Nakipagsapalaran muli ako sa Maynila at sa karatig lungsod nito upang iahon ang sarili dahil sa bigong grado sa eksaminasyon para sa pagna-nars. Madami ang mga nangyari sa loob ng tatlong buwang pamamalagi doon... at ang iba ay ayaw ko ng kalimutan o di na mawawala sa memorya ko.Ü Ü Ü
- di ko inaasan na magiging pinakamasaya ang paglisan ko sa Bisayas. May sumama kasi sa akin sa airport ng Kalibo. Hindi ako nabored pero may kaunting lungkot. Masaya ang bawat sandali, hanggang sa pag alis. Sinundo ako ng tita ko kasama ang pinsan ko at ang boyfriend niya. Mabait naman si tito Jun, di kasi niya ako pinabayaan. Kami ng tita ko. Nagulat ang mga tao na nakita ulit ako. Nangitim daw kasi ako. Malamang sabi ko. Ü
- inasikaso ko agad ang mga kailangang gawin pagdating ko ng Laguna. Una, pumunta ako sa PRC para magfile ulit, dalawang beses akong pumunta dahil sa dami ng tao at discouragement. Natapos ko ito sa panglawang araw. Medyo masaya ang mga nangyari dahil naunahan ko ang naksabayan ko sa pila dahil medyo foreigner ang apelyido niya. Habang pinoproseso na ang mga papeles ko, ang sabi ng umaasikaso sa akin ay mukha daw akong galing sa beach dahil sa itim ng mukha ko sa photo na dinikit sa application form. Sabi ko naman, di lang beach yun, nagsaka pa ako at nagmina..natawa siya at pinauwi na ako..
- pumunta ako sa sm manila para magenroll kay Gapuz, iyon na lang kasi ang nakuhang slot sa akin ni Hannah na kaibigan ko..maswerte ako nakuhaan niya ako(salamat).. maganda ang skedyul ko, maliban na lamang sa everyday review, 7 days a week 5 hours per session sa kontrobersyal na sinehan sa SM Manila daw ako magrereview.
- pumunta ako sa magiging tirahan at tatawaging tahanan sa pinsan ko na alam kong ngayong lang kami magiging malapit dahil titira kami sa iisang bahay. Una, kinakabahan ako, dahil di pa ako nakakapunta ng magisa na mas malayo pa sa PRC. Medyo nalayuan ako sa lugar noong una.. napuntahan ko ang apartment sa loob ng isang parang compound.. parang superior ang dating ng nakatira doon dahil sa second floor ang bahay namin.. ang unang tanong agad ng pinsan ko sa akin ay kung may third eye daw ako, sabi ko bakit.. iyon pala, may nagpapakita daw na multo sa hagdan patungo sa mga pintuan namin. May pinakita pa siyang video sa cellphone niya na may imahe ng isang babae na nakaupo sa terrace malapit sa hagdan… maganda, malawak at may isa pang kwarto na para sa akin…wala pa masyadong gamit kaya plano ko itong punan.. nagpapasalamat ako sa pinsan kong si Arden Rod dahil sa pagsisimula ng buhay ko na di ko aakalaing mangyayari. Di ako nagtagal noon dahil uuwi pa ako sa Laguna na dadaan sa Baclaran, sa Las Pinas at sa Laguna..mahaba ang biyahe noon kaya paguwi ko, bulagta na agad ako.. Ü
- birthday ko noon na debut ko pa.. ang mga
- Kinabukasan, babalik na ako sa Quezon City sa Frisco para dun na mamalagi habang nagrereview, sa lunes na kasi ang start. Nadadaanan ko ang simbahan ng sto. Domingo na nandun nakalagak ang imahe ni Maria Birhen La Naval. Medyo kinakabahan ako dahil magiging ako na lang bahala sa sarili ko sa mga susunod na araw. Dala dala ang bag kong malaki, sumapit ako sa apartment (bahay) na wala sila, ngunit walang takot na iniwan ng pinsan ko ang susi sa ilalim ng door mat sa pintuan… tinakot ako sa multo. Habang sila ay najojogging sa UP Diliman, pinuntahan ako ng aking second cousin upang pumunta sa kanila.
