Friday, February 27, 2009

thousandier

tumaya ako noong huwebes feb 19 sa malapit na lotto outlet dito sa amin. tinayaan ko ang mga pinili kong mga numbers dahil may mga value ang mga iyon at sa akalang mapapanalo ko ang 288M plus pa lamang noon na jackpot sa 6/49 superlotto. may tinayaan din akong set ng 6 numbers, at isang lucky pick draw. ang lucky lick ay ang LP sa tabi ng VOID ng lotto card. i did not looked what were the lucky pick numbers para may suspense!

that night nanood kami siyempre, sinubaybayan namin si mr. ocampo sa bawat sulputan ng mga bola sa draw machine. tapos, nawalan na ako ng pag-asa sa 288Million dahil wala ang mga tinayaan kong mga numbers sa nabunot.pagkatapos, tiningnan ko na ang lucky pick numbers ko.. sa gulat ko, sumigaw ako ng kaunti.hehe, nakuha ko ang apat na numbers sa draw. kaya mapapanalunan ko ang 1,000 pesos na premyo ko.

kinabukasan kinuha ko agad ang pemyo, at bumili ng kaunting mga gamit. masaya ako dahil nanalo ako kahit na ganito lang. ang problema, di ko alam kung paano ko gagastusin ang napanalunan ko sa worth. ang mabuti, dahil kung napanalunan ko ang 288million, mas malaking problema yun. pero alam ko na defense mechanism ko lang to dahil i almost made it. pero i am happy, dahil may merienda na kami. i cooked pancit for us.hehe.

No comments: