Friday, February 27, 2009

para kay Kim Chiu

Alam mo ba napanaginipan kita? At hindi lang sa unang pagkakataon, ngayon, pangalawang beses na. Ang una ay noong October pa last year. Sa panaginip ko, lumapit ka sa akin, tinabihan ako at hinalikan mo ako sa labi. Parang totoo! At kapanipaniwala dahil pagmulat ko, parang hinalikan mo nga talaga ako. Nakakatuwa dahil naramdaman ko ang pakiramdam na hinalikan ng isang Kim Chiu. Kinuwento ko agad iyon sa tsokolate ko. Mabuti nama’t hindi nagselos. Pagkatapos ngayon lang ay nagkita ulit tayo sa aking panaginip.

Habang naglalakad ako, nakita kita na kumakanta sa stage para sa mga manonood mo. Pagkatapos may lumapit sa iyo na babae at pinagalitan ka. Bumaba ka at umalis mag-isa. Pagkatapos, bigla na lang may humawak sa braso ko at ikaw pala iyon. Tinanong kita kung san mo gusto pumunta.(ewan ko kung bakit ‘di ko naitanong kung bakit). Sabi mo sa palengke. Ngkataon naman na wala masyadong tao kaya tahimik lang ang palengke habang ang hawak mo sa braso ko ay nandoon pa rin. Sabi ko ang dumi dito, doon tayo sa mall, sabi mo ayaw mo sa madaming tao. Pagkatapos, niyakap mo ako. At naglakad patungong simbahan. Habang ngalalakad, nasabi ko na thank you dahil napagbigyan mo ako. Batid ko kasi na hindi naman ito totoo. Ngumiti ka lang sa akin. Pagdating sa simbahan, pinagalitan ka ulit ng babaeng nagalit sa iyo kanina habang kumakanta ka. Kung saan ka daw nagpupupunta. May patay sa simbahan na inaalalayan ng misa. Kinuha ka ng babae na iyon at may biglang tumawag sa akin sa cell phone ko. Sasagutin ko na sana, pero nang pindutin ko na ang answer button, nagising na ako.

Nakakatuwa na mapanaginipan kita dahil, hindi naman kita nakita sa tv, o kahit sa commercial nung araw na iyon. Di naman kita iniisip, o inaasam. Bakit ikaw ang nagpakita sa panaginip ko ng dalawang beses? Malamang ako din ang nakita mo sa panaginip mo, pag nabasa mo ito, at pareho ang mga panaginip natin. Mag iwan ka ng message sa chat box ko. Good luck sa career kim.

No comments: