lang at pagapang gapang sa aming bahay na apat na metro lang ang layo sa amin

- May isang babaeng nagpakilala kung sino talaga siya at ano ang kaya niyang gawin. Siya ay si - - - -. Nagulat ako sa ginawa niya, huli ko siyang nakita makalipas ang dalawang taon na paglipat niya.

- Nagkaroon ng pagkakataong tinawag akong daddy.

- Nagamit ko ang matibay na pundasyon ko nung high school sa mga araling pandagdag sa grado.

- Naging kapatid ko si Cresta Camille at kapartner sa biology sa pagsusuri sa naembalsamong palaka

- Dahil ako ay probinsyano, madali namin natalo ang kalaban sa mga paligsahang pinoy.

- Tinukso ako kay Salve

- Natatandaan ko pa ang pangalan ng taong garapalang pinahiya ako. Catherine. Details unnecessary.

- Laging late sa klase na 7am. Pero nabawi ko naman sa mga exam.

- Nagkaroon ng barilan sa hospital ng la salle at may namatay.

- Pumunta kami sa Festival mall para sa isang makahigh school na `bonding`.

- Unang nagkaroon ng bagsak na grade sa Pilipino pa na subject dahil lang sa pagiging late lagi.

- Muntik na akong masuntok ni Ryan kalbo.

- Magsosorry ako kay Cherish Ivy Marasigan na tinawag naming bakla nun (di naman ikaw ang directly pinapatamaan).

- Nalaman ko ang pangalan ng isang crew ng Jollibee sa festival mall ay si “Marie na naging crush ko. Di niya alam na sa paningin niya ko sinelebrate ang birthday ko. Wala kasi akong kasama kaya dun na lang ako pumunta. Di nagtagal, nalamang ko na may boyprend na siya at pagkatapos nun di ko na siya nakikita sa food chain na yun.

- Nagtour sa Enchanted Kingdom. Natatakot na akong sumakay sa Space Shuttle dahil ang grupo namin ay isa sa mga biktima ng aberya ng ride na yun, mga 5mins kaming nakatingin sa langit. Nastocked ang ride at walang nagawa ang mga crew.

- Napakapangit pala ng lasa ng wasabe?

- Hindi namin maintindihan ang proff sa Career Pathing

- Muntik na kaming makadisgrasya sa sasakyan ni Benedict sakay

- Napansin ko ang kapayakan ni Meki, bago pa siya lubhang nakilala.

- Ginawa namin ang isang project tungkol sa mga kuwento noong panahon ng mga Hapon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makaikot sa Cavite upang mag-interview.

- Napamahal sa akin ang aso sa bahay naming na si Tuesday. Ang selosang pitbull na sa babae lamang kumakahol!

- Naligaw sa divisoria dahil naiwan ako ng barko pauwi sa amin. Wala lang sa akin yun pero sa pamilya ko at sa taong sumundo sa akin nagiging big deal. Big joke.

- Isa sa mga pinakamahirap ang pagiging first year sa University ng mga mayayaman at social. Dahil hindi ako nabibilang sa kanila. Nagkataon lang na nabiyayaan ako. Lahat kasi ay bago, at hindi ko nakasanayan. Pero magpapasamalat ako sa lahat ng nagpahiya sa akin, kung di dahil sa inyo, lalo pa siguro akong napapahiya ngayon. At sa mga naging kaibigan ko hanggang ngayon. Kina Sally, Liza, si Joyce na hindi na namin nakita, si Lhen na anak ng isang PSG, si Dave na umahon sa aking grado sa Pilipino, si CJ, si Hannah, ang guro na pumuri sa mga sinusulat ko, sa guro ko na ginawa akong bading,

Second year:

- Bigalang nadissolve ang section 10 namin, at wala ako doon upang ayusin kung saan ako malilipat. Mabuti na lamang nandun si Ryan upang pagsama-samahin kami sa iisang section na magiging pabor sa aming lahat.

