Thursday, March 27, 2008
mga munting istorya na lahat magaganda
bakit ganun, lagi na lang ako pinapansin ng mga bading, hindi ng mga babae..hehe. kasi inayos ko ang motorcycle ng tito ko, so i went to a cycle parts store. two gays were there, nagpapaayos ng motor nila, when i bought a tube for the tire replacement and looked for a vulcanizing shop. i found one and coincidentally, ryan, who also have his car repaired there. we talked for a while when the "vulcanator" said that the tire i bought will not fit my tire. so i went back again to the store, the lady gave me another size of tube then before i left these two gays asked my name, so sinabi ko ang name ko. i don't want to be rude just because they are gays. but, the replacement i bought didn't fit again, so i went back to the store and the gays laughed and started to ask where i live. i said "malayo", then left. at the shop, upon giving the "vulcanator" the tube i told him na " kuya, kapag mali pa yang gulong na yan, malalaman na ng mga bakla ang number ko" ryan just laughed. so okay na iyon at last.
the next day, hatid sundo ko ang mga pinsan ko to their school. too bad, the day was extremely hotter than me, nangitim pa ako lalo. i went back to quezon city after i heard from the news that pacquiao's motorcade has passed buendia ang quirino. i dropped by ayala and made my self exercised my legs by strolling down at sm and glorietta. on my way home, i don't know what kind of approach will i make. i am still a bit disappointed. but my nickname is really who i am. it was okay afterall in the apartment. again, i looked like mario the plumber in this apartment. the sink was clogged again(di ko na mabilang kung ilang beses ng bumara ang lababo) and my slight obsessive-compulsive behavior made me idle all day. i've done almost nothing. nanghihina ako kapag may masisirang routine sa araw-araw kong ginagawa.
last night i was on a temporary ecstasy. an estimated 6 hour only baguio visit..pero ang pangit, it was a blighted baguio trip. sasama sana ako sa kasama ko sa bahay, except for so many reasons why i shouldn't be. i like to go, after she invited me if i want to go with her. inside, i would like to. but i ellicited some words of not wanting to go, to analyze the "invitor's" opinion. but, considering my boundaries, i made some parameters on going or not going. and the next events says, i will not go. ironically, it was damn hot last night. kahit industrial fan ang meron sa room namin, ang init pa din. siguro it was just a psyshological reaction of the blighted baguio trip. but, because of that, i was able to finish the "dexter" series. something about killings and more on witty analizations.
naku ang haba na, just made a tuna sandwich for merienda kanina. it was amazing, dahil this is my first time to make one. hala, nawili ako, i have to make viand for dinner pa. magugutom na si jackie.haha. kaya eto lang muna for this day. siguro this is enough to fill in my days of being unupdated.
Friday, March 21, 2008
the oathtaking day-and other side stories

talk anytime - a sun cellular unlimited call and text for a period of time

Wednesday, March 12, 2008
the "meet the spartans" day

from start to end ng movie, tawa ako ng tawa. iba't-ibang uri ng tawa. pilit, natural, pigil, hagikhik, iba iba. kasi naman ang kasama ko, masyadong sentsitive sa mga reactions ko. kasi ganun din ako. kaya may mga pacute na tawa.haha. literally tawa ako ng tawa. lalo na sa blue frame, and sa dance showdown. di ko kasi maisip halimbawa na ganun nga talaga ang mga warriors. plus ang compltely opposite way of greeting a person. the way they walk, of march. lahat. dagdagan pa ng obnoxious na ill-mannered- na nanonood sa likod namin.
sabi ng kasama ko, masakit daw ang panga niya sa kakatawa. sinabi ko na lang na kasalanan niya. di kasi tumatawa lagi, kaya nanibago ang jaw muslces. ako kinabag sa sobrang tawa. puro tawanan, minsan lang to. niliubos ko na. masaya ang kabuuan ng araw kahit ang simula naman ng araw na sumunod ay literal na kabaliktaran..
Sunday, March 9, 2008
so here i am again, sa real deal. medyo mahaba ang kwento na ito. and alam ko na kung sino man ang makakabasa nito might laugh at me. like my pinsan. pero yun, it was only yesterday na hindi ko na kinayang icontain ang nasa isip ko. the one that keeps me stressed out, ang nagpapayat sa akin, ang nagpapangit sa akin. ang reason din why i am having nightmares that happens frequently than before the one that bothers me a lot. more bother some than waiting the nle board result. ang dahilan din kung bakit lahat ng kantang naririnig ko laging sa dahilan na ito ako dinadala. "you're so close, but still a world away" sabi sa kanta ni madonna. kahit you view the phrase literally or figuratively o kahit ano pa, it still fits. i, myself didn't expect that i'll be haunted by my "what if's". after graduating, i vowed that i will answer all my what if's so that on the right time, i will have no regrets or panghihinyangan. ang totoo i am never fixed on my emotions. wala din akong concrete aim kung bakit ko to ipa-publish. gusto ko lang sabihin na sinusubukan na naman ako ng pagkakataon. ang hirap sa sitwasyon na ganito. gusto kong sumigaw na nagiging mahalaga na ang taong hindi ko dapat pahalagahan ng ganito. ayoko talagang natutulala dahil lang sa ganito.
may mga bagay na dapat hayaan na lang talaga na ganun. i feel like i not ready yet. i need to see her again para masasabi ko ang halos lahat. hmm, mukhang sobra na itong sinasabi ko. basta, salamat sa blog na ito. kung wala to, siguro, mamamatay na ako sa bangungot dahil sa katatago ng mga bagay, ng nararamdaman. gusto ko lang ilabas ang iba kasi di ko kayang itago ang lahat. salamat blog ha?
this sensless pero sometimes something like having this stupid idea of publishing craziness helps me a lot. lalo na kung mababasa niya ito. pero i think you don't know kung sino to. but thank you for reading.
