The start of this year’s month of June was probably the end of dreaming and the start of believing that everything’s real. If the reality of life is that it is not fair, then some things are beyond fairness. Too much favor. But, it wasn’t easy to have great things, and great people. There are some who stand on our way. Some leads you to other ways, and some just completely stops you from going on....hirap akong umenglish!
Sinalubong ko si tsokolate sa paliparan dito sa aming probinsya. Hindi ko mawari ang tamang nararamdaman ko. May tuwa, dahil makikita ko na siya muli, may takot dahil baka hindi na niya ako papansinin dahil sa peklat na dinulot ng dalawang tahi sa aking mata na bi-nago ang hubog ng aking pisngi. Sobrang saya, at umaasa na sana makukumpleto na ang pangarap ko. Dahil hindi ako maniniwala na akin na si tsokolate hangga’t di ko siya nakikita sa aking tabi.
Nakakagulat ang mga pangyayaring sumunod. Masaya, lahat masaya. Nakakatakot. Nakakapanibago, na sa unang pagkakataon nakikita ako ng buong bayan na may kasamang tsokolate. Hindi madali ang lahat, hindi tinanggap ng lahat ang kanilang nakita. Na kasama ko si tsokolate, at kasama ako ni tsokolate. Pero, unti-unting nasasanay ang mga tao sa paligid na makita si tsokolate at ako na magkasama. Hindi naman kasi madali ang biglaan. Araw-araw sa loob ng limang araw, napakasaya ko.
Naranasan mo na ba ang makamtan ang iyong pangarap na bumubuhay ng iyong imahenasyon upang maging masaya walong taon na ang nakakaraan? At ngayong nakauha mo na ano ang pakiramdam mo? Ganun din ang pakiramdam ko.
Kung tutuusin, wala kang pakialam sa entry ko na ito. Pero masisisi mo ba ako na gawin to kung labis ang kasiyahan ko?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Simula na ng classes kanina, and ako na naman ang taga hatid at sundo sa mga nakakabata kong kapatid. Kahit ayaw kong nakikita ako ng mga dati kong guro, pumunta pa din ako sa school para sa mga kapatid ko. Mamaya, pag uwi nila, kaniya-kniya na silang kuwento tungko sa first day nila sa school.
pero bago yan. Kinuha ko kahapon ang kanilang uniform na pinatahi sa medyo malayong lugar. Hindi pa pala tapos ang mga pinatahing uniform, mga isang oras pa daw bago ko ma-kukuwa. Naisip ko na maligo na lang sa malapit na ilog-resort mga 4 more kilometers away. Kahit walang pera, kahit tipid sa gasolina pumunta pa rin ako. Mabuti na lang walang katao-tao sa resort kaya di na ako siningil ng entrance fee. May isang grupo ng mga bata na tu-matalon talon sa diving board. Siguro ang pinakabata is 8 years old and ang pinkamatanda ay mga 14 years old. They were swimming on the edge side of the wide river, so literally solo ko ang bandang gitna. Malamig ang ilog, masarap maligo. At nakakapagisip ako kaunti. Ngunit sobrang saya ko siguro kung kasama ko si tsokolate.
Pero pagkatapos kong magswimming mag isa, umuwi na ako.. dahil biglang sumakit ang ulo ko sa sobrang lamig.
Monday, June 9, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)