Tuesday, February 19, 2008

mini autobiography

a little story, basically the entire academic years were written sa entry na ito. it may be senseless sa ibang babasa nito kasi this might be too personal. sana maiintindihan ninyo na this is my blog, and i will do anything on my own blog. and i made this to recall some of the precious memories.


kinder (Pandan Parochial Kindergarten School)

kinder 1 <wala akong masyadong naalala dito sa stage na 'to>

- pumunta kaming Bagiuo, sinama ako ng nanay ko sa kanilang faculty trip that was after the earthquake, first time sumakay sa puting kabayo (white castle?), at nalamang di naman talaga masarap ang strawberry

- nahulog ako sa creek sa tabi ng dating bahay namin, baha kasi, masarap maligo.

- lagi akong kasama ng nanay ko sa classes niya sa highschool dahil wala akong kasama sa bahay.

- may tutor ako at those times..

- nakita ko ang sugatang tuhod ng lolo ko dahil sinungay ng kalabaw..

- nagkaroon kami ng doorbell

- naglalaro ng lego

- sinasagot ko ang nagsasalita sa radyo.sa speaker ng walkman-radio.

kinder 2

- nagulat ako dahil sinali ako sa parang coronation contest bilang isang prinsipe, color blue na silk pa ang damit ko nun na tinahi pa ng lola ko.

- dahil loko loko ako, at walang alam sa parada, nagwala ako habang paakyat sa stage, hinahanap ko kasi nanay ko. At may dalang laruang baril.

- nung nagpapratice sa sayaw for the grad nun, nahulog ako sa mesa at umiyak

- suki ako ng dentist sa hospital na nasa tapat ng bahay namin dati.

- dumating ang tatay ko, madaming dalang paputok at laruan.

- nagmamayabang ang ilang ahead sa amin dahil mas maganda daw sa grade school sa kabila.

- una akong sumakay sa kalabaw.

- nagbibisekleta ako tungo sa talyer ng uncle ko upang makahingi ng magnet galing sa makina ng mga motor.

- nagkaroon ako ng alagang aso na tumagal ng limang taong si rambo ang pangalan niya, ginamit siya sa pangan gaso bago kinatay.

- nagkaroon ako ng laruan na ancestor ng zoids ngayon, ngunit na talbugan ng bola kaya nasira lahat

- unang natikman ang beer, pangit ang lasa, ito ang dahilan kung bakit hindi ako umiinom ng madami

- sumabog ang pinatubo at napuno ang lugar namin ng ash rain..masaya.

- inuuwian ako ng lolo ng tuba galing sa bundok, at natutong bumalot ng tabako sa tuyong dahon ng duhat

grade school (Pandan Central School)

grade I

- first day ng school 'di ako pumasok, umiyak at nagwala ako..di ko kasi alam kung bakit ang ibang classmate ko alam na may pasok at alam ang gagawin pero ako nagulat na lang dahil dinala ako sa school na yun

- sa school ng nanay ko sa bundok ako nag aral, dahil ayoko pumasok sa central school, nakilala ko doon ang mga kaibigan ko na di ko na maalala.

- lola ko ang adviser ko, pinapagapang kami paikot sa ilalim ng mesa kapag maingay , makulit o kapag mali ang sagot mo..buti na lang minsan lang nangyari sa kin yun.

- may giyera nun sa kabilang section, natusokan pa ng bbq stick ang kalaban.

- nilagnat ako sa araw mismo ng 7th bday ko.masaya ang araw na yun kahit may lagnat ako

- lumipat kami ng bahay .malawak ang lugar, ang bahay ngunit balot naman sa kababalaghan at nakakatakot na mga pangyayari.

- dinala ako ng tatay ko sa isang farm ng pakwan at pinakita sa 'kin ang isang napakalaking kambing, kasing laki siguo ng anak ng isang baka.

- pinasakay kami ng tatay ko sa barko nila..nakita ko ang kwarto ng tatay ko, ang kama niya ay isang bath tub..umakyat ako hanggang sa bridge, unang nahawakan ko ang streering wheel ng barko

- sinita ako ng kapitan nila, di ko alam ang gagawin, kaya di ko na lang pinansin

- natuto akong magbisikleta ng bmx.. pero bago perpektong natutunan yun, labing isang beses akong natumba ay nagkaroon ng walong gasgas sa katawan.

- duhat jam at coco jam na gawa ng lola ko

grade II

- asawa ng ninong ko ang adviser ko

- ginawa akong santa claus sa Christmas party eh ang payat ko naman..sobrang payat

- natulog ako sa bundok dahil panahon ng ani nun sa bundok kasama sina lola at lolo

- pagpasok ko sa classroom nagulat ako dahil may nagsabi na crush daw ako ni ______, ang unag reaksyon ko ay, ano ang crush?

- nalaman ko na ang owner ay “pagmamay-ari”..dahil ang pagkaunawa ko ay isang sasakyan na gawang pinoy.

- nagkabeke o mumps ako.

- uso ang texts, shatong, patintero, tumbang preso, baril-barilan at larong gagamba nun.

- umuwi si tatay nun, may dalang signal flares at parachute flares..yung pang sos sa barko..binigayan namin ng liwanag ang new year nun..

- nalaman ko ang word na declaimation

- ninakawan kami ng kasambahay namin ng bigas at mga gamit.

- napili ako bilang si bonifacio para sa araw ng kagitingan, gamit ang baku-bakong itak na putol ang dulo at kala wangin

- dito nagsimula ang pagtutol ko na si rizal ang pambansang bayani dahil kay bonifacio ako kampi.

grade III

- kinukulong kami ng teacher namin kapag recess na, at inaabutan kami ng pagkain saka naman kami sisingilin pagkatapos.

- ang adviser namin ay nagtututor sa mga kaklase namin na may pera ang masama, gawa na ang quizz at assign ment nila bago pa man sinabi sa amin. At sinabing advantage daw yun sabi ng teacher namin kaya magen roll daw kami sa kanya

- nagkaroon kami ng isang bagong saltang kaklase. Si Samuel Dave.

- lagi akong pinapaiyak noon ng pinsan kong si Esau Jo.

- nahulog ako sa pond ng water lilies at lotus sa manmade pond.. akala ko kasi kaya kong tumalon na aabot han gang dulo.umuwi akong wala sa oras dahil basa.

- lumipat kami sa bagong gawa ngunit di pa totally gawa na bahay namin hanggang sa ngayon.

- pinakain ng karne ng aso na di ko alam na alaga kong si rambo ang kinakain ko.

- balita noon na may nagpapakitang paa sa kawad ng kuryente na malapit sa lumang school namin

grade IV

- di ko maintindihan kung bakit nagiging project ang notebook na dapat kumpleto ng lahat ng pinaakopya na halos buong libro ang katumbas.

- taga lista ako noon ng mga noisy sa klase at may 50 cents na fine per count

- sumali ng habulan sa slide at sa lawn area.

- bumuo ng walang kwentang grupo ng mga 'elite' para sa isang natatagong dahilan na ngayon ko pa lamang ila lahad.

- dahil sa isang minitmithi kaya ko nagawa iyon, na gumawa kagrupo upang siya'y makasali.

- nagkaroon kami ng aviary at isa ako sa gumawa nun.

- habang nagku-kwento ako sa isang kaklase noon, napasabi kasi sa kwento ang “i love you”, nagulat na lamang ako ng bigla akong pagsusuntukin ng kausap ko. Hindi ko naman sinasadyang iba ang interpretasyon niya sa mga kwento ko. Pero sa likod ng aking isip, masaya ang sandaling iyon.

- napagalitan ng nanay kong teacher dahil hindi namin siya sinunod agad.

- unang natikman ang mga 'exotic dishes' na ang mga meat or main ingredients ay, dolphin, seacow(dugong), sea turtle, bayawak, palaka. di naman sadyang hinuli ang mga endagered sea creatures na yun, napasama lang sila sa lambat ng fishing vessel nila tatay. Di na sila maibalik sa dagat dahil namatay na.

- napalaban ang katawan sa pagsayaw ng folk dance gamit ang mga buko

- natutong magmotor.

- dinala ko ang mga kaklase ko sa bundok noon bilang birthday party.

- napatunayang marunong akong lumangoy dahil wala ng ibang paraan para mabuhay nung hinagis ako sa dagat mula sa bangka.

grade V

- sobrang strikto ng teacher, kailangang may dalang bulaklak ang cleaners for the day or else, sabon ang lahat.

- nakaaway ang pinsan ko dahil sa cards napikon, naiyak, may nasira ngunit walang pwedeng gumalaw sa kin

- pinatayo sa harapan ng adviser dahil naging maingay ako at makakaupo lamang kung makakasagot sa tanong niya.

- nawalan kami ng kuryente ng halos isang linggo.

- auntie ko ang science teacher ko kaya simple lang. di dahil kamag-anak ko, dahil sisiw lang ang science.

- naging representative ng level namin

- tinuruang magluto ng toron at ginataang bilo bilo

- natusok ang lalamunan dahil sa maliit na kawayang ginagamit sa panlaban sa mga kaaway..inihihipan ito

- may nakitang isang potensyal na liligawan ngunit nung nalamang gusto ng isang kaibigan, umiwas at nangako na lamang.

- sumikat ang back street boys at westlife

- binayaran kami ng teacher ko para pinturahan ng puti ang kisame sa loob ng dalawang araw..marumi ang naging trabaho at madaming kalat gawa ng roller ang ginamit.. ang masama dahil loko loko ako, napintahan ko ang brown na upuan at pulang bulletin board.. napagsabihan ngunit binayaran ng 200. sobrang laki na nun.

grade VI

- teacher ko sa math ang nanay ko

- isang taon akong sinisingil ng teacher ko sa sining dahil sa project na di ko nagawa di ko tinupad pero may grade pa din

- pinasali sa math quiz bee, nanalo, umabot sa povincial. madaming experiences, coach ko ang nanay ko..nakilala ang ibang mga kaibigan mula sa ibang schools na naging kilala pag ka high school.

- tumakbo sa pagkapresidente ng school, natalo.

- nagulat dahil naging presidente ng isa sa dalawang club sa school at vice naman sa kabila.

- unang nalaman ang chemical component ng tubig

- pinanganak ang bunso namin at napagkamalan kong tiyanak dahil sa mga mata.

- natutong magmotor magisa.. 4 na beses na natumba at 7 beses nakabangga ng kahit ano. Sa niyog sa poste, sa pader, sa puno ng kahoy at iba pa.

Ilan sa mga nagsisimula ng mga araw ko, namin sa paaralang ito ay tuwing flag ceremony, araw-araw na mayroong dance aerobics at ang isa sa ilan ay ang kantang Locomotion. Bawat araw may mga lider sa harapan ng mga pila upang pangunahan ang sayaw. Nakakatawa kung iisipin ko ngayon. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi man lamang ako tumanggi. Tumanggi sa mga bagay na alam kong di tama, di ko gusto. Bakit natatakot ako na bumaba ang grades ko, na bumaba ang pangalan ko sa listahan ng mga nangungunang pupil. Bakit di ako nare-react sa mga kaartehan noong elemntary pa. Pero napagtanto ko din na mas maganda pa nga nung bata pa kami, kasi walang pakialamanan, basta masaya. Kung kelan lumaki, saka lang naging maarte.

high school ( Pandan Bay Institute)

first year

- brutal ang adviser namin

- nanibago sa bagong setting

- 'di ko malilimutan ang humiliation na ginawa ng pinsan ko sa kin ng bigla akong binatukan dahil may pagtingin daw ako sa nililigawan niya.

- pinatakbong senador ngunit di nanalo, isang malaking hakbang kasi ang posisyong iyon.

- naging meyor ng class, siga, sinama sa quizz bee sa malayong lugar..inulan, binagyo..apat na oras ang biyahe papunta sa area. Nasiraan ng tulay.

- nagulat sa tanong ng isang teacher tungkol sa grade ko, kung okay na da iyon sa mga magulang ko

- madaming bagong mukha sa school mula sa iba't-ibang paaralan sa mga barangay..

- nadagdagan ang mga kaibigan at mga kakulitan..si Gerby, si Dandy, at Joey.

- science teacher namin ay tinawag naming godzilla, may movie kasi nun ang godzilla, kasi gumagaw kami ng ero planong papel at iba pang gawa sa papel at naglalaro habang may klase at lalapit ang auntie kong teacher at pinupunit o sinisira ang mga laruang papel namin.

- nagkaroon ng giyera ng papel sa school, tinutumba ang mahahabang mesa upang may bunker para hindi tamaan.

- ilang beses ding pinapunta sa discipline office, absent at violations

- nung foundation day, ginawang palaruan ng basketball at iba pang sugalan ang bakanteng classroom namin.

- nagkaroon ng eye transplant ang bunso namin nung siya ay 6months old.

- sinuntok dahil sinira ko daw ang lantern niya (si joey pancho)..

-five pesos ang baon araw araw.

- di ko makakalimutan ang Vera Mar leadership training. Piniringan kami sa isang night program, and kung saan-saan kami dinala ng mga senior batch. Ang Place of the seminar ay sa isang white sand beach. Sa likod ay isang humungous pile of rocks, may cave, a sanctuary for its owner. Madaming side stories sa seminar na ito. I cried when i knew that my parents were already here after my bros. eye operation. I buried a coconut-made-rosary on the shore, madaming pagkain. Grabriella Maglaoy freaked out when the lights turned off. May phobia siya sa dilim.

second year

- adviser namin ay isang mabait na teacher, na lola ko..

- tumakbo sa eleksiyon at nanalo naman.

- nalamang nakakalasing ang pinaghalong sprite at stork candy.

- nagkaroon ng motorsiklo ang tatay ko..nakapagdrive ng halos buong south expressway..terrains were roads na paikot sa bundok at madami pang bundok

- naging mailap ako sa mga magagandang tao.

- isinama ulit sa quizz bee.

- natalo ang mga seniors sa sports fest at iba pang pakulo. Chess is my game.

- sinama sa isang magandang lugar sa tabi ng dagat para sa isang leadership training, nakilala ko ang ibang higher people at mga ugali nila.

- dumami na talaga ang mga estudyante.

- nagkaroon ng gulo sa room ng may nag away na mga kaklase.

- ilang beses nadadala sa discipline office dahil sa mga violations mainly in tardiness at wearing improper uniform.

- sa unang pagkakataon, naging nagbati na ang mga magulang ko at mga kapatid ng tatay ko sa huling pag kakataon sa paglisan ni lola namin.

- pinaikot ni tuuut ang buhay emosiyon ko sa buong taon na ito. Para akong stalker na laging sinusundan ng tingin. Para akong timang na umuuwi ng sobrang late para lang makita si tuut na may inaantay sa upuan sa harap ng room namin. pinaka espesyal na memory ko sa kanya ay ang pagsandal niya sa dingding, hindi pa makauwi dahil sa sobrang akas ng ulan. Mag isa, tulala, nakatingin sa sahig, malalim ang iniisip, gusto kong lapitan, pero di naman niya ako kilala. Inaamin ko na parang kinokeryente ang buong katawan ko na kapag napadaan siya sa aking paningin. Pero mukha akong tanga noon, walang lakas ng loob. Kaya may kaunting pagsisisi. Sana mapunan ko ang panghihinayang na iyon

third year

- terror chemistry teacher ang adviser namin.

- binuhay ang publication o school paper namin na 'kingke' na sa tagalog ay lampara.

- bago ang director na pari ng school, at strikto

- nabigyan ng pagkakataong maglagay ng isang entry sa school publication namin dahil na rin sa encouragements ng pinsan kong weirdo.

- quizz bee ulit. Ang venue ay sa isang bayan sa bundok. Lahat ay matatalino sa lugar na iyon. Dala-dala ko ang “goodluck” na binigay ni tuuut galing kay tuuuut.

- ako ata ang unang laging buena mano na sinita sa unang araw ng kanyang termino..una, sinita ang sapatos ko, di leather shoes kundi rubber shoes ang suot ko nun..at ang pinkamalala, napagalitan dahil sa bihirang pag kakataon, nahuli ng harap-harapan na nagiingay habang bumisita sa aming klase. napahiya, dahil akala ko joke lang nung may nagsabing tumitingin ang pari, tinawanan ko pa, yun pala totoo.

- nagawa namin sirain ang fuse ng kuryente ng school dahil na short circuit ang radyo namin. Naputol pansamantala ang kuryente ng school, di na tumutunog ang sound system. Malaking problema pag nahuli.na mayroong amplifier, at may dala-dalang 2 component speakers at pinapatugtog sa classroom, habang ang lahat ay abala sa foundation day preparations..buti hindi ako nahuli na may pakana ng lahat..kung nahuli man, di rin ako pa pagalitan ng lolo ko..

- paano kami nakapagpatutog na hindi nasisita? meron kaming look out sa labas ng room habang kami ay abala ng mga bagay bagay sa loob.chess, table tennis(pinagsama ang 2mesa at may nakahandang net at racket), soundtrip, at ligawan.

- nagkaroon kami ng field trip around panay, sa isang mini zoo, sa coke factory, sa capiz, sa mga museo at lumang simbahan at isang kontrobersiyal na biyahe dahil sa hindi maiiwasang pagkakataon.

- dumami pa lalo ang mga kaibigan.