and if you know the direct english translation ng "sayang" please let me know.thanks
Friday, March 7, 2008
the post waterfalls adventure (mga rason kaya nagawa ang trek na to)
Tuesday, March 4, 2008
the second nature revist
uumuulan ng almost three weeks sa probinsya and two days na lamang ang natitirang araw bago ako umalis for Manila. medyo desperate na ako and dapat mapupuntahan ko ang Abilinan Falls before i left our place. i have a pseudo-brother whom i know really likes mountain trekking kaya, niyaya ko siya. i told him to bring along some friends. aakyat kami ng bundok umulan man o bumagyo. the next day, nung umuwi siya galing school, he told me na may mga niyaya daw siya. sabi ko, malakas ang ulan kagabi and until now, umuulan pa din. i thought he was bluffing that 15 of his friends were all willing to come. hala, nagulat ako, kasi alam ko walang magseseryoso na umakyat na ng bundok dahil malakas ang ulan. malambot ang lupa, madulas at baka malalim ang tubig sa ilog.
pero at one o'clock, nasidatingan ang mga estidyante na nakaunigorm pa sa bahay at handa ng umalis. nagult ako and asked them if they are serious, sabi nila oo. i was thrilled, masaya, nakakakaba. we headed to the mountain, crossed two bridges and hike all the way to the top. umaambom. noong nandun na kami sa malapit, we have to slide down the cliff to reach the waterfalls. kasi it is located on the mountain edge, kung gaano kataas ang bundok, so is the waterfalls. i was thrilled again, as well as my companions na bago lang doon. i have visited this place twice but not this desperate. dumating kami sa talon sa taas na bahagi, walang malalanguyan dun kasi ang river bed ay bato. so pagkatapos nagslide pababa, nagslide ulit kami pababa kung saan merong paglalanguyan. it is enourmously high kasi dalawang talon na pinatong sa isa pang falls. kaya dalawang fallses(?)
tumalon sa mga bato, picture-picture, kahit umaabon. my plan before going there was to take photos of me on a semi kung fu training commonly seen on tv. pero di ko magawa iyon sa lower falls kasi malalim ang tubig. kaya while theye were swimming, umakyat ako sa first falls na sa taaf mismo ng lower falls. i was so amazed, kasi ang ganda, kahit nahirapan akong akyatin yun. someone took me some photos. after that, umuwi din kami agad, kasi mahaba ang lalakbayin namin.
sobrang satisfied ako sa ginawa ko ngayong araw. the real adventure, i satisfies me. ito lang kasi ang pinangarap kong gawin noong una ko itong binisita. ang kunan ng picutres and show them to everyone.hehe
Wednesday, February 27, 2008
weekly blog
Everything’s ironic (the NLE result short story climax)
Tatlong magkakasunod na gabi na halos hindi makatulog, masama ang gising. Ilang araw na akong bothered dahil sa anxiety na dala ng pagaantay sa board results. I am a soul in agony na kumukubli sa likod ng mga ngiti na kinacareer kong ginagawa. Naks. Pero tinatawanan lang ako ni tatay ko dahil kahit anong gawin ko daw para pansamantalang kalimutan ang vexation and just enjoy my days, nakikita pa din ang worry sa mukha ko. So, di ko maexplain why i can’t sleep earlier than 3 am. Maliban sa tampo ni Bianca, na di ko akalaing sobrang tampo pala, naiistress ako sa pagaantay. Kaya to alleviate my anxiety, i must face the anxiety-carrier. I bought an internet card even it is expenxive to make myself updated with the results. On the day of feb.21 i woke up quite early kahit kaunti lang ang tulog to look for news, pero wala pa din. Stressing pa din. Later on the afternoon, umalis ang tatay ko papunta sa Bro. niya kasi walang magawa sa bahay, my nanay and bros. were at school. Naglaro muna ako ng all time favorite kong Mario(the tubero) game sa pc before getting myself circulating in the cyber web. Then tumawag si tita cheila ko, the entire house’s perimeter was jamming with my music when she called. She gave the good news that i passed. Di muna ako naniwala because she is fond of bluffing especially on me. Bagets pa kasi eh. Pero totoo daw, tapos sabi ko paki recheck dahil mahirap ang umaasa sa
What’s ironic was that i cried. Umiyak ako na parang bata na iniwan ng nanay habang existing pa din ang stranger anxiety. Dahil when i failed my first take, i never cried. I am sad, because i failed my family pero di ako umiyak. Pero ngayong pumasa, umiyak ako. Then thoughts of anything from failure to pagsikat.
So try to imagine, you are in your own province, your nanay is a teacher and a member of three society groups, plus you have a barangay wide of family members closely intact, plus a batchmate with sufficient load. Kahit hindi ako nagsasalita kung umaalis ako ng bahay, lahat ng makakasalubong ko na kilala ako, congratulate me. I am happy not because i passed, i am happy because i made my parents proud. Nakakatuwa. Although not all of my friends made it through, masaya pa din ako dahil maaaring may ibang nakalaan para sa kanila na mas maganda kagaya ng sa akin.
But i just don’t give all the credits to my parents to make them proud. Lahat ng ito ay ginawa ng mahal kong tita Sonia, na binigay lahat sa akin na parang anak niya. At to the rest of my titas and tito, kay tito pablo, tita paz at tita che as well to his boyfriend. And i am not ashamed to say that without all my mentors all the way from kinder to college, di ko siguro makukuha ang partial success na ito kung may hindi ako nakilala sa isa sa kanila. Dahil a slight change of the past will change who i am now today. Salamat.
An Ecological Workcamp (part of the series of blessings i received)
Nagkaroon ng isang workcamp seminar sa isang school na malapit sa ilog this weekends. Una, ayaw ko ng ganitong okasyon dahil retired na ako, and i just don’t want to attend. Pero si nanay ko put me as a first aider on the seminar. Pagpunta ko doon, i am not just a first aider, taga buhat, bantay sa registration of participants, kusina boy, equipment boy din ako. Literally all around volunteer ako. Kung hindi lang mga highschool ang mga participants, di talaga ako pupunta. It is a seminar about loving the nature kaya gusto ko din. I am also the photographer, kaya it was really a great opportunity. Hawak ang 7mega pixels na camera, i took photos everwhere and to anyone. Out of six hisghschools, nakita ko ulit ang mga schoolmates ko na teachers na ngayon. Nakinig din ako sa lectures. I helped the only elementary group on some activities. Yun, ganun lang lagi, i shoot everywhere and to anyone. and when the shot wasn't that good izo-zoom ko na lang.
Sayang malakas ang ulan that time kaya hindi natuloy ang rescue training na gagawin
Nagmukha akong bata when i saw a group of 6-9year old kids playing on a mini forest at the back of the program stage. Mukhang masaya, since di pa nagsa-start ang program, pumunta ako dun, i took photos. They were happy kaya friends na agad kami. Di ko alam kung bakit malapit ako sa mga bata at bakit i still like to play kiddie games. sumali ako sa kanila. While the rest of the 100plus teenagers watching us. Wala akong pakialam dahil masaya ako. Pero di ako selfish kaya niyaya ko ang ibang nanonood na sumali, sumali nga, pero natigil agad ang game dahil may umiyak na bata, pinatulan ng isang sumali.
It rained so hard that day kaya ang lamig. At the end of a two day seminar, siningil ako ng pagod kong katawan ng halos buong araw na tulog.
the Maturity Indicator
two weeks ago nararamdaman ko na sumasakit ang panga ko, parang may namamaga or nasuntok. I did not bother kasi baka na tamaan lang sa basketball. Pero it makes me uncomfortable when i eat. Natakot ako lalo ng nagpakilo ulit ako at nalamang limang kilo ang nawala sa kin. Hindi maari to. Until it perpetually became much more uneasy to chew. Narealize ko na tumutubo na ang wisdom tooth ko. Teeth pala. I can still tolerate the pain, mahimbing pa ang tulog ko. Now that i have a set of wise-teeth, mareremind na siguro ako nito na mature na nga ako and i must do what a mature would do. Basta ang target ko ngayon is to compensate the lost 5kgs para bumalik ulit sa dati.
Ang taga ayos na naninira
I live in the province, kung saan may mga kalasadang hindi pa sementado. Antique na ang mga lubak sa kalsada na simula’t sapul andun na. walang hiyang mga opisyal ng gobyerno yan. Ginagawang family business ang pulitika. Ginagawang source of income ang sahod mula sa mga tao at extra profit ang mga nakukurakot. Mga proyektong walang matibay na basehan para gawin, mga usad pagong na projects, mga pagsisinungaling. Mga habol ay kumisyon sa projects. Sila pa itong mayabang, sila pa ang ginagalang, sila din ang naninira. Walang hiyang p%’&* yan. May pumunta na mga truck dito sa amin kahapon, tatlong malalaking truck, aayusin daw nila ang kalsada naming nagiging ilog pagumuulan. Pero ano ang ginawa nila, they just put some gravel, and leveled the street. Now here came the rain, ang kalasada na planadong aayusin, lalong nasira, naging mar rough ang daan. Ultimong pinakamaliit na unit ng public servant kasi, makasarili ang layunin kung bakit nasa posisyon. Ang daming mangagawa sa munisipyo, mga casual na taga linis ng kalsada, traffic enforcer, drayber, at mga taga waste management. Sa umaga lang nagtatrabaho, pagdating ng hapon, wala ng ginagawa. P’$#%* inang taga linis ng bayan yan, kami pa ang kusang nagwawalis ng basketball court para lang makapaglaro kami sa binabahang court habang sila ay parang baklang nagtsitsismisan sa gilid. Kailangan pa bang pagtulungan ang dust pan at walis at basurahan, tig iisa ang hawak? Daig pa kayo ng elementary!
Naiinis ako habang ginagawa ko to. Sa loob ng siyam na taon , walang malaking nagbago sa bayan na ito. Kung meron man, yun ay mga new properties na nakuha nila. Ikaw nga, babiyahe mo ang public car on Sunday, dahil pumunta ka sa inuman. May magdadrive ng firetruck na inararo ang lahat ng madadaan dahil lasin ang driayber but still walang nagyari? Ina nila
3 – pain featuring caimito
Early this morning, ginising ako ng tatay ko para tulungan ko daw siyang buhatin ang pinutol na kahoy ng caimito. Gagawing poste ang mahabang kahoy. Nung bubuhatin ko na ang napakabigat na kahoy na yun,
Buhat-buhat na namin ang kahoy at nang ibaba na, sa bigat nito at nararamdaman pa din ang hapdi sa binti ko binaba ko agad ang kahoy. Tanga nga ako, dahil di ko tinanggal agad ang kamay ko. Hayun, naipit ang mga darili ko. Masakit ulit, nangitim, at umaray ulit.
Pero ang pinakamalas sa lahat ng dinulot ng kahoy na ito sa kin nung binigyan ako ng pseudo-kiss mark sa dibdib. Habang inaayos ang mga sanga para itapon, binagsak ko ang sanga na yun sa lupa, huli na nung napansin ko na mahaba pala ang sanga ng hinayupak na kahoy na iyon. Parang sinuntok ang dibdib ko ng patulis ng bakla na mahahabang kuko ang ginamit. Masakit ulit, mahapdi, umaray. Natawa ako sa anyo ng sugat at pasa na lumabas, mukhang kiss mark. Hindi lang iyon ang malas. Hindi siguro mangyayari to kung hindi tumama sa mismong butas sa damit ko. Kaya nga tinawag na malas, sa butas talaga ng damit ko bumagsak, o nanuntok, kaya sumakit ang dibdib ko ng ganito, parang iniwan sa ere ng taong mahal mo, pinaasa ka pero sa huli hindi siya ganun sa yo. Di makaganti, dahil talo ka pa din.
3 pain feat. Caimito. Tatlong sakit dulot ng punong ito. Pero hindi ko naman pinansin dahil kung iisipin ko, swerte pa din. Kesa naman saktan ka ng talong beses ng isang tao. Kahit isa nga lang, iisipin ko na lang na kahit i-triple na lang ang binigay ng caimito kesa dito. Drama.
ngirit..
my december
December 30-
Hanggang kelan kaya na ganito lagi? Hindi maganda ang tugon ng pagtatapos ng araw na ito… isang di malilimutang tao ang ayaw manatili sa bawat sistema ng aking katawan.. isang malaking pagbabago ang haharapin ko bukas..isang pagtatapos ng taon na ito na akala ko ay para sa akin. Hindi kailanman magiging isa ang pagkakaibigan at ang isa..hindi sila pwedeng pagsabayin… kaya, kahit sa kahihiyang ito, ang mga susunod na ako ay hindi na siguro ang una, na kahit siguro ako ay mabibigla sa sarili ko….hindi ko inaasahan na mahihirapan ako ng ganito. Siguro ang taon na ito ay hindi talaga para sa akin na ang akala ko ay magiging pabor sa akin. Nagsimula kasi ang taon ko sa isang napakasayang mga tagpo, ngunit hindi rin tumagal. Ngayon, natapos din ito ng hindi kagandahan. Akala ko ba magiging maswerte sa pag-ibig ang mga nilalang na pinanganak sa taon ng mga
29
3 years na kami ng aking mga peklat at keloids na ang reason din ay ang okasyon sa araw na ito..fiesta sa isang lugar dito sa amin..nagyon araw lang naging maganda ang panahon..namiesta ako sa mga kaibigan at mga kakilala..nakita ko ang mga bathcmates ko sa iba`t- ibang lamesa ng inuman sa magkakaibang bahay..ang ilan ay malaki ang naging pagbabago at kasama ako dun..dahil di naman ako uminom, napagpasyahan naming, pumunta sa isang tahimik na lugar at magpalamig sa ilog..bagong adventure na naman to..pagkatapos ng pagmomotor tungo sa aming pupuntahan, kailangang iwanan ang sasakyan sa tabi ng bukid at kailangang tawirin ang palayan..noong malapit na kami sa ”Manlunggong”(name ng lugar), sumigaw agad si Jackie na parang nasa bukid talaga ang dating dahil sa lakas ng sigaw..di ko talaga akalaing doon pa siya maglalaba ng mga damit..malayo kasi ang bahay nila sa lugar na iyon..hindi ko kailanman matanggihan ang tubig..gusto ko agad lumangoy, pero sadyang napakalakas ng agos ng ilog.sa laki ng pinsan ko, hindi niya pa rin basta bastang kayang ltumayo sa ilog sa opposite na direksyon..masarap at payak ang merienda namin..nilagang saging, pancit canton, kunting chichiria at Pepsi..dahil sadyang malaks ang agos at hindi man lamang ako makalangoy humiga na lang ako sa pampang kung saan may makakapitan akong semento at bato upang hindi ako matangay ng ilog….
Hindi nagtapos ang araw na ito sa fiesta o nature tripping lang.. madami akong nakitang mga tao sa daan at nakipagkwentuhan sa kanila. .may dinaan akong kapamilya na nakalakihan ko..at gulat sila, dahil big boy na daw ako ngayon..hindi ko malilimutan ang araw na ito.. kahit gustuhin ko.
1
Ang “tradisyon” naming magpipinsan at magkakapatid ay nabuhay muli. Pagsapit ng new year, pagkatapos kumain, magkamustahan, umikot kami sakay ng aking traysikel, motor ang ang karagdagang kotse. Ang traysikel ko ang magiging hari ng kalsada sa gabing ito. May dala kaming apat na stereo speakers, isang siren light, at megaphone na may sirena. Maingay at magiging kapansinpansin ang traysikel ko na ako mismo ang magmamaneho dahil wala akong pinagkakatiwalaang magda-drayb nun maliban sa sarili ko. Pasahero ko ang tatlong kapatid ko, si bossing, dalawang batang babaeng pinsan, dalawang binatang pinsan, at dalawang lalaking kapitbahayan na mga highscool pa. kung bibilangin, sampung tao ang nakasakay sa traysikel ko. May dald-dala kaming mga paputok, kwitis at iba pa para lumikha ng ingay sa aming dadaanan. Ang kapatid ko na isa ay sa motor na may angkas din, at ang kotse ng pinsan ko ay may sakay n limang bata. Simula na ng pagiikot sa gabing iyon, maingay ang karaban namin. Ang sirena ang ilaw ang mga busina, mga sigaw, mga pagbati sa mga taong nabulabog sa kagalakan na lumalabas sa kanilang mga bahay. Lahat ang sigaw ay “Happy New Year”. masasabing masaya ang munting parada namin kahit hindi biro ang pagmamani-ubra ng manibela ng traysikel dahil sa dami ng sakay nito. Huminto ang munting karaban sa isang kanto ng isang barangay upang batiin ang mga kaibigan, dating kaklase at mga kaibigan ng mga sakay namin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakapula din silang lahat, halos. Pinatay ang sirena, binuksan ang amplipayer, at pinatugtog ang mga kantang nakakagalak. Ang kanto na iyong ay unti-unting dinadagsa ng mga tao at mga bata, lahat ay sumayaw, pati ako. Ako, di ko nga alam kung bakit, siguro masaya lang, at pansamantala kong kinalimutan ang kalungkutan. Pinalipad ang mga dalang kwitis. Masaya ang pagkakataong iyon, ngunit hindi pa kami nangangalahati sa mga iikutan namin. Kaya patay ang sawnds, andara ng sirena, nagsiakyatan ang mga bumaba at sumayaw, nagpaalam sa mga iiwanan at umalis. Sa pangalawang hinto, ganun din ang nagyari, sa gitna ng haywey. Sumayaw. Nakitagay. May isa pa kaming pupuntahan, ang isang pinsan na nasa malayong barangay. hindi biro ang magiging hamon sa pagda-drayb ng traysikel na may siyam na sakay at ang kalsada na parang mga alon sa isang binabagyong dagat dahil sa mga lubak, at hukay sa lupang kalsada!
Nagsimula na ang maalong biyahe. Mabuti na lamang madami ang mga sakay ko, dahil hindi umaalsa ang unahang bahagi ng sasakyan ko. Sadyang napakahirap ang pagkakataong iyon, ngunit nakarating din kami. Sumayaw ulit, kwentuhan at umuwi na rin, dahil ang mga batang kasama ay inaantok na. sa paguwi, umulan ng malakas, nagiging masaya lalo, naligo na lamang kami sa ulan. Na parang may bagyo at nasa dagat kami, muntik pang bumangga ang traysikel ko sa isang tumpok ng mga lupa sa kalsada. Hindi ko na mapigilan ang atok, pagod at lungkot. Kaya paguwi ko, tulog agad ako. Masaya.
