Monday, April 21, 2008

ASSuming

recently habang wala kaming magawa, kinakanta namin ang mga kantang OPM. pinalitan namin ang subject on it's opposite. di naman masama kasi parang ang yabang ng dating like this song "bakit ngayon ka lang". minus the female lyrics

Bakit ngayon lang ako
Bakit ngayon kung kelan ang puso mo'y meron nang laman

ako sana ang 'yong yakap-yakap
Ang aking kamay ang iyong laging hawak
At hindi kanya...

Bakit ngayon lang ako dumating sa buhay mo
Pilit binubuksan ang sarado mo nang puso
ako ba ay nararapat sa iyo?
At siya ba’y dapat mo nang limutin
Nais mong malaman bakit ngayon lang ako dumating


anything

      i am in love again.  and i am getting on to the cool jive.  no more rocks, just smooth.  masarap ang pakiramdam ng isang inlove, lahat ng nakikita ay katangi-tangi.  nagiging chocolate ulit ako.  sana laging ganito.  kahit medyo sad na ako, and it is inivetable because of some reasongs. 






     naging mabait sa akin ang tadhana ngayong araw.  lahat ng oras ang favor ay nasa akin..

Sunday, April 20, 2008

under pressure

wala muna akong ipapaskil sa mga oras na ito dahil hindi kanais-nais ang nararamdaman kong lungkot, takot, at pagsisisi ngayon. patawad sa pag-gawa ng wala, na nakakasira..

Tuesday, April 15, 2008

gusto ko na sanang palitan ang playing song sa blog page na ito, pero gusto ko pa rin pakinggan ang ibig sabihin nito. anyway, naging mahirap para sa akin ang last three days. meron kasi akong clogged nose. it is not easy to talk normally, laging nasal ang tone ng boses ko. pero i am still a positive thinker dahil i find it abnormally nice to say words on its nasal sound. parang mabait na ako.
gumawa ako ng chicken aloha kanina for breakfast. iyon kasi ang special dish ni ate, pero since it was my first to cook that kind of dish, di masyadong masarap.. dahil, inlove ako, gumagawa ako ng entry kahit sobrang mababaw ang dahilan, or it can't attract my reader's attention. gusto ko lang malaman ng mambabasa na kahit anong gawin ko, o ginagawa ko in-love pa din ako. but it does not neccessarily mean that i am in love to whom, it might be to what. like, i love everything that i have done or been doing. so, why not tell things or person i am in love with than things i considered lame for a in loved? hmm, oo nga no? i answered my own quetion. kasi po, may mga bagay na hindi kailangang sabihin. there are things that shouldn't be said directly. kaya nga may blog ako e, so that i can express what i feel in a figurative way as much as possible. it might an act of cowardness. maybe, pero i know that i have my reasons to make everything undirectly said. so iyon. di ko alam kung bakit ko sinasabi to. it seems like i am just reflecting. pero blog ko to. bahala kayo.

ngiti.


 


tsokolate ganyan ka lang lagi ha?

Sunday, April 13, 2008

mga literal

literally;
- wala akong maisip na mangandang i-post ngayon(excluding this)
- wala akong pera
- iisa lang ang tumatakbo sa isip ko (pagod na nga siya eh)
- nakapula ako ngayon, from shirt to shorts
- in-love ako (lagi naman)
- gutom pa ako
- gusto ko lang ayusin ang theme ng blog ko into Silent Sanctuary's Fuschiang Pag-ibig album. na sobrang namiss ko. in love?
- malungkot ako sa mga nangyayari
- tumataba na ulit ako
- i miss my brothers
- nagpapansin lang ako
- mahaba na ang buhok ko
- nakakaya ko pang tiisin.

ngiti

Wednesday, April 9, 2008

chocolate 2 - ang story ng ferrero rocher

      nakakatakot na ang mga nagdaang apat na gabing laging ganito.  tsokolate na naman ang dahilan ng mga ito.  mula ngayon, tsokolate na ang tawag ko sa iyo.  apat na gabi na akong natutunaw sa bawat panaginip na tanging ikaw lamang ang paksa.  nakakatakot, dahil lubhang hindi na nalilimitahan ng aking sarili ang pag-ibig na nadarama ko para sa iyo, kapwa ko tsokolate.  nakakatakot, ang dahilan kasi kung bakit laman ka na lamang lagi ng isang magandang panaginip ay halos buong araw kitang iniisip.  hanggang imahinasyon ka lang.  ang lahat ng mga naiisip ng utak kong nakatuon lamang sa iyo ay ginagawan ng palabas sa entablado ng panaginip.  wari'y totoo, parang totoo, ayaw kong magising, pero ginigising pa rin ako ng reyalidad na hindi ka matutunaw sa palad ko, kundi sa palad ng iba.  natutunaw ako kapag naalala ko kung paano mo ang tingnan.apat na gabing magagandang panaginip, pansamantala, ngunit sobrang masaya.kaya pumapaitaas ang mga salitang ito dahil iyon ang nararamdaman ko.  parang inaangat ang damdamin ko mula sa pagkalunod nito sa baha ng hinagpis at alon ng pag-iisa..kaya kulay tsokolate ulit ang "entry" na ito.  lahat dahil umiibig ako..