- nagustuhan ang kahit anong superman

- nakasira ako ng isang monoblock chair

- sumikat ang kantang stupid love ng salbakuta

- sa isang excurtion sa paborito kong lugar, ang tilapia ay binibili namin ngunit kami ang mamimingwit nun..matagal ang pamimingwit, ngunit napawi dahil sa tugtog ng salbakut (yeah!)

fourth year

- ahmm, tumakbong president ngunit bumaba sa vice president dahil ganid na ako sa extra culliculars pag ganun pa.nanalo naman

- teacher ng tatay at nanay ko ang adviser namin.

- nabobore ako sa math subject, kaya minsan kapag walang magawa, pumupunta akong canteen sa gitna ng class. May nagigitara.

- pinadala kami sa kabilang bayan para sa isang journalism or writing workshop.. madaming pangyayari, seminar sa matinding bagyo sa bahaing bayan at natutulog sa mga classrooms.

- dahil baha noon, ang mga bench ay ginawang tulay tungo sa covered area kung saan ang seminar, nahulog ako dun, basa, literal na naligo, napahiya na naman. Naging paksa ng ako mga activities like news writing at car tooning.

- nabobore ako sa math subject, kaya minsan kapag walang magawa, pumupunta akong canteen sa gitna ng class. May nagigitara.

- umani din naman ng mga natatanging parangal.

- ang masasayang experiences ay nadagdagan pa nung nasira ang tulay na daanan pauwi sa bayan namin...malawak ang ilog, nasira ang tulay sa lakas ng agos, ngunit, hawak kamay naming tinawid ang ilog kahit hindi posibleng matangay ano mang oras..nadulas ang kasama ko nun, muntik na kaming matangay ng ilog.buti magaling ako..

- isinali ulit sa quizz bee, nadala ng grupo ko ang panagalan ng school sa medyo mataas na level sa loob ng apat na taon.

- pinapili ako ng commander namin kung ano ang gusto kong posisyon sa CAT, humble ako kaya mababang rangko ang pinili ko(kapitan)

- hinirang akong eic ng school paper, di ko alam kung bakit dahil madami namang mas magaling..(setting-gabi sa white beach may pagkain)

- nakipagkompetisyon sa larangan ng pagsusulat sa kabisera, at sa regional..sa huling kompetisyon, naging ma hirap ang lahat dahil mataas ang lagnat ko noon.. walang matinong konsentrasyon, ayaw akong payagan ng mga magulang ko na tumuloy, ngunit alam kong magiging experience yun kaya sa last minuite ng biyahe sumama pa rin ako..

- sa leadership seminar, pinili ako ng searchee bilang sasayaw sa kanya sa isang blind dating game...hawak daliri hindi kamay.

- masugid naming pinlano ang okasyon para sa valentines day.. sa isang dahilan na para sa makasariling intensyon ang lahat ng mga planong binuo ng panahon na iyon..mula sa tema, at ang mga kanta na patutugtugin sa js prom kinagabihan..ako ang kumontrata sa sound system para ako lang din ang masusunod sa mga kantang gusto kong pakikinggan at sayawin.

- kumuha ako ng exam sa la salle dasma para sa kursong nursing..

- nakasama ang isang di inaasahang tao na makikilala sa susunod na apat na taon. hindi ko na maalala sa isang pagtitipon ng mga batang manunulat nagkasama kami.

- nawalan ng ilaw minsan sa lugar na tinutuluyan namin habang nasa kompetisyon at di sinsadyang nahawakan ang kamay ni *tuut* na alam kong wala din naman yun.

- naging madalas ang pagtambay sa dagat o dalampasigan tuwing kabilugan ng buwan.kasama ang iba.

- nauso ang mga kanta ng the calling, creed, at linkin park..jologs days ang a1, bsb at westlife..haha

- di kami kinikibo ng isang malapit na kaibigan, at nung huli nalaman na lang namin na nagalit siya dahil hindi siya nabahaginan ng tinapay na aming binili

- nakasira ng tatlong piraso ng bintana, aksidente, at walang nangahas na magsumbong..(huh!)

- sa year lang na ito naranasan ko na masarap ang buhay highschool.

Ilan sa mga pinagsisihan kong gawin nung highschool ay ang hindi pagenjoy nito nung simula pa lamang. Fourth year na kasi ako nagmamayabang noon. Pressured ako sa mga lessons, di ko alam kung bakit. Habang nagbabalik tanaw ako, narealize ko na sa high school days pala nakapreserve ang mga mgagandang ala-ala. Na masarap balikan, na ang mga crush mo noon ay crush mo pa rin ngayon, na ang gusto ko noon, maaring ikaw na ang gusto ngayon. Halos walang nagbago.

College- De la Salle University- Dasmarinas- HSC

First year:

- isa sa pinakamahirap ang unang pasok ko sa kolehiyo.

- Problema ko ang language barrier kasi hindi ko mabigkas ang salita ng mga tagalog na ayon sa kanilang pagbikas. Ang tangi ko na lang tugon ay yumuko para hindi mapahiya at `wag mapansin.

- Una kong nakilala si Adrian Ryan Bustamante Medina na taga Imus, Cavite. Isa siya sa mga unang lumapit sa akin kasama ng ibang grupo ng kalalakihan, sina, Ryan kalbo, Mark Moreno, Maynard, Benedict Sakay, Louwie Ramos, Marlon Javier, Matthew, at kung may nalimutan man ako, pasensya na..

- Iba-ibang uri ng tao ang nakilala ko, at ilan sa kanila ay naging kaibigan ko at mula sa kanila unti-unti kong sinalo lahat ang mga pangaasar sa kung pano ako magsalita pero natuto din dun.

- Isang malaking issue noon na may ninakaw na cell phone na sa huli`y nalamang kakilala din ang may gawa, nagbati naman ang dalawa.

- Lagi kong problema ang pagkain noon, wala pa kasi akong masyadong alam sa mga lugar doon, kaya tiniis ko ang halos araw araw na noodles at pancit canton.

- Naging malapit na kaibigan ko si Ryan tangkad.