- Unang araw ng review kaya kailangang maganda ang simula.. ngunit bahagyang nalate ako sa orientation. Madaming tao ang nandun..una kong hinanap ang mga kaklase ko nung college. Iba ibang tao ang nandoon.. madami ding magaganda. Sa dami, minsan agaw atensyon sa konsentrasyon sa pagrereview. May nakita akong kamukha ni Yeng Constantino, meron ding astang modelo. Meron ding magandang nanay, astig na tomboy, maingay na bakla na mukhang gwardya (at tinawag na guard ni gapuz). Huh! Unang araw ang bagong nakilala ko ay si Rachelle, seat mate ko sa first day.. hayun, ang entrada ni gapuz ay parang concert. Kumanta, at nag ala stand up comedian. Nakikita siya sa malaking telon ng sinehan. Kamukha niya si Chokoleit. Pero aminado akong magaling siya. Komtemporaryo ang paraan ng pagtuturo habang pinipreserba ang kahalagahan ng kanyang tinuturo.. first day, isa isang nilapitan ni gapuz ang mga nasa aisle at isa ako sa mga malapit. natanong ako kung taga san ako, pangalan ko at kung anong meron sa lugar ko..nasagot ko siya ng maayos at pilipit na ingles sa pinakamalalim kong boses.. hehehe. nagtapos ang araw ko sa pamimili ng groceries at mga kailangan sa bahay at review sa biyaya ni tito jun at tita inday. Ü
- ang mga sumunod na mga araw ay pawang pag aadjust sa oras, Gawain, paligid at tamang diskarte.. ang bawat araw ay pare-pareho. Ang kagandahan sa bahay namin, malapit ito sa lahat. Sa palengke, ospital, at main roads. Kaya ang mga nakakain ko halos ay aking mga luto. Ang mga niluluto ko ay paborito ko..kaya madaming nakakain lagi, tumaba, lumaki ang tiyan, nainsecure, nagjogging sa Amoranto, nagsit-ups, ngunit bahagya lamang ang nakamit na resulta sa inaasahan. Aalis na ang tita ko, kaya umuwi ako sa Laguna, nagvideo OK nakisaya at kumain. Ü
- Isang di malilimutang pagkakataon ang nangyari. Napagpasyahan kasi ng isang pinsan namin na si Janelle na matagal na namin di nakikita. napagusapan na sa isang puntahan malapit sa abs-cbn magkikita. Nanuna kami doon ni
- Madami na akong natutunang lutuin at first time na niluto. Sinigang na baboy, adobo, tortang talong na may balat pa!, fried rice, monggo, tinolang baboy at manok. Sinabawang isda at ilang pachamba. Mga ulam na ang tatay ko lang ang gumagawa. Kaya yun, masarap kumain.
- Isang challenge sa akin ( dahil mapapahiya ako) ang mga tanong at klaripikasyon ng pinsan ko tungkol sa mga bagay-bagay na may kaugyang sa medical sa aspeto.. meron kasi silang ginagawang teleserye na may kinalaman sa nursing. Kaya napapabasa ako..huhu. Ü
- Bumili ng dvd player si insan. Napapanood ko ang mga kakaibang pelikula na nabili niya(DVD CDs). Mga galing ibang bansa, mga weird. May mga dvd na nakulimbat lang at walang bayad dahil tanga ang nagbabantay. Ü
- Sa di inaasahang pagkakataon (at tadhana?) nagkaroon kami ng dalawa pang kasama sa bahay. Sina Jackie at Lucille (pinsan ni insan). Diyahe nung una dahil di ko magagawa mga gusto ko dahil may mga girls na sa bahay. Pero alam kong masaya ang mangyayari pag nagtagal. Nagkasakit kasi ang isa kaya kailangang dun muna siya para di mahawaan ang ibang kasama sa dorm niya. Eh immune na rin naman ako, kami, kaya okay lang na nandun sila, maganda nga eh. Sa loob ng medyo matagal na panahon, nakita ko ulit silang magpinsan at ang mga kakatuwang pangyayari noong musmos pa ako, ay nanumbalik at nagpapangiti na lamang sa akin. Masaya ang mga araw, dahil may nurse kami(Jackie), at may magaling sa pagluluto(ating). Lalo pa akong naparami ng nakakain kasi bago sa panlasa ang niluluto ni ating, mga pangsosyal ang iba, may sarsa at masarap talaga. walang biro. si Jackie kasi, ulam na may giniling ang specialty, si