Naligo ulit kami sa pinakamalaking ilog sa bayan namin. Dahil katatapos lamang ng tag-ulan, sadyang, malinis ang ilog. Ngunit ang agos naman nito ay hindi biro. Hindi ko magawang lumangoy upang tawirin ang ilog tungo sa kabilang pampang dahil sa lakas ng agos nito. Malalim ang ilog ngayon, umabot sa di dapat aabutan. Sa sobrang lakas ng agos, nagkakaroon ng parang “Whirpool” o ipo-ipo sa ilog. Sinubukan kung tumalon sa Diving Board ngunit patagilid ang talon ko.. ng ako ay nasa tubig na, nararamdaman kong hinihila ako ng ilog tungo sa gitna at isasama sa agos. Di ko kakayanin ang lakas ng agos, pero dahil lahat ay kaya kong gawin, sisiw lang ang mga iyon.
Jan 29.
Sinalubong ko ang araw na ito na may black eye sa kanang mata na natamaan ng kamay kahapon habang naglalaro kami ng Basketball. Wala akong maisip na gawin ngayong araw na ito, kaya napagpasyahan ko na bisitahin ang lolo ko sa kanila sa kabilang bayan. Pagdating ko sa kanilang bahay, wala doon ang lolo ko. Alam kong nasa bundok siya sa kubo niya na inaalagaan ang mga manok niya. Gusto ko rin ang pagkakataong ito dahil obligado akong aakyat ng bundok na huli kong napuntahan limang taon na ang nakakalipas. Dala-dala ang Digicam, itak, at kutsilyo umalis ako ng bahay upang tahakin ang mahigit isang oras na lakad paakyat ng bundok. Medyo takot ako dahil matagal ko na akong hindi nakakapunta sa kubo sa bundok, baka binago na ang daanan, at baka may makasalubong ako na mga mababangis na hayop (sana may taong lobo din). Siyempre bago makarating sa bundok, madadaanan muna ang ricefield. Nakakita agad ako ng isang bayawak, nagulat ako. Habang malapit na ako sa paanan ng bundok, napansin ko agad na masukal na ang nilalakaran ko. Nung aakyat na
Lumakad pa ako ng kaunti at may nakita akong isang daanan, doon ako nagsimulang akyatin na ang bundok . habang tinatahak ang daan na iyon, nagugunita ko na ang daan pa na iyon ay ang gumuhong bahagi ng bundok na ginawan ng daan. Ang Trek na tinatahak ko ang siyang dinaan namin noong sampung taong gulang pa lamang kami. Naligaw din kami noong panahon na iyon. nakakabuntong hininga ang tanawin mula sa itaas. Ang ilog ang bukid ang mga bahay, nakikita ko mula sa taas. Nagulat ako ng may sapot ng gagambang kasing laki ng tatlong daliring pinagdikit-dikit.
Bumaba na kami ng bundok, hapon na ng mga oras na iyon, kailangan kong humabol sa oras upang maabutan ang paglubog ng araw sa dagat. Nakuhaan ko ng litrato ang araw, ang ganda ng paligid na kilakihan ko. Inakyat ko ang mga malalaking bato. Wala akong masabi sa mga nakikita ko dahil hindi naman ako nagsasawa sa mga larawan na pinapakita sa akin. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Dahil ito lamang ang pinakamalaking nangyai sa buwan na ito. Sa buong maghapon, naging taong bundok at taong dagat ako. Nakasama ko ang lolo ko na
Tuesday, February 19, 2008
one of the reason why i have to fail the NLE. maybe
Nakipagsapalaran muli ako sa Maynila at sa karatig lungsod nito upang iahon ang sarili dahil sa bigong grado sa eksaminasyon para sa pagna-nars. Madami ang mga nangyari sa loob ng tatlong buwang pamamalagi doon... at ang iba ay ayaw ko ng kalimutan o di na mawawala sa memorya ko.Ü Ü Ü
- di ko inaasan na magiging pinakamasaya ang paglisan ko sa Bisayas. May sumama kasi sa akin sa airport ng Kalibo. Hindi ako nabored pero may kaunting lungkot. Masaya ang bawat sandali, hanggang sa pag alis. Sinundo ako ng tita ko kasama ang pinsan ko at ang boyfriend niya. Mabait naman si tito Jun, di kasi niya ako pinabayaan. Kami ng tita ko. Nagulat ang mga tao na nakita ulit ako. Nangitim daw kasi ako. Malamang sabi ko. Ü
- inasikaso ko agad ang mga kailangang gawin pagdating ko ng Laguna. Una, pumunta ako sa PRC para magfile ulit, dalawang beses akong pumunta dahil sa dami ng tao at discouragement. Natapos ko ito sa panglawang araw. Medyo masaya ang mga nangyari dahil naunahan ko ang naksabayan ko sa pila dahil medyo foreigner ang apelyido niya. Habang pinoproseso na ang mga papeles ko, ang sabi ng umaasikaso sa akin ay mukha daw akong galing sa beach dahil sa itim ng mukha ko sa photo na dinikit sa application form. Sabi ko naman, di lang beach yun, nagsaka pa ako at nagmina..natawa siya at pinauwi na ako..
- pumunta ako sa sm manila para magenroll kay Gapuz, iyon na lang kasi ang nakuhang slot sa akin ni Hannah na kaibigan ko..maswerte ako nakuhaan niya ako(salamat).. maganda ang skedyul ko, maliban na lamang sa everyday review, 7 days a week 5 hours per session sa kontrobersyal na sinehan sa SM Manila daw ako magrereview.