- Ang pangalang pantawag nila sa akin at “luke”, yun kasi ang pantagong pangalan ko na dati ko pa gusto

- Sobrang mahaba ang buhok ko noon na hindi ko ginalaw mula graduation ng highschool hanggang magsimula ang second semester. Sobrang haba na may tumawag sa aking adik(`di ko makakalimutan ang nagsabi sa akin nun`).

- Nagkaroon ng isang raid sa tapat ng bahay namin na tumagal ng tatlong oras na barilan. Talong oras din kaming nakayuko lang at pagapang gapang sa aming bahay na apat na metro lang ang layo sa amin

- May isang babaeng nagpakilala kung sino talaga siya at ano ang kaya niyang gawin. Siya ay si - - - -. Nagulat ako sa ginawa niya, huli ko siyang nakita makalipas ang dalawang taon na paglipat niya.

- Nagkaroon ng pagkakataong tinawag akong daddy.

- Nagamit ko ang matibay na pundasyon ko nung high school sa mga araling pandagdag sa grado.

- Naging kapatid ko si Cresta Camille at kapartner sa biology sa pagsusuri sa naembalsamong palaka

- Dahil ako ay probinsyano, madali namin natalo ang kalaban sa mga paligsahang pinoy.

- Tinukso ako kay Salve

- Natatandaan ko pa ang pangalan ng taong garapalang pinahiya ako. Catherine. Details unnecessary.

- Laging late sa klase na 7am. Pero nabawi ko naman sa mga exam.

- Nagkaroon ng barilan sa hospital ng la salle at may namatay.

- Pumunta kami sa Festival mall para sa isang makahigh school na `bonding`.

- Unang nagkaroon ng bagsak na grade sa Pilipino pa na subject dahil lang sa pagiging late lagi.

- Muntik na akong masuntok ni Ryan kalbo.

- Magsosorry ako kay Cherish Ivy Marasigan na tinawag naming bakla nun (di naman ikaw ang directly pinapatamaan).

- Nalaman ko ang pangalan ng isang crew ng Jollibee sa festival mall ay si “Marie na naging crush ko. Di niya alam na sa paningin niya ko sinelebrate ang birthday ko. Wala kasi akong kasama kaya dun na lang ako pumunta. Di nagtagal, nalamang ko na may boyprend na siya at pagkatapos nun di ko na siya nakikita sa food chain na yun.

- Nagtour sa Enchanted Kingdom. Natatakot na akong sumakay sa Space Shuttle dahil ang grupo namin ay isa sa mga biktima ng aberya ng ride na yun, mga 5mins kaming nakatingin sa langit. Nastocked ang ride at walang nagawa ang mga crew.

- Napakapangit pala ng lasa ng wasabe?

- Hindi namin maintindihan ang proff sa Career Pathing

- Muntik na kaming makadisgrasya sa sasakyan ni Benedict sakay

- Napansin ko ang kapayakan ni Meki, bago pa siya lubhang nakilala.

- Ginawa namin ang isang project tungkol sa mga kuwento noong panahon ng mga Hapon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makaikot sa Cavite upang mag-interview.

- Napamahal sa akin ang aso sa bahay naming na si Tuesday. Ang selosang pitbull na sa babae lamang kumakahol!

- Naligaw sa divisoria dahil naiwan ako ng barko pauwi sa amin. Wala lang sa akin yun pero sa pamilya ko at sa taong sumundo sa akin nagiging big deal. Big joke.

- Isa sa mga pinakamahirap ang pagiging first year sa University ng mga mayayaman at social. Dahil hindi ako nabibilang sa kanila. Nagkataon lang na nabiyayaan ako. Lahat kasi ay bago, at hindi ko nakasanayan. Pero magpapasamalat ako sa lahat ng nagpahiya sa akin, kung di dahil sa inyo, lalo pa siguro akong napapahiya ngayon. At sa mga naging kaibigan ko hanggang ngayon. Kina Sally, Liza, si Joyce na hindi na namin nakita, si Lhen na anak ng isang PSG, si Dave na umahon sa aking grado sa Pilipino, si CJ, si Hannah, ang guro na pumuri sa mga sinusulat ko, sa guro ko na ginawa akong bading,

Second year:

- Bigalang nadissolve ang section 10 namin, at wala ako doon upang ayusin kung saan ako malilipat. Mabuti na lamang nandun si Ryan upang pagsama-samahin kami sa iisang section na magiging pabor sa aming lahat.

- Hindi na nakita si Marlon, Mark Moreno at iba pa sa paaralan.

- Naging bukas sa mga bagong salta ang mga bagong kaklase namin.

- Ilan sa mga unang nakilala at nagpakilala at si Margaux, Mark Lester, Keo, Rongie, Ronnie, Cyrus, Merlody Mines, Mary Kristine, Kendi, Arriane, Mitch, Dianne, Cindy, Josie, Welar, at napakadami pang iba, dahil open nag sila sa amin.

- Nasira ko ang deltoid ng mummy na pinagaaralan namin sa anatomy, sinuntok ni Cyrus sa balikta ko.

- Masarap sa P.E. swimming, parang outing lang.

- Di makakalimutan ang Chicago na napanalunan namin ng unang parangal sa kabila ng lahat ng paghihirap. Gumawa kami ng rehas na pumalpak sa huli.

- Community sa Naic, malapit sa mga lolo ni Ryan. Sa isang ressetlement area, mabait ang mga foster parent ko na si tatay ay mangingisda, at si nanay naman ay housewife. nakilala ng kaunti sa lugar na iyon dahil halos lahat ay mga galing Bisaya. Masaya ang bawat oras sa community exposure, mababait ang mga proff, at sinuportahan ako ng foster Family ko sa mga kakailangin namin.

- Nagpuyat sa paggawa ng mga side requirements para sa community.

- Nauuso ang mga kanta ng Spongecola. Lunes, Jeepney, Dragonfly, Una

- Nakilala ko si tuuut, na napapautal ako kapag nakakausap siya.

- Di ko malilimutan si Mines mines, na Walking Buddy ko. Lagi kaming magkasama sa paguwi sa aming tinitirhan. Kasi sa dami ng mga pinaguusapan, hinahatid ko na lang sa kanilang bahay para matapos lang ang usapan.

- Nagkaroon ng swimming outing sa Volets Resort. Buong araw ang okasyon, naging masaya ang mga sandali.

- Madami ang mga nagpahayag ng pagibig nung Valentines day.

- Ang pagda-dub ng ng movie ni Keanu Reeves na Speed 2.

- Nanalo kami ng mga pinsan ko sa agawang biik.

- Sa unang pagkakataon, sumayaw ako sa isang kasiyahan. Sa pagtatapos ng Nurses Week.

- Ginawa ang SM Dasma.

- Ginagawa ang dorm noon ng HSC.,

- P.E basketball, masaya, parang laro lang kami lagi, red team kami. Kasama ko si Keo, pero, hindi namin nakalaban ang team nina tuut.

- RLE subjects ang hirap, mga return demo, pamatay.

- Napakasimple lang ng invention namin sa STS, di gaya ng gawa ni Louwie, complex, pero realistic. Ang sa amin, isang malaking band aid lang, na mayroon daw mga extract mula sa regenerating cells mula sa mga amphibians at reptiles. Mas mabilis ang healing, walang scar, and may prototype na pwedeng i-regenerate ang na-amputate na body part.

- Mga bagong kakalase sina MJ, Bianca, at Marla.

- Sarap matulog sa English 2 subject, nakaupo lang kasi kami sa carpeted na sahig. May tv pa sa camera room.

- Nanganak si Tuesday ng limang mga “pitbelles” na inalagaan namin. Binigyan sila ng isang bahay na para sa tao. Ngunit walang nabuhay sa mga tuta. Nakakalungkot.

- Kumuha ako ng battery exam na biinagsak ko. 75 ang passing grade, 74.76 ang nakuha ko.

- Nawala ang cellphone ko.huhuhu.

- Naexempt sa final exam ng REED at Computer. Malaking tulong iyon para mas may time magreview sa major subjects.

- Hindi man lamang ako nakapagpaalam kay tuut na lilipat na ako ng school.

- Pinakilala si Diana May sa akin ng mga tropa niya na mga kaklase ko.

- Dahil nasemplang ako sa motorsiklo, bumalik ako sa La Salle na madaming gasgas sa katawan. Ang unang nakakita noon ay si Dianne. Pumapasok ako sa eskwelahan ng La Salle na nakatsinelas lamang. Ilang beses akong sinita ng mga guwardia. Pero sa basketball lang ako nakapagsapatos kahit may sugat ang paa ko dahil gusto kong maglaro.

- Gumawa kami ng yerba buena cream.

- Masaya sa physics subjects. Lalo na sa laboratory. Dahil mahal kami ni “Coach Ansai

- Nalampasan ko ang Micro Para na kamuntikan ng bumagsak.

- Hindi ganoon ka kulay ang mga oras sa year na ito. Walang inspirasyon na nagpapataas sa antas ng aking pagsisikap. Umiikot lang kasi ang buhay ko sa mga araw na ito dahil sa mga mata ko. Sa mga matang kay tuut lamang nakatingin. Na minsan na rin akong napuna ng isang kaklase dahil masyado daw halata na lagi akong tumitingin kay tuuut. Pero hindi ko maiwasan, ang sisi ay kay tuut dahil nagagawa niya akong ganito. At sa pagiging adik sa Smallville dahil kay Kristin Kreuk na halos kamukha niya, nararamdaman ko pa ding umiikot ang mundo ko. Isang malaking pagsubok din ang paglipat ko ng school, pero hindi ko iyoon pagsisishan dahil sa mga susunod na mas magandang mga kwento at iba pa.

College - University of Perpetual Help System – Biñan

Summer and Third Year:

- Hindi madali ang paglipat sa School na ito

- Hindi ko alam ang mga dapat gawin dahil sa malaking kabiguan na nagawa ko. Buti tinulungan ako ng tiyuhin ko sa pagaasikaso ng mga kailangang gawin.

- Kumuha ako ng battery exam nila at entrance exam nila. Napasa ko. Nawala nila ang result ng exam ko. Kinabukasan nakita ko ang exam ko na may pangalan ko ngunit hindi ko sulat kamay. Maanumalya agad.

- Hindi ko malilimutan ang napakabait na C.I. na si Mrs. Lavadia.

- Una kong nakilala ang mga babae ko sa perps sina Diana May at Josefin Camille. Si Dmay, nagulat na lamang kami sa isa’t isa dahil pinakilala na kami ng mga classmate ko sa bawat isa. Si Camille at Dmay ay magkaibigan. Sila ang unang nakilala ko. Mga minahal ko silang lahat. Sa unang pagkikitang iyon, ipinangako namin na aahon ulit kami, at magtutulunang kami. Kung hindi dahil sa kanila, siguro iba ako ngayon.

- Sabay-sabay kaming humabol sa mga grades. Isang linggo kasi akong delayed sa klase. Ang unang grade ko sa school na iyon ay 69%, napakababa at mahirap habulin. Lalo na sa unang araw namin, may mga quizz agad na at wala kaming alam, kahit ang mismong tinatanong.

- Nakaahon ako sa mga bagsak na grades ko. Nakayanan namin. Hindi ako makapaniwala. Pero nagawa ko.

- May minor subject kami na BioChemistry na sobrang hindi ko alam ang mga sinasabi ng prof. lahat kami dito mga irregulars. Kaya, halo-halo ang mga ugali, iba*t-ibang grupo. Kopyahan, tulungan. Sa subject na ito una kong nakilala si Johnellen na magbabago ng buhay ko. Dahil nakuha ko agad ang cellphone number niya, parang magkaibigan na agad kami. Di ko din alam kung bakit ko ginawa yun.