- Hindi na nakita si Marlon, Mark Moreno at iba pa sa paaralan.

- Naging bukas sa mga bagong salta ang mga bagong kaklase namin.

- Ilan sa mga unang nakilala at nagpakilala at si Margaux, Mark Lester, Keo, Rongie, Ronnie, Cyrus, Merlody Mines, Mary Kristine, Kendi, Arriane, Mitch, Dianne, Cindy, Josie, Welar, at napakadami pang iba, dahil open nag sila sa amin.

- Nasira ko ang deltoid ng mummy na pinagaaralan namin sa anatomy, sinuntok ni Cyrus sa balikta ko.

- Masarap sa P.E. swimming, parang outing lang.

- Di makakalimutan ang Chicago na napanalunan namin ng unang parangal sa kabila ng lahat ng paghihirap. Gumawa kami ng rehas na pumalpak sa huli.

- Community sa Naic, malapit sa mga lolo ni Ryan. Sa isang ressetlement area, mabait ang mga foster parent ko na si tatay ay mangingisda, at si nanay naman ay housewife. nakilala ng kaunti sa lugar na iyon dahil halos lahat ay mga galing Bisaya. Masaya ang bawat oras sa community exposure, mababait ang mga proff, at sinuportahan ako ng foster Family ko sa mga kakailangin namin.

- Nagpuyat sa paggawa ng mga side requirements para sa community.

- Nauuso ang mga kanta ng Spongecola. Lunes, Jeepney, Dragonfly, Una

- Nakilala ko si tuuut, na napapautal ako kapag nakakausap siya.

- Di ko malilimutan si Mines mines, na Walking Buddy ko. Lagi kaming magkasama sa paguwi sa aming tinitirhan. Kasi sa dami ng mga pinaguusapan, hinahatid ko na lang sa kanilang bahay para matapos lang ang usapan.

- Nagkaroon ng swimming outing sa Volets Resort. Buong araw ang okasyon, naging masaya ang mga sandali.

- Madami ang mga nagpahayag ng pagibig nung Valentines day.

- Ang pagda-dub ng ng movie ni Keanu Reeves na Speed 2.

- Nanalo kami ng mga pinsan ko sa agawang biik.

- Sa unang pagkakataon, sumayaw ako sa isang kasiyahan. Sa pagtatapos ng Nurses Week.

- Ginawa ang SM Dasma.

- Ginagawa ang dorm noon ng HSC.,

- P.E basketball, masaya, parang laro lang kami lagi, red team kami. Kasama ko si Keo, pero, hindi namin nakalaban ang team nina tuut.

- RLE subjects ang hirap, mga return demo, pamatay.

- Napakasimple lang ng invention namin sa STS, di gaya ng gawa ni Louwie, complex, pero realistic. Ang sa amin, isang malaking band aid lang, na mayroon daw mga extract mula sa regenerating cells mula sa mga amphibians at reptiles. Mas mabilis ang healing, walang scar, and may prototype na pwedeng i-regenerate ang na-amputate na body part.

- Mga bagong kakalase sina MJ, Bianca, at Marla.

- Sarap matulog sa English 2 subject, nakaupo lang kasi kami sa carpeted na sahig. May tv pa sa camera room.

- Nanganak si Tuesday ng limang mga “pitbelles” na inalagaan namin. Binigyan sila ng isang bahay na para sa tao. Ngunit walang nabuhay sa mga tuta. Nakakalungkot.

- Kumuha ako ng battery exam na biinagsak ko. 75 ang passing grade, 74.76 ang nakuha ko.

- Nawala ang cellphone ko.huhuhu.

- Naexempt sa final exam ng REED at Computer. Malaking tulong iyon para mas may time magreview sa major subjects.

- Hindi man lamang ako nakapagpaalam kay tuut na lilipat na ako ng school.