- Sa araw din ng one more chance movie viewing, kumain kami sa Bacolod Inasal( ba yun?) yung nagko-comercial sa Ysabella ang Ysabella`s chicken. Iyon kasi ang ki nain namin. Yun daw ang Victoria`s chicken na pinag aagawan sa teleserye ni Judy Ann. Ayon sa panlasa ko, di iyon sapat para pag agawan ng dalawang pamilya, at magpapayaman ng husto sa antagonist ng show. Di kasi ganun kasarap ang chicken dish na yun. Parang manok lang na minarinate sa typical na preparasyon na dinagda gan lang ng madaming bawang, paminta at iba pa tsaka inihaw. Ü
- Di ko maikakaila na ang pagtira sa bahay ng dalawang babae ay masaya, maliban sa may nagluluto ng iba pang menu, masarap din kausapin sila, minsan kasi pikon at nakikipag argyumento pa. hehe, peace tayo. Nagkaroon pala ng isang pagkakataon na nagvideoke ang isang kapitbahay namin. Okay lang
- nakakasama namin ng mga babae ko na sina Hazel at Edna sina Carlo at Janser na medyo matured tingnan di
- ang final coaching na ginawa ni Gapuz sa PICC tents ay malaking pangyayari din. Sa unang araw parang 800 plus lang kami, medyo masarap at ganado pa magreview dahil maluwag, malamig at madaming nakikita.hehe doon ginawa ang mock board exam. Habang nasa kalagitnaan ng pagsasagot sa 100 na tanong na sasagutin lamang ng isang oras, biglang LUMINDOL,!! Oo, an earthquake shook us while we are taking the exam. At first i thought i was just dizzy because of the pressured exam, but suddenly all faces reacted to anybody. Fortunately, it was a mild quake. Unfortunately it was not that strong, i could have ran to the prettiest lady at sight! Ü just kidding. The PICC personnel freed us from answering when they asked us to vacate the tents because they will be having an inspection, so my friends and I hurriedly moved out to look for the nearest food place where we could eat. Sadly, all of the students that left the tents thought the same way as we do. Counter lines for ordering in Jollibee overflowed out side the building, it was like there was a hunger strike that ended and rallyist ran to fill in the days with no food. Anne daming tao!! So we have to hire a taxi to eat on the least-nearby chain. Sa araw din na ito pinakilala nina Carlo at Janser si Abby sa akin, sa amin. Di naman nila close ang babae pero nagkataon lamang na wala siyang kasama that time, kaya sa amin napasama. At alam ko ulit na ano na naman iisipin nina bossing Edna pag nakita nila ako at alam kong papansinin agad ang ugali ni Abby at magseselos ang mga yun.haha. at the end of the exam.masaya na, kasi i shouted the answer on every number being disscussed. Masarap sumigaw lalo na kung lahat ay sumisigaw. Paguwi namin, parang galing factory dahil con todo buhos ang mga tao. Napuno ang street along PICC ng mga tao. Plus it rained that night, so Abby has a civil responsibilty to make herself share her umbrella with me. While the rest has their own. Ako lang ang walang payong sa magkakasama. It was a long night. Natraffic pa kami pauwi. Nagtaxi kami pauwi. Umuulan kasi. Im freaking tired that night but i much appreciated manong Arks viand.chicken! Andoks at tinola. Ü
- ang last day ng review, masaya. Nakita ko kasi si Dmay na matagal ko ng di nakikita. Sadyang napakadami ng tao.. 3000 daw kami o mahigit ang nandun ngayon.. buti na lamang may upuan na nakareserve sa akin sa harap banda. Kaya masaya. Bago ako umuwi, pumunta kami sa Baclaran ng asawa ng pinsan ko. Dumaan sa PRC, at umuwi na at nadatnan ang mga kasama ko sa bahay na naghihikahos sa pageehersisyo para sa tiyan. Madalas kasi nila iyon ginagawa na wala ako. Di kasi ako sumasali, dahil may sayaw sayaw yun kaya ayaw ko.. at dyahe din na nanonood lang ako. Ü
