Wednesday, April 9, 2008

chocolate 2 - ang story ng ferrero rocher

      nakakatakot na ang mga nagdaang apat na gabing laging ganito.  tsokolate na naman ang dahilan ng mga ito.  mula ngayon, tsokolate na ang tawag ko sa iyo.  apat na gabi na akong natutunaw sa bawat panaginip na tanging ikaw lamang ang paksa.  nakakatakot, dahil lubhang hindi na nalilimitahan ng aking sarili ang pag-ibig na nadarama ko para sa iyo, kapwa ko tsokolate.  nakakatakot, ang dahilan kasi kung bakit laman ka na lamang lagi ng isang magandang panaginip ay halos buong araw kitang iniisip.  hanggang imahinasyon ka lang.  ang lahat ng mga naiisip ng utak kong nakatuon lamang sa iyo ay ginagawan ng palabas sa entablado ng panaginip.  wari'y totoo, parang totoo, ayaw kong magising, pero ginigising pa rin ako ng reyalidad na hindi ka matutunaw sa palad ko, kundi sa palad ng iba.  natutunaw ako kapag naalala ko kung paano mo ang tingnan.apat na gabing magagandang panaginip, pansamantala, ngunit sobrang masaya.kaya pumapaitaas ang mga salitang ito dahil iyon ang nararamdaman ko.  parang inaangat ang damdamin ko mula sa pagkalunod nito sa baha ng hinagpis at alon ng pag-iisa..kaya kulay tsokolate ulit ang "entry" na ito.  lahat dahil umiibig ako..






      the other night, we watched the PBB teens tv program.  mayroong "kilig" scene doon bout nicole and yosef(ba yun?)  there are four people in the apartment where i am staying.  two boys and two girls.  pero sa napansin ko, kami lang ng pinsan ko ang kinilig(oo, kinilig, wag ka ng kumontra), but the ladies didn't.  it made me curious kung bakit hindi sila masyadong kinilig.  then i realized, maybe in the way the approach was being done.  on that part kasi, it was the girl ang unang lumapit sa lalaki.  tried to talked to him, ask for apology, and others.  cried, then okay na.  siyempre maganda yun for us guys, but not too much for a girl.  maybe that's why.  hindi naman ako kikiligin kung may makikita akong lalaki na gumawa ng lahat para sa girl.  something about gender aspects.






      last night, noong luto na ang nilagang baka na gawa ko, nang nasira ko ang rice cooker that i didn't know how.  after naligo dahil sobrang mainit.  jackie and i made some hmm, rare-chatting.  rare, kasi we talked about how our emotional states have been.  it was a bit more than chatting kasi, nagulat dahil parang two hours ang usapan na iyon.  masaya ako, dahil, nakashare ko si jackie sa mga tinatago ko.  i mean, this is rare dahil sobrang cautious ako kapag kausap ko ang mga tao na ngayon lang ako nakilala.  it was a bit relieving din kasi dahil nga madaming nang sobra sa nararamdaman ko, naishare ko iyon figuratively.  so yun.next time ulit