- Pinakilala si Diana May sa akin ng mga tropa niya na mga kaklase ko.

- Dahil nasemplang ako sa motorsiklo, bumalik ako sa La Salle na madaming gasgas sa katawan. Ang unang nakakita noon ay si Dianne. Pumapasok ako sa eskwelahan ng La Salle na nakatsinelas lamang. Ilang beses akong sinita ng mga guwardia. Pero sa basketball lang ako nakapagsapatos kahit may sugat ang paa ko dahil gusto kong maglaro.

- Gumawa kami ng yerba buena cream.

- Masaya sa physics subjects. Lalo na sa laboratory. Dahil mahal kami ni “Coach Ansai

- Nalampasan ko ang Micro Para na kamuntikan ng bumagsak.

- Hindi ganoon ka kulay ang mga oras sa year na ito. Walang inspirasyon na nagpapataas sa antas ng aking pagsisikap. Umiikot lang kasi ang buhay ko sa mga araw na ito dahil sa mga mata ko. Sa mga matang kay tuut lamang nakatingin. Na minsan na rin akong napuna ng isang kaklase dahil masyado daw halata na lagi akong tumitingin kay tuuut. Pero hindi ko maiwasan, ang sisi ay kay tuut dahil nagagawa niya akong ganito. At sa pagiging adik sa Smallville dahil kay Kristin Kreuk na halos kamukha niya, nararamdaman ko pa ding umiikot ang mundo ko. Isang malaking pagsubok din ang paglipat ko ng school, pero hindi ko iyoon pagsisishan dahil sa mga susunod na mas magandang mga kwento at iba pa.

College - University of Perpetual Help System – Biñan

Summer and Third Year:

- Hindi madali ang paglipat sa School na ito

- Hindi ko alam ang mga dapat gawin dahil sa malaking kabiguan na nagawa ko. Buti tinulungan ako ng tiyuhin ko sa pagaasikaso ng mga kailangang gawin.

- Kumuha ako ng battery exam nila at entrance exam nila. Napasa ko. Nawala nila ang result ng exam ko. Kinabukasan nakita ko ang exam ko na may pangalan ko ngunit hindi ko sulat kamay. Maanumalya agad.

- Hindi ko malilimutan ang napakabait na C.I. na si Mrs. Lavadia.

- Una kong nakilala ang mga babae ko sa perps sina Diana May at Josefin Camille. Si Dmay, nagulat na lamang kami sa isa’t isa dahil pinakilala na kami ng mga classmate ko sa bawat isa. Si Camille at Dmay ay magkaibigan. Sila ang unang nakilala ko. Mga minahal ko silang lahat. Sa unang pagkikitang iyon, ipinangako namin na aahon ulit kami, at magtutulunang kami. Kung hindi dahil sa kanila, siguro iba ako ngayon.

- Sabay-sabay kaming humabol sa mga grades. Isang linggo kasi akong delayed sa klase. Ang unang grade ko sa school na iyon ay 69%, napakababa at mahirap habulin. Lalo na sa unang araw namin, may mga quizz agad na at wala kaming alam, kahit ang mismong tinatanong.

- Nakaahon ako sa mga bagsak na grades ko. Nakayanan namin. Hindi ako makapaniwala. Pero nagawa ko.

- May minor subject kami na BioChemistry na sobrang hindi ko alam ang mga sinasabi ng prof. lahat kami dito mga irregulars. Kaya, halo-halo ang mga ugali, iba*t-ibang grupo. Kopyahan, tulungan. Sa subject na ito una kong nakilala si Johnellen na magbabago ng buhay ko. Dahil nakuha ko agad ang cellphone number niya, parang magkaibigan na agad kami. Di ko din alam kung bakit ko ginawa yun.

