Thursday, June 19, 2008

this blog's theme colors

bubuhatin ko na ang sarili kong upuan. nagagandahan na kasi ako sa blog ko ngayon. lalo na sa theme nito. dati kasi, laging pink and black and white and royal blue and green. ngayon, iba naman. nakuha ko ang idea from, siyempre kay tsokolate. and nung tiningnan ko ulit, i realized na nakuha ko ang colors from texts to lines sa isang mahalagang material possession. salamat to tsokolate's mom, she gave me a shirt. a shirt with shades of blue, green and brown in stripes. it amazingly fits me the way it suits me better..

i really feel better now. completely leaving the fuschiang pag-ibig theme behind. i think this one's the best so far that i thought can mirror me.

Monday, June 16, 2008

i really want to get hitched!

arden rod, ang totoong manunulat, ang pinsan ko, ang may mala propeta sa lahat ng kanyang sinasabi ay gumawa ng isang blog tungkol sa hiwaga ng bahay na inuwian niya, at ako. siguro, ang bahay nga na iyon ay may sa gayuma pero hindi lang iyon ang dahilan. arden rod always says that everything that he said ay nagkakatotoo. kung mali man ang ginawa ko, kasalanan niya yun, sinabi niya kasi na baka makakatuluyan ko si tsokolate. kaya yan tuloy, nagkatotoo.

Thursday, June 12, 2008

friday di thirteenth- ay ilam!! (nanay and tatay said)

Today is Friday the thirteenth. My very lucky day. It is not only because i was born on the thirteenth, thirteen is the only number that is always following me. I tried to change my fa-vorite numbers to 21, but number 13 is always there. It is more than a coincidence that this number been with me everyday. Almost.

- i can never go wrong on the thirteenth number of a quiz, an exam, major exams, even in UPCAT, or La Salle’s. the board exams i have taken. i am too much sure of my an-swer is correct
- every time i check the time in any particular day, the minute is always on the 13. in digital clocks like on PC, or on cellular phone, the numbers would always yield number 13.
- I dream of number 13 a lot of times
- On one of my nostalgic events ion life, there is always a number 13. like on our to trek to the waterfalls, i was with 12 high school student’s plus me, makes 13 of us en-joyed the adventure of dangerous cliffs and muddy treks
- As long as i can remember, i am always sick on my birthday until i turned 14. When i turned 7, i was just visited by my classmates at home and celebrated there. I turned 14 on Friday the 13.

I might be a paranoid regarding these coincidences. But i just want to share anything about Friday the thirteenth. Happy Friday the thirteenth. The omen it brings depends on how you see what your own Friday the 13th will be.

Until i have tsokoLate, it is always the 14th.

creepy bulalakaw and foolish moles

Kamakailan lamang, mga alas diyes ng gabi nasa labas lang ako ng bahay na nagmumuni-muni. At nang papasok na ako sa bahay, may nakita akong isang bulalakaw na kulay berde ang kulay. Halos 15 meters lang ang taas nito dahil kunti lang ang taas sa niyog ng dinaanan niya ito. I swore nakakita talaga ako ng isang bulalakaw. Pangalawang beses na akong na-kakita sa parehong direksyon ngunit matagal na panahon na ng huling nakakita ako nito. Akala kung nung una parang isang lusis lang. alam mo ba kung paano ko nakita ang bula-lakaw? May narinig akong “sssssssst” sound kaya napatingin ako.

Anim na beses na akong nakakita ng bulalakaw. Sa iba’t-ibang lugar, may sa bundok, sa taas ng simbahan, sa bukirin, at dito lang sa bahay namin. Sabi ng kinakapatid ko, kapag daw ang direksyon ng lipad ng bulalakaw ay pababa sa lupa, ang binagsakan daw nun ay puno ng na-kakatakot o hindi kakatanggap-tanggap sa ating makamundong paniniwala na tayo lang sa mundo na ito. at sa lahat ng nakita kong bulalakaw na bumagsak, nakakasiguro akong na-kakatakot sa mga lugar na pinagbagsakan nila.

Ikukwento ko lang kong ano ang environment o anong klaseng lugar ang piangbagsakan ng bulalakaw na nakita ko ngayon lang.

Sa tapat ng bahay namin sa kabilang kalsada ay may isang lumang ancestral house na ma-tandang babae ang may ari. Si lola domeng. Isang napakagandang matanda na alam ko na nung dalaga pa siya, napakaganda niya. Siya lang mag-isa sa bahay na iyon until nastroke siya at naging bed-ridden. May nag-aalaga na sa kanya ngayon at nagiging kasama na rin sa bahay. Ang bahay ay medyo malaki, napakapasok na rin ako doon, kapag tinatawag kami ni lola domeng na pumasok sa bahay niya at papakainin ng barquillos at softdrinks. May hardin sa loob ng bahay. Ibig sabihin, may butas ang bubong ng bahay para ang ulan at araw ay makukuha ng mga halaman sa loob ng bahay na may groto ng Mahal na Birhen. Ang loob ng bahay ay puno din ng mga istatwang kahoy. Iyong kasi ang negosyo ng isa sa mga anak niya. may dirty kitchen ang bahay pero di lang dirty. Nakakatakot talaga ang part ng bahay na iyon dahil sobrang madilim, at tanaw sa bintana ang isang malaking mangga sa liokod ng bahay. Nakakapagtaka din na hindi gumagamit si lola domeng ng asin para sa pagluluto. Patis ang ginagamit niya. ang mga bintana sa kanyang kuwarto ay may mga barbwires sa gilid(para san kaya yun).

May malawak na hardin sa harapan ng bahay nila kung saan magkatabi ang isang napakalak-ing puno mangga at isang malaking puno ng akasya. Kapag walang ilaw o brown out na-pakadilim sa bahaging iyon ng kanilang lote. Sa likod naman ng bahay ay napakamasukal ang paligid. Wala na kasing naglilinis noon. May malaking mangga doon na tanaw sa bintana ng dirty kitchen. At sa labas na ng kanilang nasasakupang lupa. Ay bukirin na. isang malawak na palayan. Madilim kapag hindi maliwanag ang buwan sa gabi.

Sa malaking mangga na iyon, nasasabing bumabagsak ang mga nakikita kong bulalakaw. Batay sa pag tantiya ko sa trajectory at angle ng pagbagsak ng bulalakaw, alam kong sa mangga iyon bumagsak. At sabi na rin ng mga matatanda, nakikita din daw nila ang mga bu-lalakaw noon na doon bumabagsak.

Hindi naman nakakatakot. Dahil, sanay na ako sa ganitong uri ng buhay sa probinsya. Kung saan ang karamihan sa mga tao ay naniniwala pa rin na may ibang nilalang na kasama nating namumuhay sa mundong ito.

I do not consider what i saw as a meteorite. When the earth’s gravity attracts a meteorite to its surface, the meteorite will burn upon entering the atmosphere. It just a small particle of space rocks. If it burns upon entering then before it lands on the ground, it is nothing but dust anymore and not still burning. Besides, it is barely possible that a meteorite fall on the same place every time i see them.


**********

Kagabi habang pauwi na kami sa bahay, may nakita kami sa daan na dalawang moles (di ko alam ang tagalog ng mole kaya english na lang). sa gitna talaga ng kalsada. Di namin alam kung nagaaway sila o nagbabanggaan lang. they were like a mole on a mirror. They jumped and bumped each others noses. Nakakatuwa dahil di man lamang nila kami napansin na du-maan. Until we meddle on their nose bumping.

Nalaman ko na lamang na ang moles ay family ng shrew and hedgehogs. They look like rats but they have short tails. They live undergrounds, and has tiny eyes which explains that they can’t see clearly. Kaya nagbanggaan. They are sensitive on ground vibrations but extremely numb above the ground. Naks information.

Monday, June 9, 2008

updating2....

The start of this year’s month of June was probably the end of dreaming and the start of believing that everything’s real. If the reality of life is that it is not fair, then some things are beyond fairness. Too much favor. But, it wasn’t easy to have great things, and great people. There are some who stand on our way. Some leads you to other ways, and some just completely stops you from going on....hirap akong umenglish!

Sinalubong ko si tsokolate sa paliparan dito sa aming probinsya. Hindi ko mawari ang tamang nararamdaman ko. May tuwa, dahil makikita ko na siya muli, may takot dahil baka hindi na niya ako papansinin dahil sa peklat na dinulot ng dalawang tahi sa aking mata na bi-nago ang hubog ng aking pisngi. Sobrang saya, at umaasa na sana makukumpleto na ang pangarap ko. Dahil hindi ako maniniwala na akin na si tsokolate hangga’t di ko siya nakikita sa aking tabi.

Nakakagulat ang mga pangyayaring sumunod. Masaya, lahat masaya. Nakakatakot. Nakakapanibago, na sa unang pagkakataon nakikita ako ng buong bayan na may kasamang tsokolate. Hindi madali ang lahat, hindi tinanggap ng lahat ang kanilang nakita. Na kasama ko si tsokolate, at kasama ako ni tsokolate. Pero, unti-unting nasasanay ang mga tao sa paligid na makita si tsokolate at ako na magkasama. Hindi naman kasi madali ang biglaan. Araw-araw sa loob ng limang araw, napakasaya ko.

Naranasan mo na ba ang makamtan ang iyong pangarap na bumubuhay ng iyong imahenasyon upang maging masaya walong taon na ang nakakaraan? At ngayong nakauha mo na ano ang pakiramdam mo? Ganun din ang pakiramdam ko.

Kung tutuusin, wala kang pakialam sa entry ko na ito. Pero masisisi mo ba ako na gawin to kung labis ang kasiyahan ko?


---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Simula na ng classes kanina, and ako na naman ang taga hatid at sundo sa mga nakakabata kong kapatid. Kahit ayaw kong nakikita ako ng mga dati kong guro, pumunta pa din ako sa school para sa mga kapatid ko. Mamaya, pag uwi nila, kaniya-kniya na silang kuwento tungko sa first day nila sa school.

pero bago yan. Kinuha ko kahapon ang kanilang uniform na pinatahi sa medyo malayong lugar. Hindi pa pala tapos ang mga pinatahing uniform, mga isang oras pa daw bago ko ma-kukuwa. Naisip ko na maligo na lang sa malapit na ilog-resort mga 4 more kilometers away. Kahit walang pera, kahit tipid sa gasolina pumunta pa rin ako. Mabuti na lang walang katao-tao sa resort kaya di na ako siningil ng entrance fee. May isang grupo ng mga bata na tu-matalon talon sa diving board. Siguro ang pinakabata is 8 years old and ang pinkamatanda ay mga 14 years old. They were swimming on the edge side of the wide river, so literally solo ko ang bandang gitna. Malamig ang ilog, masarap maligo. At nakakapagisip ako kaunti. Ngunit sobrang saya ko siguro kung kasama ko si tsokolate.

Pero pagkatapos kong magswimming mag isa, umuwi na ako.. dahil biglang sumakit ang ulo ko sa sobrang lamig.