- Habang nageenroll para sa first sem, nilapitan ako ni Arverino(arvie) kasama ang girlfriend niya na si Eileen (gf dati). Kinausap ako dahil ang alam niya, ang mga nakakasabay niya sa pageenroll ay magiging kaklase niya. Ganun nga ang nagyari, magkasama ulit kami ni Dmay ngunit hindi na namin kaklase si Camille. At Si Johnellen, nagkita ulit kamil.

- Nagkataong magkagrupo kami nina Arvie, Ayi, Beverly, Aiza, Rogee, Edna, Katharine, Maricel, Glenn, Jha, at si Roy.

- Sa unang mga araw sa klase, nagkaroon agad ng mga di pagkakaunawaan.

- Nakilala ko sina Keith, Allan Dexter, Randy, Paul, Ryan, Jandy, Charles at iba pa. nagkayayaan na magbabasketball. Doon nagsimula ang mga pagkakataong magkakasama kaming naglalaro kung saan saan.

- Tinawag akong daddy

- Partner ko si Bianca sa return demo ng paiinjection. Naawa ako sa kanya dahil alam kong mabigat ang kamay ko at siya sobrang gaan na hindi man lamang ako nasaktan sa IntraDermal. Plus may Dunkin Donut pa ako.

- Unang exposure namin ay sa base hospital. Marami din kaming nagpuntahang mga hospital; Fort Boni, Lung Center, East Avenue, Provincial Hospital ng Laguna, Cabuyao (di ko makakalimutan), at iba pa.

- Masaya ang bawat biyahe sa van. Maliban sa mga sakay sa bus

- Masarap ang duty sa National Center for Mental Health. Catatonic Schiz ang case ng patient ko. Challenging ang gumawa ng isang therapeutic communication. Kailangang labagin ang mga batayan para sa mas epektibong pagkokomunikasyon.

- Kabirthday ko ang patient ko sa pavillion 35- Forensic ward. Lugar ng may mga kaso.

- Inikot namin ang halos NCMH. Nakapagobserve kami ng ECT na ginawa sa mga patient with hopefull families. Worst experience in the nursing field, dito ko naranasan.

- Madami akong nagawang kapalpakan sa duty.

- Dumayo kami sa Cabuyao para lang magbasketball at pagkatapos ay kakain sa Tuding’s.

- Nagcommunity kami sa Cabuyao din. Mahirap ang pagsagawa ng mga requirements, puyatan, walang tulugan, lalo na kung ikaw ang taga lay out ng paper works. Sa ilalim ng guro nami na si mRs. Pioquinto, nagsimula ang pagunawa na ang paggawa ng Community Diagnosis ay hindi biro. Pero gusto ko ang ginagawa ko.

- Madaming pagsubok ang dumaan sa amin. Sa akin, kinaya ko dahil alam kong may pinaglalaanan ako.

- Mabait ang adviser namin

- Mabait din sina nanay Era at ate Weng sa kainan sa likod ng School. Masarap lagi ang mga luto nila.

- Masaya ang mga sandali kapag kasama si Bianca.

- Naimbitahan sa isang resort ng isang kaklase sa Batangas. Maganda ang lugar nila may privacy. Mahal na mahal ko ang tubig, kaya inabuso ko ang pagkakataon sa pool. Maganda sa lugar nila Roniza. Kasama ko sina Candice, Dmay, Randy at Kit.

- Binigyan ako ni Bianca ng hinahanap-hanap kong body bag. At naging magBestfriend.

- Niregaluhan ako ni Bianca ng pinakagusto ko sa buong buhay ko. Natunaw ako ng sinabi niyang tutulungan niya ako para magkaroon ng pinakagusto kong materyal na hilig. Kaya pansamantala daw, laruan muna. At isang sumbrero. Umiyak siya sa kaarwan ko, pero hindi dahil sa dalandan lang ang handa ko sa kaarawan ko. Siguro dahil wala akong kwenta. Sa araw na ito nalaman kong pwedeng lagyan ng asin ang dalandan.

- Sumikat ang bandang Hale.

- Nagkaroon ng gig ang Mojofly sa school. Nanood kami. Muntik lang ako mapaaway dahil may mga lasing na kumakalabit sa akin, at kay Bianca. Dahil, madami sila, umuwi na lamang kami ni Bianca. Ayoko ng gulo.

- Umikot sa Orthopedic Centre.

- Sa pelikulang Sassy Girl ng mga Koreano, una kong naranasan ang hindi mabibiling kaligayan. Isang pangyayari na inaamin kong isa sa pinakamasayang pangyayari.

- Pinagtatawanan ako ni Bianca dahil sa mga kapalpakan ko. Tinulungan niya akong ayusin ang mga kahihiyan ko.

- Inaamin ko na umikot ang buhay ko sa buong third year college life ko kay Bianca. Isang pagsubok ang hayaan ang sarili ko na umikot lang sa buhay niya. Pero hindi ko alam kung bakit nagiging matatag ako tuwing may namumuong problema. Inaamin ko din na ang ginagawa ko ay mali, di ko masisisi ang mga tao, di ko rin masisisi ang sarili ko at si Bianca. Ang lagi ko kasing iniisip, hindi lang napapanahon. Pero, dahil hindi ko hawak ang mga saloobin niya, tuluyan na rin naglaho ang lahat. Dahil doon, namiss ko ang baked mac, ang mango float, ang spaghetti, toothbrush, ang lahat. Mahirap, pero natutuwa ako dahil lahat ng mga ginagawa ko ay totoo. Kahit siya hindi minsan. Sa dami ng pagsubok na dumaan, ngayon lang ako hindi nanalo.

Summer and Fourth Year:

- Sobrang hindi maganda ang bungad sa panahong ito. Lahat ay hindi maganda.

- Hindi ko maiiwasang hindi gumawa ng reaksiyon sa mga nangyayari.

- Away. Higpit. Eksena. Sulot. Siraan. Lamig. Wala.