- pumunta ako sa magiging tirahan at tatawaging tahanan sa pinsan ko na alam kong ngayong lang kami magiging malapit dahil titira kami sa iisang bahay. Una, kinakabahan ako, dahil di pa ako nakakapunta ng magisa na mas malayo pa sa PRC. Medyo nalayuan ako sa lugar noong una.. napuntahan ko ang apartment sa loob ng isang parang compound.. parang superior ang dating ng nakatira doon dahil sa second floor ang bahay namin.. ang unang tanong agad ng pinsan ko sa akin ay kung may third eye daw ako, sabi ko bakit.. iyon pala, may nagpapakita daw na multo sa hagdan patungo sa mga pintuan namin. May pinakita pa siyang video sa cellphone niya na may imahe ng isang babae na nakaupo sa terrace malapit sa hagdan… maganda, malawak at may isa pang kwarto na para sa akin…wala pa masyadong gamit kaya plano ko itong punan.. nagpapasalamat ako sa pinsan kong si Arden Rod dahil sa pagsisimula ng buhay ko na di ko aakalaing mangyayari. Di ako nagtagal noon dahil uuwi pa ako sa Laguna na dadaan sa Baclaran, sa Las Pinas at sa Laguna..mahaba ang biyahe noon kaya paguwi ko, bulagta na agad ako.. Ü
- birthday ko noon na debut ko pa.. ang mga
- Kinabukasan, babalik na ako sa Quezon City sa Frisco para dun na mamalagi habang nagrereview, sa lunes na kasi ang start. Nadadaanan ko ang simbahan ng sto. Domingo na nandun nakalagak ang imahe ni Maria Birhen La Naval. Medyo kinakabahan ako dahil magiging ako na lang bahala sa sarili ko sa mga susunod na araw. Dala dala ang bag kong malaki, sumapit ako sa apartment (bahay) na wala sila, ngunit walang takot na iniwan ng pinsan ko ang susi sa ilalim ng door mat sa pintuan… tinakot ako sa multo. Habang sila ay najojogging sa UP Diliman, pinuntahan ako ng aking second cousin upang pumunta sa kanila.
- Unang araw ng review kaya kailangang maganda ang simula.. ngunit bahagyang nalate ako sa orientation. Madaming tao ang nandun..una kong hinanap ang mga kaklase ko nung college. Iba ibang tao ang nandoon.. madami ding magaganda. Sa dami, minsan agaw atensyon sa konsentrasyon sa pagrereview. May nakita akong kamukha ni Yeng Constantino, meron ding astang modelo. Meron ding magandang nanay, astig na tomboy, maingay na bakla na mukhang gwardya (at tinawag na guard ni gapuz). Huh! Unang araw ang bagong nakilala ko ay si Rachelle, seat mate ko sa first day.. hayun, ang entrada ni gapuz ay parang concert. Kumanta, at nag ala stand up comedian. Nakikita siya sa malaking telon ng sinehan. Kamukha niya si Chokoleit. Pero aminado akong magaling siya. Komtemporaryo ang paraan ng pagtuturo habang pinipreserba ang kahalagahan ng kanyang tinuturo.. first day, isa isang nilapitan ni gapuz ang mga nasa aisle at isa ako sa mga malapit. natanong ako kung taga san ako, pangalan ko at kung anong meron sa lugar ko..nasagot ko siya ng maayos at pilipit na ingles sa pinakamalalim kong boses.. hehehe. nagtapos ang araw ko sa pamimili ng groceries at mga kailangan sa bahay at review sa biyaya ni tito jun at tita inday. Ü
- ang mga sumunod na mga araw ay pawang pag aadjust sa oras, Gawain, paligid at tamang diskarte.. ang bawat araw ay pare-pareho. Ang kagandahan sa bahay namin, malapit ito sa lahat. Sa palengke, ospital, at main roads. Kaya ang mga nakakain ko halos ay aking mga luto. Ang mga niluluto ko ay paborito ko..kaya madaming nakakain lagi, tumaba, lumaki ang tiyan, nainsecure, nagjogging sa Amoranto, nagsit-ups, ngunit bahagya lamang ang nakamit na resulta sa inaasahan. Aalis na ang tita ko, kaya umuwi ako sa Laguna, nagvideo OK nakisaya at kumain. Ü
- Isang di malilimutang pagkakataon ang nangyari. Napagpasyahan kasi ng isang pinsan namin na si Janelle na matagal na namin di nakikita. napagusapan na sa isang puntahan malapit sa abs-cbn magkikita. Nanuna kami doon ni
- Madami na akong natutunang lutuin at first time na niluto. Sinigang na baboy, adobo, tortang talong na may balat pa!, fried rice, monggo, tinolang baboy at manok. Sinabawang isda at ilang pachamba. Mga ulam na ang tatay ko lang ang gumagawa. Kaya yun, masarap kumain.
- Isang challenge sa akin ( dahil mapapahiya ako) ang mga tanong at klaripikasyon ng pinsan ko tungkol sa mga bagay-bagay na may kaugyang sa medical sa aspeto.. meron kasi silang ginagawang teleserye na may kinalaman sa nursing. Kaya napapabasa ako..huhu. Ü
- Bumili ng dvd player si insan. Napapanood ko ang mga kakaibang pelikula na nabili niya(DVD CDs). Mga galing ibang bansa, mga weird. May mga dvd na nakulimbat lang at walang bayad dahil tanga ang nagbabantay. Ü
- Sa di inaasahang pagkakataon (at tadhana?) nagkaroon kami ng dalawa pang kasama sa bahay. Sina Jackie at Lucille (pinsan ni insan). Diyahe nung una dahil di ko magagawa mga gusto ko dahil may mga girls na sa bahay. Pero alam kong masaya ang mangyayari pag nagtagal. Nagkasakit kasi ang isa kaya kailangang dun muna siya para di mahawaan ang ibang kasama sa dorm niya. Eh immune na rin naman ako, kami, kaya okay lang na nandun sila, maganda nga eh. Sa loob ng medyo matagal na panahon, nakita ko ulit silang magpinsan at ang mga kakatuwang pangyayari noong musmos pa ako, ay nanumbalik at nagpapangiti na lamang sa akin. Masaya ang mga araw, dahil may nurse kami(Jackie), at may magaling sa pagluluto(ating). Lalo pa akong naparami ng nakakain kasi bago sa panlasa ang niluluto ni ating, mga pangsosyal ang iba, may sarsa at masarap talaga. walang biro. si Jackie kasi, ulam na may giniling ang specialty, si