- Habang nageenroll para sa first sem, nilapitan ako ni Arverino(arvie) kasama ang girlfriend niya na si Eileen (gf dati). Kinausap ako dahil ang alam niya, ang mga nakakasabay niya sa pageenroll ay magiging kaklase niya. Ganun nga ang nagyari, magkasama ulit kami ni Dmay ngunit hindi na namin kaklase si Camille. At Si Johnellen, nagkita ulit kamil.

- Nagkataong magkagrupo kami nina Arvie, Ayi, Beverly, Aiza, Rogee, Edna, Katharine, Maricel, Glenn, Jha, at si Roy.

- Sa unang mga araw sa klase, nagkaroon agad ng mga di pagkakaunawaan.

- Nakilala ko sina Keith, Allan Dexter, Randy, Paul, Ryan, Jandy, Charles at iba pa. nagkayayaan na magbabasketball. Doon nagsimula ang mga pagkakataong magkakasama kaming naglalaro kung saan saan.

- Tinawag akong daddy

- Partner ko si Bianca sa return demo ng paiinjection. Naawa ako sa kanya dahil alam kong mabigat ang kamay ko at siya sobrang gaan na hindi man lamang ako nasaktan sa IntraDermal. Plus may Dunkin Donut pa ako.

- Unang exposure namin ay sa base hospital. Marami din kaming nagpuntahang mga hospital; Fort Boni, Lung Center, East Avenue, Provincial Hospital ng Laguna, Cabuyao (di ko makakalimutan), at iba pa.

- Masaya ang bawat biyahe sa van. Maliban sa mga sakay sa bus

- Masarap ang duty sa National Center for Mental Health. Catatonic Schiz ang case ng patient ko. Challenging ang gumawa ng isang therapeutic communication. Kailangang labagin ang mga batayan para sa mas epektibong pagkokomunikasyon.

- Kabirthday ko ang patient ko sa pavillion 35- Forensic ward. Lugar ng may mga kaso.

- Inikot namin ang halos NCMH. Nakapagobserve kami ng ECT na ginawa sa mga patient with hopefull families. Worst experience in the nursing field, dito ko naranasan.

- Madami akong nagawang kapalpakan sa duty.

- Dumayo kami sa Cabuyao para lang magbasketball at pagkatapos ay kakain sa Tuding’s.

- Nagcommunity kami sa Cabuyao din. Mahirap ang pagsagawa ng mga requirements, puyatan, walang tulugan, lalo na kung ikaw ang taga lay out ng paper works. Sa ilalim ng guro nami na si mRs. Pioquinto, nagsimula ang pagunawa na ang paggawa ng Community Diagnosis ay hindi biro. Pero gusto ko ang ginagawa ko.

- Madaming pagsubok ang dumaan sa amin. Sa akin, kinaya ko dahil alam kong may pinaglalaanan ako.

- Mabait ang adviser namin

- Mabait din sina nanay Era at ate Weng sa kainan sa likod ng School. Masarap lagi ang mga luto nila.

- Masaya ang mga sandali kapag kasama si Bianca.

- Naimbitahan sa isang resort ng isang kaklase sa Batangas. Maganda ang lugar nila may privacy. Mahal na mahal ko ang tubig, kaya inabuso ko ang pagkakataon sa pool. Maganda sa lugar nila Roniza. Kasama ko sina Candice, Dmay, Randy at Kit.

- Binigyan ako ni Bianca ng hinahanap-hanap kong body bag. At naging magBestfriend.

- Niregaluhan ako ni Bianca ng pinakagusto ko sa buong buhay ko. Natunaw ako ng sinabi niyang tutulungan niya ako para magkaroon ng pinakagusto kong materyal na hilig. Kaya pansamantala daw, laruan muna. At isang sumbrero. Umiyak siya sa kaarwan ko, pero hindi dahil sa dalandan lang ang handa ko sa kaarawan ko. Siguro dahil wala akong kwenta. Sa araw na ito nalaman kong pwedeng lagyan ng asin ang dalandan.