- Hindi ako makapaniwalang sa Sta. Cruz , Laguna pa din kami magdu-duty.

- Sinimulan ang paghahanda para sa thesis.

- Madaming problemang dumating sa pamilya.

- Bawat sandali; galit, awa, kutya, sira, away.

- Nag-iba na ang lahat. Nakakapanibago.

- Parang nahati ang RLE group dahil sa mga kalayaang natamo. Dito nagsimula ang munting “bonding” naming mga barako.

- Umikot kami sa Cardinal Santos Hospital. Nagkaroon ng pagkakatong silayan ang mga modernong mga instrumento sa larangan ng kalusugan. Isa sa mga sopistikadong pinagmamalaki ng ospital na iyon ay ang Gamma Knife machine nila. Di na kasi kailangang magsagawa ng isang madugong operasyon. Gumagamit lamang ito ng radiation in its concentreted form to treat patients.

- Sa pagsisimula sa fourth year, isa ako sa mga nauna sa lahat. Lahat hindi maganda.

- Ako ang kauna-unahang nahingan ng Incident Report. Pero nililinaw ko na hindi ito batay sa kapabayaan sa aking pasyente o di pagsunod sa mga mahahalagang batayan ng ospital. Isang mahalagang tawag lamang ang aking tinanggap at hindi nagustuhan iyon ng C.I. namin na si MMR Monta. Siguro ginawa niya sa akin iyon para may halimbawa ang lahat.

- Sa pagakakataong ito sa IR ko. Inalukan ako ng moral na suporta ni Bianca. Ngunit hindi din maganda ang reaksiyon ko at wala ding magandang nagyari.

- Nagduty ulit sa Lung Center of the Philippines. Grave shift kaya little work, more talk, untimely sleeping hours, irritating.

- Mabait ang bantay ng patient ko sa akin. At hindi siya naaasar sa mga interview ko. Naging maganda ang pagha-handle ko sa patient ko at sa evaluation ng C.I dahil sa kanya.

- Nakilala ko si Julie Anne sa isang biyahe pauwi sa probinsya. Nagkataon lang na pareho ang sinakyan namin. Naiinis ako noong una dahil siya ang humaharang sa mga dinadaanan ko kasama ang lalaking di pangit. Sa unang pagkilala ko sa kanya, akala ko ang name niya ay Jillian, nagulat ako kasi parang spongecola. She knows my brother more than me. Sa di maiiwasang pagkakataon, hindi maganda ang bungad ng pagkilala ko sa kanya. Dahil loko loko ako. Sa bakasyon ko sa probinsya, masaya tuloy kahit umuulan araw-araw. Siguro, dahil pareho kaming ex-eic, nagkasundo agad? Sa isang biyahe pabalik ng Maynila nagsimula ang lahat.

- Masaya ang Phyro Olympics sa Mall of Asia. Although hindi namin napanood ang unang mga contingents ng kanilang bansa, napanood naman namin ang iba. Masaya, romantic? Oo, romantic, nakita din namin ang ilang classmates ko. Nagkaroon ng anak, naging dadad? Ngiti. Napagalitan nung nakauwi na dahil sobrang late na.

- Review for thge board exam on weekends.

- First time napasama sa peak hours sa mrt from Mandaluyong. Good thing im blessed with such physical advantages, kaya kahit i am far from the holding poles for standing passengers, nagawa ko pa ding labanan ang inertia dahil abot ko ang roof ng MRT with poles so my companion can anchor on me. Masaya ang mga pagkakataon.

- Isang experience din ang trivia machine sa Megamall, madaming tao ang nanonood.

- EK sa alanganing oras. Pero masaya, basa, lamig. May luapit na magsyotang koreano sa min and asked us if they could join us in our cab on the ferris wheel to have a balance on without breakage.

- All of a sudden naging ganito.

- Masaya sa paparty ni July sa pansol sa swimming pool kasama ang ibang mga kaibigan. Bida din si George.

- Thesis writing. Mahirap. Magulo. Mabuti na lamang, medyo maganda ang grupo namin, sa pamumuno ni Rogee.

- During thesis writing, nagkaroon ako ng chance na makausap upang malaman.

- Masaya ang thesis writing. Masaya, madaming pagkain, sarap ng masahe.

- Pinakilala sa akin ni eic ang Silent Sanctuary. Sumisikat din ang Up Dharma Down.

- East Avenue duty. Sobrang hitik sa experience. First serious major operation assissted. First operation assissted without a real RN din dito.

- Pinagbigyan ang hiling ko na tulungan akong pawiin ang kalungkutang madarama kapag nasa biyahe.

- Case Study presentation. Magnanakaw ng tulog at oras sa iba ang study na ito. PPT making, im glad dahil suportado ako ng grupo.

- I was so stupid.

- Graduation Photos, ang pangit ko.

- Madaming requirements for PRC filing ang tinatapos. PRC filing masaya sa pila, may makikilala kang transient friends from other schools. Mabuti na lang natapos namin sa pinakamaikling panahon.

- Sa isang pagkakataon, nakilala ko ang isa babaeng nakapila. Di ko alam kung bakit pero kahit saan ako pumunta sa school, kinakalabit pa din ang mata ko.

- On on of my duties sa hospital. Madami akong nakilala and isa dun ay Ma. Kinnie. Pasyente ko na naging kaibigan. Student din sa school. Med tech. naging friends agad kami. Until now. ito ang tinatawag na perpetual care.

- Hindi maganda ang pagtatapos ko sa college dahil ang fourth year ay puno ng problema. Hindi maganda ang tugon ng taon na ito para sa akin. Masaya ako na natapos ko ang college sa kabila ng ilang kabiguan. Basta, sobrang dami, hindi ako nasatisfied and i want to replenish what i have lost.

1 comment:

Cherish Marasigan-Kong said...

buti nalang at nadiscover ko ito. pinapatawad na kita na tinawag mo kong bakla. hahahaha.