- Sa araw din ng one more chance movie viewing, kumain kami sa Bacolod Inasal( ba yun?) yung nagko-comercial sa Ysabella ang Ysabella`s chicken. Iyon kasi ang ki nain namin. Yun daw ang Victoria`s chicken na pinag aagawan sa teleserye ni Judy Ann. Ayon sa panlasa ko, di iyon sapat para pag agawan ng dalawang pamilya, at magpapayaman ng husto sa antagonist ng show. Di kasi ganun kasarap ang chicken dish na yun. Parang manok lang na minarinate sa typical na preparasyon na dinagda gan lang ng madaming bawang, paminta at iba pa tsaka inihaw. Ü
- Di ko maikakaila na ang pagtira sa bahay ng dalawang babae ay masaya, maliban sa may nagluluto ng iba pang menu, masarap din kausapin sila, minsan kasi pikon at nakikipag argyumento pa. hehe, peace tayo. Nagkaroon pala ng isang pagkakataon na nagvideoke ang isang kapitbahay namin. Okay lang
- nakakasama namin ng mga babae ko na sina Hazel at Edna sina Carlo at Janser na medyo matured tingnan di
- ang final coaching na ginawa ni Gapuz sa PICC tents ay malaking pangyayari din. Sa unang araw parang 800 plus lang kami, medyo masarap at ganado pa magreview dahil maluwag, malamig at madaming nakikita.hehe doon ginawa ang mock board exam. Habang nasa kalagitnaan ng pagsasagot sa 100 na tanong na sasagutin lamang ng isang oras, biglang LUMINDOL,!! Oo, an earthquake shook us while we are taking the exam. At first i thought i was just dizzy because of the pressured exam, but suddenly all faces reacted to anybody. Fortunately, it was a mild quake. Unfortunately it was not that strong, i could have ran to the prettiest lady at sight! Ü just kidding. The PICC personnel freed us from answering when they asked us to vacate the tents because they will be having an inspection, so my friends and I hurriedly moved out to look for the nearest food place where we could eat. Sadly, all of the students that left the tents thought the same way as we do. Counter lines for ordering in Jollibee overflowed out side the building, it was like there was a hunger strike that ended and rallyist ran to fill in the days with no food. Anne daming tao!! So we have to hire a taxi to eat on the least-nearby chain. Sa araw din na ito pinakilala nina Carlo at Janser si Abby sa akin, sa amin. Di naman nila close ang babae pero nagkataon lamang na wala siyang kasama that time, kaya sa amin napasama. At alam ko ulit na ano na naman iisipin nina bossing Edna pag nakita nila ako at alam kong papansinin agad ang ugali ni Abby at magseselos ang mga yun.haha. at the end of the exam.masaya na, kasi i shouted the answer on every number being disscussed. Masarap sumigaw lalo na kung lahat ay sumisigaw. Paguwi namin, parang galing factory dahil con todo buhos ang mga tao. Napuno ang street along PICC ng mga tao. Plus it rained that night, so Abby has a civil responsibilty to make herself share her umbrella with me. While the rest has their own. Ako lang ang walang payong sa magkakasama. It was a long night. Natraffic pa kami pauwi. Nagtaxi kami pauwi. Umuulan kasi. Im freaking tired that night but i much appreciated manong Arks viand.chicken! Andoks at tinola. Ü
- ang last day ng review, masaya. Nakita ko kasi si Dmay na matagal ko ng di nakikita. Sadyang napakadami ng tao.. 3000 daw kami o mahigit ang nandun ngayon.. buti na lamang may upuan na nakareserve sa akin sa harap banda. Kaya masaya. Bago ako umuwi, pumunta kami sa Baclaran ng asawa ng pinsan ko. Dumaan sa PRC, at umuwi na at nadatnan ang mga kasama ko sa bahay na naghihikahos sa pageehersisyo para sa tiyan. Madalas kasi nila iyon ginagawa na wala ako. Di kasi ako sumasali, dahil may sayaw sayaw yun kaya ayaw ko.. at dyahe din na nanonood lang ako. Ü
- Bago ang exam day, pinuntahan ko ang exam location ko sa Paco manila, napakalayo at di ko masyadao alam. Habang nasa daan, dumaan ako sa sto. Domingo at sa Quiapo, nagtren, at dahil binigyan ako ng instruksiyon ni miss Lucille, di ako naligaw. Nakilala ko sa daan sa paghahanap ang kapwa letter C na si ate Yeye. Ng nakita ko na ang room, dumaan kami sa church ng Paco, at umuwi na kami sa ibat ibang daanan. Pupunta ako sa sta Cruz church. Kahit gabi na ng araw na yun. Pupunta pa din ako. Naligaw ako! Sumobra. Nung nakita ko na, nagkataong may misa noon kaya nagsimba ako.. nilakad ko mula doon patungo ng Quiapo. Ang daming tao, siksikan dahil Friday pala. nakipagpatintero ako sa mga taong iba iba ang mga mukha, may kanya kanyang pupuntahan, di magkakilala pero sa iisang lugar. Nung umuwi ako, nagulat ako dahil walang tao sa bahay, wala ang mga girls wala si insan. At wala akong susi para mabuksan ang pinto. Sa loob ang susi!! Mabuti na lamang may tiyahin ako sa malapit kaya dun na lamang ako nagantay ng savior ko. Parating si tatay ko noon, susuportahan niya ako sa exam kinabukasan. Kasama ang tiyahin ko. Di ako nakapagpahinga ng maayos, pero di din ako makatulog gawa ng pressure kinabukasan. Dumating si tatay, madaming pagkain. Pag uwi, kunting ayos, umalis si insan patungong