- Sumikat ang bandang Hale.

- Nagkaroon ng gig ang Mojofly sa school. Nanood kami. Muntik lang ako mapaaway dahil may mga lasing na kumakalabit sa akin, at kay Bianca. Dahil, madami sila, umuwi na lamang kami ni Bianca. Ayoko ng gulo.

- Umikot sa Orthopedic Centre.

- Sa pelikulang Sassy Girl ng mga Koreano, una kong naranasan ang hindi mabibiling kaligayan. Isang pangyayari na inaamin kong isa sa pinakamasayang pangyayari.

- Pinagtatawanan ako ni Bianca dahil sa mga kapalpakan ko. Tinulungan niya akong ayusin ang mga kahihiyan ko.

- Inaamin ko na umikot ang buhay ko sa buong third year college life ko kay Bianca. Isang pagsubok ang hayaan ang sarili ko na umikot lang sa buhay niya. Pero hindi ko alam kung bakit nagiging matatag ako tuwing may namumuong problema. Inaamin ko din na ang ginagawa ko ay mali, di ko masisisi ang mga tao, di ko rin masisisi ang sarili ko at si Bianca. Ang lagi ko kasing iniisip, hindi lang napapanahon. Pero, dahil hindi ko hawak ang mga saloobin niya, tuluyan na rin naglaho ang lahat. Dahil doon, namiss ko ang baked mac, ang mango float, ang spaghetti, toothbrush, ang lahat. Mahirap, pero natutuwa ako dahil lahat ng mga ginagawa ko ay totoo. Kahit siya hindi minsan. Sa dami ng pagsubok na dumaan, ngayon lang ako hindi nanalo.

Summer and Fourth Year:

- Sobrang hindi maganda ang bungad sa panahong ito. Lahat ay hindi maganda.

- Hindi ko maiiwasang hindi gumawa ng reaksiyon sa mga nangyayari.

- Away. Higpit. Eksena. Sulot. Siraan. Lamig. Wala.

- Hindi ako makapaniwalang sa Sta. Cruz , Laguna pa din kami magdu-duty.

- Sinimulan ang paghahanda para sa thesis.

- Madaming problemang dumating sa pamilya.

- Bawat sandali; galit, awa, kutya, sira, away.

- Nag-iba na ang lahat. Nakakapanibago.

- Parang nahati ang RLE group dahil sa mga kalayaang natamo. Dito nagsimula ang munting “bonding” naming mga barako.

- Umikot kami sa Cardinal Santos Hospital. Nagkaroon ng pagkakatong silayan ang mga modernong mga instrumento sa larangan ng kalusugan. Isa sa mga sopistikadong pinagmamalaki ng ospital na iyon ay ang Gamma Knife machine nila. Di na kasi kailangang magsagawa ng isang madugong operasyon. Gumagamit lamang ito ng radiation in its concentreted form to treat patients.

- Sa pagsisimula sa fourth year, isa ako sa mga nauna sa lahat. Lahat hindi maganda.

- Ako ang kauna-unahang nahingan ng Incident Report. Pero nililinaw ko na hindi ito batay sa kapabayaan sa aking pasyente o di pagsunod sa mga mahahalagang batayan ng ospital. Isang mahalagang tawag lamang ang aking tinanggap at hindi nagustuhan iyon ng C.I. namin na si MMR Monta. Siguro ginawa niya sa akin iyon para may halimbawa ang lahat.

- Sa pagakakataong ito sa IR ko. Inalukan ako ng moral na suporta ni Bianca. Ngunit hindi din maganda ang reaksiyon ko at wala ding magandang nagyari.

- Nagduty ulit sa Lung Center of the Philippines. Grave shift kaya little work, more talk, untimely sleeping hours, irritating.

- Mabait ang bantay ng patient ko sa akin. At hindi siya naaasar sa mga interview ko. Naging maganda ang pagha-handle ko sa patient ko at sa evaluation ng C.I dahil sa kanya.