- Bago ang exam day, pinuntahan ko ang exam location ko sa Paco manila, napakalayo at di ko masyadao alam. Habang nasa daan, dumaan ako sa sto. Domingo at sa Quiapo, nagtren, at dahil binigyan ako ng instruksiyon ni miss Lucille, di ako naligaw. Nakilala ko sa daan sa paghahanap ang kapwa letter C na si ate Yeye. Ng nakita ko na ang room, dumaan kami sa church ng Paco, at umuwi na kami sa ibat ibang daanan. Pupunta ako sa sta Cruz church. Kahit gabi na ng araw na yun. Pupunta pa din ako. Naligaw ako! Sumobra. Nung nakita ko na, nagkataong may misa noon kaya nagsimba ako.. nilakad ko mula doon patungo ng Quiapo. Ang daming tao, siksikan dahil Friday pala. nakipagpatintero ako sa mga taong iba iba ang mga mukha, may kanya kanyang pupuntahan, di magkakilala pero sa iisang lugar. Nung umuwi ako, nagulat ako dahil walang tao sa bahay, wala ang mga girls wala si insan. At wala akong susi para mabuksan ang pinto. Sa loob ang susi!! Mabuti na lamang may tiyahin ako sa malapit kaya dun na lamang ako nagantay ng savior ko. Parating si tatay ko noon, susuportahan niya ako sa exam kinabukasan. Kasama ang tiyahin ko. Di ako nakapagpahinga ng maayos, pero di din ako makatulog gawa ng pressure kinabukasan. Dumating si tatay, madaming pagkain. Pag uwi, kunting ayos, umalis si insan patungong
- parang napaidlip lang ako nang ginising ako ng tatay para bumangon na dahil magaayos na ako para sa unang araw ng pangalawang exam(huh?). nanabik akong kainin ang inihandang almusal ni tatay ko..atay kasi iyon, paborito ko. Simula noong nasa elementarya pa ako, ang almusal ko lagi kapag araw ng exam ay atay..kahit anong luto sa atay. Paborito ko kasi iyon. Pinilit kong magmadali, subalit ang daming kulang sa araw na ito.. waaa, naiwan ko ang bag ko sa kabilang bahay kagabi. Andun ang bagong bili kong medyas, ang lapis, at ballpen at iba pa.. Naghanap ako ng extrang puting medyas ngunit walang mahanap. Kaya lumabas ako ng bahay na walang medyas..hehehe. madaming nakaputi sa mga kalsada.. sa kasamaang palad, malayo ang eskwelahan na pagsusulitan ko. Habang nasa biyahe, may nakasakay akong babae na hindi naka pangnars pero may dalang blue form. Kaya natanong ko siya kung bakit hindi siya nakaputi.. sabi niya okay naman daw ang nakaganun basta shoes at white shirt with collar okay lang. sa paguusap na yun, di ko napansin na sobra na pala ako sa kanto na aking bababaan. At 15mins na lamang ay alas siyete na, nagtaxi na lamang ako sabay daan sa isang malapit na convinient store upang makabili ng inumin, lapis, ballpen at pantasa. Pagdating ko sa school, tumakbo ako tungo sa classroom. Nadatnan ko sa classroom ang ibang mga kasama doon na nagfifill up na ng mga information. Mabuti na lamang hindi ako napagalitan. Sobrang hirap ng exam, wala namang madali.. tuwing breaks, lumalabas ako, at nakita ko si Bernadeth na classmate ko dati sa school. Kwentuhan, kamustahan at biniro ko sabay bati ang dating nakasama sa exams noong june nung nagkita ulit kami. sakit ng ulo ko sa hirap ng exams..the next day, i was literally late for the seond day of exam. I came to school with a semi skinny jeans, a white polo shirt and sneakers. On my way to the school, i noticed that i can no longer see white dressed exam takers that i have seen the other day, i became anxious because i knew i am late. When i arrived, they were already answering the questions and i think some were already in items 10-15. i greeted the proctor politely and in confidence, said my apology for being late as i am heading towards my seat. Two more exams. It was quite nice to answer than the first set. I finished earlier than the rest. It was Sunday so tatay and i went to church. This day seems to be the start of the lighter days, because i will no longer worry for the everyday reviews. Ü
- the next day is the inuman day, after more than a month’s review and everything, now, it is a temporary time to set aside everything and allow pleasures from anything. Pumunta kami sa Bulacan, sa bahay ng insan namin si Calay . Tska di pa kasi nakikita yun ni tatay ko. Pagdating doon, lunch and the inuman started at around almost five. It was not that much more of a drinking session, it was more of talks about our family and a little videoke for them but not for me. I do not really sing and i am not drank that time. It was just i am so overwhelmed of a burden that i have surpassed. My cousins and JS sang but the duration of all of them can not exceed mine. Oo na, naging kantora (mangaawit sa simbahan) ako sa mga oras na iyon, dahil ako halos ang kumakanta simula alas cinco hanggang matapos ng alas onse ng gabi. Di ko alam kung bakit, siguro dahil alam kong hindi ako bibigyan ng pangit na comment kaya ganado ako.haha. sa gabi ng araw na ito (huh?), nakilala ko si Cris, isang inagaw na chat mate sa nagbabantay ng com shop ng insan ko. Nakita ko kasi sa cam, tapos kami na dalawa ang naguusap. Ano naman, having more friends is much better (more benefits!). that time, naging friends na kami kahit sa chat lang kasi nakakausap ng matino. Ü
- Two days after the exam, after umuwi from Bulacan, nagkaroon ako ng isang rare time na makita si Merlody Mines del Rosario na “walking buddy” ko sa Dasma dati. Walking buddy kasi simula sa gate ng subdivision na tinutuluyan ko, nilalakad namin iyon paloob kahit medyo malayo dadaan sa kanila at uuwi na ako. Noong nagkaroon siya ng pagkakataon, pumayag agad ako. Nagkita kami sa trinoma. Walang nagbago sa kanya maliban sa braces na nakasanayan kong nakikita sa kanya na wala na ngayon. Puro kwentuhan, kauting kainan. Salitan ng mga bagay bagay na nais ikuwento. Binigyan niya ako ng souvenir na Aso key chain. Touch ako kasi akala ko for her neice. Ang guilt ko lang, akala ko kasi sa
- inihatid ko si tatay sa sakayan papuntang amin. Bago pumunta doon, kasama sina auntie min ko at insan shanny, dumaan kami sa lugar ng mga tanim. Sa sobrang dami ng mga nakadisplay na mga ornamental plants, di na natatablan halos ang tatay ko ng rayuma sa sobrang sabik tingnan ang mga nagagadahang pananim. Ang mamahal naman... nakikta ko na masaya ang tatay ko sa pagiikot namin. Mahilig kasi siya sa mga pananim. Ayun, pagkatapos siyang nahatid sa sakayan, dumaan kaming greenhills.. nakukwento ko kasi ang mga ito dahil first time kong puntahan at maexperience ang ganitong mga pagkakataon. Ü
- Nagjogging kami sa up diliman campus
- nagdaan ang mga araw na halos pareho lang. dumating na si Lucille galing ibang lugar, maninibago na naman ako, tatahimik na naman ako. Pagkaraan ulit ng ilang araw, ang linggo na nakatakdang paguwi ko ay biglang nagkaroon ng problema. Nanood kasi ako ng pelikulang Oceans 11, 12, 13. Maganda, sobrang ganda ng kuwento.
- Divisoria. Pumunta kaming divisoria ng pinsan ko para makapamili ng mga bagay bagay na ipangregalo sa mga mahal namin sa buhay. First time ko ito sa Divisoria. Na hindi pala, kasi dito ako naligaw noong first year college. Ang maling nagawa ko, wala akong dalang cellphone. Pero naghiwalay pa rin kami ng insan ko.. pagkatapos makapamili ng napakagandang mga nabili, hinanap ko ang pinsan ko, ngunit di ko siya matagpuan. Dahil halos gabi na nung oras na iyon, inakala ko na umuwi na siya
- ilang araw na lamang, uuwi na ako sa amin, ngunit hindi ko pa nakikita si bianca. Sabik na akong makita siyia at ipagmalaki na natupad ko lahat ng pinangako ko sa kanya na alam kong para din sa akin. Kumain ako ng madami para tumaba, nagkalaman, ngunit nagkatiyan. Pero hindi ko pa siya nakokontact. Naiinis ako dahil hindi napupunan ang pagkamiss. Madaming tao pa ang nais kong makita pero hindi ko nabigyan ng pagkakataong makita habang nandoon pa ako.
- Araw ng paguwi sa probinsya. Kasama si Jackie, galing
No comments:
Post a Comment