December 30-
Hanggang kelan kaya na ganito lagi? Hindi maganda ang tugon ng pagtatapos ng araw na ito… isang di malilimutang tao ang ayaw manatili sa bawat sistema ng aking katawan.. isang malaking pagbabago ang haharapin ko bukas..isang pagtatapos ng taon na ito na akala ko ay para sa akin. Hindi kailanman magiging isa ang pagkakaibigan at ang isa..hindi sila pwedeng pagsabayin… kaya, kahit sa kahihiyang ito, ang mga susunod na ako ay hindi na siguro ang una, na kahit siguro ako ay mabibigla sa sarili ko….hindi ko inaasahan na mahihirapan ako ng ganito. Siguro ang taon na ito ay hindi talaga para sa akin na ang akala ko ay magiging pabor sa akin. Nagsimula kasi ang taon ko sa isang napakasayang mga tagpo, ngunit hindi rin tumagal. Ngayon, natapos din ito ng hindi kagandahan. Akala ko ba magiging maswerte sa pag-ibig ang mga nilalang na pinanganak sa taon ng mga
29
3 years na kami ng aking mga peklat at keloids na ang reason din ay ang okasyon sa araw na ito..fiesta sa isang lugar dito sa amin..nagyon araw lang naging maganda ang panahon..namiesta ako sa mga kaibigan at mga kakilala..nakita ko ang mga bathcmates ko sa iba`t- ibang lamesa ng inuman sa magkakaibang bahay..ang ilan ay malaki ang naging pagbabago at kasama ako dun..dahil di naman ako uminom, napagpasyahan naming, pumunta sa isang tahimik na lugar at magpalamig sa ilog..bagong adventure na naman to..pagkatapos ng pagmomotor tungo sa aming pupuntahan, kailangang iwanan ang sasakyan sa tabi ng bukid at kailangang tawirin ang palayan..noong malapit na kami sa ”Manlunggong”(name ng lugar), sumigaw agad si Jackie na parang nasa bukid talaga ang dating dahil sa lakas ng sigaw..di ko talaga akalaing doon pa siya maglalaba ng mga damit..malayo kasi ang bahay nila sa lugar na iyon..hindi ko kailanman matanggihan ang tubig..gusto ko agad lumangoy, pero sadyang napakalakas ng agos ng ilog.sa laki ng pinsan ko, hindi niya pa rin basta bastang kayang ltumayo sa ilog sa opposite na direksyon..masarap at payak ang merienda namin..nilagang saging, pancit canton, kunting chichiria at Pepsi..dahil sadyang malaks ang agos at hindi man lamang ako makalangoy humiga na lang ako sa pampang kung saan may makakapitan akong semento at bato upang hindi ako matangay ng ilog….
Hindi nagtapos ang araw na ito sa fiesta o nature tripping lang.. madami akong nakitang mga tao sa daan at nakipagkwentuhan sa kanila. .may dinaan akong kapamilya na nakalakihan ko..at gulat sila, dahil big boy na daw ako ngayon..hindi ko malilimutan ang araw na ito.. kahit gustuhin ko.
1
Ang “tradisyon” naming magpipinsan at magkakapatid ay nabuhay muli. Pagsapit ng new year, pagkatapos kumain, magkamustahan, umikot kami sakay ng aking traysikel, motor ang ang karagdagang kotse. Ang traysikel ko ang magiging hari ng kalsada sa gabing ito. May dala kaming apat na stereo speakers, isang siren light, at megaphone na may sirena. Maingay at magiging kapansinpansin ang traysikel ko na ako mismo ang magmamaneho dahil wala akong pinagkakatiwalaang magda-drayb nun maliban sa sarili ko. Pasahero ko ang tatlong kapatid ko, si bossing, dalawang batang babaeng pinsan, dalawang binatang pinsan, at dalawang lalaking kapitbahayan na mga highscool pa. kung bibilangin, sampung tao ang nakasakay sa traysikel ko. May dald-dala kaming mga paputok, kwitis at iba pa para lumikha ng ingay sa aming dadaanan. Ang kapatid ko na isa ay sa motor na may angkas din, at ang kotse ng pinsan ko ay may sakay n limang bata. Simula na ng pagiikot sa gabing iyon, maingay ang karaban namin. Ang sirena ang ilaw ang mga busina, mga sigaw, mga pagbati sa mga taong nabulabog sa kagalakan na lumalabas sa kanilang mga bahay. Lahat ang sigaw ay “Happy New Year”. masasabing masaya ang munting parada namin kahit hindi biro ang pagmamani-ubra ng manibela ng traysikel dahil sa dami ng sakay nito. Huminto ang munting karaban sa isang kanto ng isang barangay upang batiin ang mga kaibigan, dating kaklase at mga kaibigan ng mga sakay namin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakapula din silang lahat, halos. Pinatay ang sirena, binuksan ang amplipayer, at pinatugtog ang mga kantang nakakagalak. Ang kanto na iyong ay unti-unting dinadagsa ng mga tao at mga bata, lahat ay sumayaw, pati ako. Ako, di ko nga alam kung bakit, siguro masaya lang, at pansamantala kong kinalimutan ang kalungkutan. Pinalipad ang mga dalang kwitis. Masaya ang pagkakataong iyon, ngunit hindi pa kami nangangalahati sa mga iikutan namin. Kaya patay ang sawnds, andara ng sirena, nagsiakyatan ang mga bumaba at sumayaw, nagpaalam sa mga iiwanan at umalis. Sa pangalawang hinto, ganun din ang nagyari, sa gitna ng haywey. Sumayaw. Nakitagay. May isa pa kaming pupuntahan, ang isang pinsan na nasa malayong barangay. hindi biro ang magiging hamon sa pagda-drayb ng traysikel na may siyam na sakay at ang kalsada na parang mga alon sa isang binabagyong dagat dahil sa mga lubak, at hukay sa lupang kalsada!