- Nakilala ko si Julie Anne sa isang biyahe pauwi sa probinsya. Nagkataon lang na pareho ang sinakyan namin. Naiinis ako noong una dahil siya ang humaharang sa mga dinadaanan ko kasama ang lalaking di pangit. Sa unang pagkilala ko sa kanya, akala ko ang name niya ay Jillian, nagulat ako kasi parang spongecola. She knows my brother more than me. Sa di maiiwasang pagkakataon, hindi maganda ang bungad ng pagkilala ko sa kanya. Dahil loko loko ako. Sa bakasyon ko sa probinsya, masaya tuloy kahit umuulan araw-araw. Siguro, dahil pareho kaming ex-eic, nagkasundo agad? Sa isang biyahe pabalik ng Maynila nagsimula ang lahat.

- Masaya ang Phyro Olympics sa Mall of Asia. Although hindi namin napanood ang unang mga contingents ng kanilang bansa, napanood naman namin ang iba. Masaya, romantic? Oo, romantic, nakita din namin ang ilang classmates ko. Nagkaroon ng anak, naging dadad? Ngiti. Napagalitan nung nakauwi na dahil sobrang late na.

- Review for thge board exam on weekends.

- First time napasama sa peak hours sa mrt from Mandaluyong. Good thing im blessed with such physical advantages, kaya kahit i am far from the holding poles for standing passengers, nagawa ko pa ding labanan ang inertia dahil abot ko ang roof ng MRT with poles so my companion can anchor on me. Masaya ang mga pagkakataon.

- Isang experience din ang trivia machine sa Megamall, madaming tao ang nanonood.

- EK sa alanganing oras. Pero masaya, basa, lamig. May luapit na magsyotang koreano sa min and asked us if they could join us in our cab on the ferris wheel to have a balance on without breakage.

- All of a sudden naging ganito.

- Masaya sa paparty ni July sa pansol sa swimming pool kasama ang ibang mga kaibigan. Bida din si George.

- Thesis writing. Mahirap. Magulo. Mabuti na lamang, medyo maganda ang grupo namin, sa pamumuno ni Rogee.

- During thesis writing, nagkaroon ako ng chance na makausap upang malaman.

- Masaya ang thesis writing. Masaya, madaming pagkain, sarap ng masahe.

- Pinakilala sa akin ni eic ang Silent Sanctuary. Sumisikat din ang Up Dharma Down.

- East Avenue duty. Sobrang hitik sa experience. First serious major operation assissted. First operation assissted without a real RN din dito.

- Pinagbigyan ang hiling ko na tulungan akong pawiin ang kalungkutang madarama kapag nasa biyahe.

- Case Study presentation. Magnanakaw ng tulog at oras sa iba ang study na ito. PPT making, im glad dahil suportado ako ng grupo.

- I was so stupid.

- Graduation Photos, ang pangit ko.

- Madaming requirements for PRC filing ang tinatapos. PRC filing masaya sa pila, may makikilala kang transient friends from other schools. Mabuti na lang natapos namin sa pinakamaikling panahon.

- Sa isang pagkakataon, nakilala ko ang isa babaeng nakapila. Di ko alam kung bakit pero kahit saan ako pumunta sa school, kinakalabit pa din ang mata ko.

- On on of my duties sa hospital. Madami akong nakilala and isa dun ay Ma. Kinnie. Pasyente ko na naging kaibigan. Student din sa school. Med tech. naging friends agad kami. Until now. ito ang tinatawag na perpetual care.

- Hindi maganda ang pagtatapos ko sa college dahil ang fourth year ay puno ng problema. Hindi maganda ang tugon ng taon na ito para sa akin. Masaya ako na natapos ko ang college sa kabila ng ilang kabiguan. Basta, sobrang dami, hindi ako nasatisfied and i want to replenish what i have lost.