- parang napaidlip lang ako nang ginising ako ng tatay para bumangon na dahil magaayos na ako para sa unang araw ng pangalawang exam(huh?). nanabik akong kainin ang inihandang almusal ni tatay ko..atay kasi iyon, paborito ko. Simula noong nasa elementarya pa ako, ang almusal ko lagi kapag araw ng exam ay atay..kahit anong luto sa atay. Paborito ko kasi iyon. Pinilit kong magmadali, subalit ang daming kulang sa araw na ito.. waaa, naiwan ko ang bag ko sa kabilang bahay kagabi. Andun ang bagong bili kong medyas, ang lapis, at ballpen at iba pa.. Naghanap ako ng extrang puting medyas ngunit walang mahanap. Kaya lumabas ako ng bahay na walang medyas..hehehe. madaming nakaputi sa mga kalsada.. sa kasamaang palad, malayo ang eskwelahan na pagsusulitan ko. Habang nasa biyahe, may nakasakay akong babae na hindi naka pangnars pero may dalang blue form. Kaya natanong ko siya kung bakit hindi siya nakaputi.. sabi niya okay naman daw ang nakaganun basta shoes at white shirt with collar okay lang. sa paguusap na yun, di ko napansin na sobra na pala ako sa kanto na aking bababaan. At 15mins na lamang ay alas siyete na, nagtaxi na lamang ako sabay daan sa isang malapit na convinient store upang makabili ng inumin, lapis, ballpen at pantasa. Pagdating ko sa school, tumakbo ako tungo sa classroom. Nadatnan ko sa classroom ang ibang mga kasama doon na nagfifill up na ng mga information. Mabuti na lamang hindi ako napagalitan. Sobrang hirap ng exam, wala namang madali.. tuwing breaks, lumalabas ako, at nakita ko si Bernadeth na classmate ko dati sa school. Kwentuhan, kamustahan at biniro ko sabay bati ang dating nakasama sa exams noong june nung nagkita ulit kami. sakit ng ulo ko sa hirap ng exams..the next day, i was literally late for the seond day of exam. I came to school with a semi skinny jeans, a white polo shirt and sneakers. On my way to the school, i noticed that i can no longer see white dressed exam takers that i have seen the other day, i became anxious because i knew i am late. When i arrived, they were already answering the questions and i think some were already in items 10-15. i greeted the proctor politely and in confidence, said my apology for being late as i am heading towards my seat. Two more exams. It was quite nice to answer than the first set. I finished earlier than the rest. It was Sunday so tatay and i went to church. This day seems to be the start of the lighter days, because i will no longer worry for the everyday reviews. Ü
- the next day is the inuman day, after more than a month’s review and everything, now, it is a temporary time to set aside everything and allow pleasures from anything. Pumunta kami sa Bulacan, sa bahay ng insan namin si Calay . Tska di pa kasi nakikita yun ni tatay ko. Pagdating doon, lunch and the inuman started at around almost five. It was not that much more of a drinking session, it was more of talks about our family and a little videoke for them but not for me. I do not really sing and i am not drank that time. It was just i am so overwhelmed of a burden that i have surpassed. My cousins and JS sang but the duration of all of them can not exceed mine. Oo na, naging kantora (mangaawit sa simbahan) ako sa mga oras na iyon, dahil ako halos ang kumakanta simula alas cinco hanggang matapos ng alas onse ng gabi. Di ko alam kung bakit, siguro dahil alam kong hindi ako bibigyan ng pangit na comment kaya ganado ako.haha. sa gabi ng araw na ito (huh?), nakilala ko si Cris, isang inagaw na chat mate sa nagbabantay ng com shop ng insan ko. Nakita ko kasi sa cam, tapos kami na dalawa ang naguusap. Ano naman, having more friends is much better (more benefits!). that time, naging friends na kami kahit sa chat lang kasi nakakausap ng matino. Ü
- Two days after the exam, after umuwi from Bulacan, nagkaroon ako ng isang rare time na makita si Merlody Mines del Rosario na “walking buddy” ko sa Dasma dati. Walking buddy kasi simula sa gate ng subdivision na tinutuluyan ko, nilalakad namin iyon paloob kahit medyo malayo dadaan sa kanila at uuwi na ako. Noong nagkaroon siya ng pagkakataon, pumayag agad ako. Nagkita kami sa trinoma. Walang nagbago sa kanya maliban sa braces na nakasanayan kong nakikita sa kanya na wala na ngayon. Puro kwentuhan, kauting kainan. Salitan ng mga bagay bagay na nais ikuwento. Binigyan niya ako ng souvenir na Aso key chain. Touch ako kasi akala ko for her neice. Ang guilt ko lang, akala ko kasi sa
- inihatid ko si tatay sa sakayan papuntang amin. Bago pumunta doon, kasama sina auntie min ko at insan shanny, dumaan kami sa lugar ng mga tanim. Sa sobrang dami ng mga nakadisplay na mga ornamental plants, di na natatablan halos ang tatay ko ng rayuma sa sobrang sabik tingnan ang mga nagagadahang pananim. Ang mamahal naman... nakikta ko na masaya ang tatay ko sa pagiikot namin. Mahilig kasi siya sa mga pananim. Ayun, pagkatapos siyang nahatid sa sakayan, dumaan kaming greenhills.. nakukwento ko kasi ang mga ito dahil first time kong puntahan at maexperience ang ganitong mga pagkakataon. Ü
- Nagjogging kami sa up diliman campus
- nagdaan ang mga araw na halos pareho lang. dumating na si Lucille galing ibang lugar, maninibago na naman ako, tatahimik na naman ako. Pagkaraan ulit ng ilang araw, ang linggo na nakatakdang paguwi ko ay biglang nagkaroon ng problema. Nanood kasi ako ng pelikulang Oceans 11, 12, 13. Maganda, sobrang ganda ng kuwento.
- Divisoria. Pumunta kaming divisoria ng pinsan ko para makapamili ng mga bagay bagay na ipangregalo sa mga mahal namin sa buhay. First time ko ito sa Divisoria. Na hindi pala, kasi dito ako naligaw noong first year college. Ang maling nagawa ko, wala akong dalang cellphone. Pero naghiwalay pa rin kami ng insan ko.. pagkatapos makapamili ng napakagandang mga nabili, hinanap ko ang pinsan ko, ngunit di ko siya matagpuan. Dahil halos gabi na nung oras na iyon, inakala ko na umuwi na siya
- ilang araw na lamang, uuwi na ako sa amin, ngunit hindi ko pa nakikita si bianca. Sabik na akong makita siyia at ipagmalaki na natupad ko lahat ng pinangako ko sa kanya na alam kong para din sa akin. Kumain ako ng madami para tumaba, nagkalaman, ngunit nagkatiyan. Pero hindi ko pa siya nakokontact. Naiinis ako dahil hindi napupunan ang pagkamiss. Madaming tao pa ang nais kong makita pero hindi ko nabigyan ng pagkakataong makita habang nandoon pa ako.
- Araw ng paguwi sa probinsya. Kasama si Jackie, galing