Nagsimula na ang maalong biyahe. Mabuti na lamang madami ang mga sakay ko, dahil hindi umaalsa ang unahang bahagi ng sasakyan ko. Sadyang napakahirap ang pagkakataong iyon, ngunit nakarating din kami. Sumayaw ulit, kwentuhan at umuwi na rin, dahil ang mga batang kasama ay inaantok na. sa paguwi, umulan ng malakas, nagiging masaya lalo, naligo na lamang kami sa ulan. Na parang may bagyo at nasa dagat kami, muntik pang bumangga ang traysikel ko sa isang tumpok ng mga lupa sa kalsada. Hindi ko na mapigilan ang atok, pagod at lungkot. Kaya paguwi ko, tulog agad ako. Masaya.
Naligo ulit kami sa pinakamalaking ilog sa bayan namin. Dahil katatapos lamang ng tag-ulan, sadyang, malinis ang ilog. Ngunit ang agos naman nito ay hindi biro. Hindi ko magawang lumangoy upang tawirin ang ilog tungo sa kabilang pampang dahil sa lakas ng agos nito. Malalim ang ilog ngayon, umabot sa di dapat aabutan. Sa sobrang lakas ng agos, nagkakaroon ng parang “Whirpool” o ipo-ipo sa ilog. Sinubukan kung tumalon sa Diving Board ngunit patagilid ang talon ko.. ng ako ay nasa tubig na, nararamdaman kong hinihila ako ng ilog tungo sa gitna at isasama sa agos. Di ko kakayanin ang lakas ng agos, pero dahil lahat ay kaya kong gawin, sisiw lang ang mga iyon.
Jan 29.
Sinalubong ko ang araw na ito na may black eye sa kanang mata na natamaan ng kamay kahapon habang naglalaro kami ng Basketball. Wala akong maisip na gawin ngayong araw na ito, kaya napagpasyahan ko na bisitahin ang lolo ko sa kanila sa kabilang bayan. Pagdating ko sa kanilang bahay, wala doon ang lolo ko. Alam kong nasa bundok siya sa kubo niya na inaalagaan ang mga manok niya. Gusto ko rin ang pagkakataong ito dahil obligado akong aakyat ng bundok na huli kong napuntahan limang taon na ang nakakalipas. Dala-dala ang Digicam, itak, at kutsilyo umalis ako ng bahay upang tahakin ang mahigit isang oras na lakad paakyat ng bundok. Medyo takot ako dahil matagal ko na akong hindi nakakapunta sa kubo sa bundok, baka binago na ang daanan, at baka may makasalubong ako na mga mababangis na hayop (sana may taong lobo din). Siyempre bago makarating sa bundok, madadaanan muna ang ricefield. Nakakita agad ako ng isang bayawak, nagulat ako. Habang malapit na ako sa paanan ng bundok, napansin ko agad na masukal na ang nilalakaran ko. Nung aakyat na
Lumakad pa ako ng kaunti at may nakita akong isang daanan, doon ako nagsimulang akyatin na ang bundok . habang tinatahak ang daan na iyon, nagugunita ko na ang daan pa na iyon ay ang gumuhong bahagi ng bundok na ginawan ng daan. Ang Trek na tinatahak ko ang siyang dinaan namin noong sampung taong gulang pa lamang kami. Naligaw din kami noong panahon na iyon. nakakabuntong hininga ang tanawin mula sa itaas. Ang ilog ang bukid ang mga bahay, nakikita ko mula sa taas. Nagulat ako ng may sapot ng gagambang kasing laki ng tatlong daliring pinagdikit-dikit.
Bumaba na kami ng bundok, hapon na ng mga oras na iyon, kailangan kong humabol sa oras upang maabutan ang paglubog ng araw sa dagat. Nakuhaan ko ng litrato ang araw, ang ganda ng paligid na kilakihan ko. Inakyat ko ang mga malalaking bato. Wala akong masabi sa mga nakikita ko dahil hindi naman ako nagsasawa sa mga larawan na pinapakita sa akin. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Dahil ito lamang ang pinakamalaking nangyai sa buwan na ito. Sa buong maghapon, naging taong bundok at taong dagat ako. Nakasama ko ang lolo ko na
No comments:
Post a Comment