      the other night, we watched the PBB teens tv program.  mayroong "kilig" scene doon bout nicole and yosef(ba yun?)  there are four people in the apartment where i am staying.  two boys and two girls.  pero sa napansin ko, kami lang ng pinsan ko ang kinilig(oo, kinilig, wag ka ng kumontra), but the ladies didn't.  it made me curious kung bakit hindi sila masyadong kinilig.  then i realized, maybe in the way the approach was being done.  on that part kasi, it was the girl ang unang lumapit sa lalaki.  tried to talked to him, ask for apology, and others.  cried, then okay na.  siyempre maganda yun for us guys, but not too much for a girl.  maybe that's why.  hindi naman ako kikiligin kung may makikita akong lalaki na gumawa ng lahat para sa girl.  something about gender aspects.






      last night, noong luto na ang nilagang baka na gawa ko, nang nasira ko ang rice cooker that i didn't know how.  after naligo dahil sobrang mainit.  jackie and i made some hmm, rare-chatting.  rare, kasi we talked about how our emotional states have been.  it was a bit more than chatting kasi, nagulat dahil parang two hours ang usapan na iyon.  masaya ako, dahil, nakashare ko si jackie sa mga tinatago ko.  i mean, this is rare dahil sobrang cautious ako kapag kausap ko ang mga tao na ngayon lang ako nakilala.  it was a bit relieving din kasi dahil nga madaming nang sobra sa nararamdaman ko, naishare ko iyon figuratively.  so yun.next time ulit

Saturday, April 5, 2008

chocolate

di naman kailangan na pink lagi ang kulay kapag inlove. a chocolate from ark made me realize that i am inlove. or it's just the chocolate that made me inlove. kaya kulay chocolate din ang font color nito. kaya gumagalaw din ang post na ito. mga dahilan na gusto kong ipahiwatig na ako ay umiibig kahit walang dahilan, kahit isa lang ang dahilan. parang tsokolate akong natutunaw tuwing inaalala ko ang bawat tingin na blanko, at parang ako na lang ang maglalagay ng kahulugan ng pagtitig na iyon. parang nasa dalampasigan ako tuwing sumusunod ang kanyang buhok sa bawat lingon. nakakatakot umibig. dahil lahat gagawin mo para hindi na iyon mawalan sa iyo. lahat kahit ang hindi dapat gawin, ginagagawa. lahat, para sa iniibig, ginagawa ng umiibig para sa pag ibig. tsokolate, nagugustuhan na rin kitang kainin, kahit ayaw ko ng iyong sobrang tamis ngunit habang natutunaw ka sa aking mga daliri bago kita kainin, napagtanto ko na umiibig ako. tsokolateng tumigas sa lamig ng pridyeder ngayon ay natutunaw na sa init na dala ng pag-ibig. cheesy

Friday, April 4, 2008

di ko alam kung ano specifically ang ilalagay sa post ko ngayon. there's just a lot of things that i want to "share". una, since ako lang ang halos walang ginagawa, bunso and bored. taong bahay ako. i cooked anything, kahit di nakakaain, basta taong bahay. cooking. it is not what i am used to with. i remember when i am in vacation in the province. tatay would ask me everytime about out viand for the next meal. i always reply na kahit ano lang. now i know why tatay ask me about sa ulam namin. ang hirap palang magisip ng uulamin. lalo na kung walang nagsa-suggest na gusto nilang kainin. i cooked a lot more than i have to. pero masaya ako kasi nakakain ko naman ang niluluto ko. doing the kitchen works most of the time, nadadama ko na rin ang pagmahal ng bigas at ngayon ng mga karne. mahal!! blame it on the media. if they didn't report the rice shortage, rice businessmen might not thought of increasing their goods. dahil hindi naman ganun ka kulang ang bigas para magtaas agad.
last night, i dreamed of playing basketball. it was expected kasi yun ang nagpapabother sa akin these days. yabang "aside", tuwing umaga coach texts me na umuwi na daw ako. i am feeling the need for me? kaya i am now wanting to go home if there will be just ba chance to go to. people who are close to might say that it will be just a waste of time, that i should prioritize my goals first. but i think when much more closer individuals might know about this, they will agree with me, i guess. kasi, bata pa ako, i always widh that someday i will be part of the league playing for my own fullfillment. ayaw ko ng taga cheer lang. di lang kasi nabibigyan ng chance nun dahil my body cannot stand the game. pero ngayon alam kong kaya ko na.. and i also want to play, dahil gusto ko may makukwento ako sa mga anak ko balang araw about how my adolescent days went. dahil literally, i have much less to share to my offsprings. compared to may tatay telling us too many stories about his younger years. ako wala. wala sa katiting ng sa tatay ko.. kaya yun..
hmmmm, wala na akong masabi. uulitin ko na lang ang lagi kong sinasabi. i am in love, i am always in love. dahil if i am not, papayat ako, i easily lose weight on emo stress than the physical stress.

Monday, March 31, 2008

welcome back ayi- plus "the edna's thanks party plus kitakits

i was in Laguna yesterday. may paparty kasi si ednalyn dahil pumasa siya. despite the distance(yeah), pumunta ako kasi i want to see good old friends too maliban sa food gusto ko din makita ang folks ni edna. i was the first guest there. then came another edna's friend and we were the first to eat. then came, the rest of the people. si kate, na nakita ko na straight ang buhok for the first time on her broad shoulders.. glenn, si kuya glenn i teased. na joker pa din, then came jd, na katerno ang table cloth sa occassion. patre a not so friend friend, and later, si april which made me laughed sarcastically when her tummy camed out. and lastly, sina arvie, ang tanging may trabaho sa mga tao dun, and si ayi, who just came from the U.S.. i missed everyone. masaya, we sang, drunk a bit of alcohol, and ate a lot. a lot. came in late at night nagsiuwian na..natulog na din ako
early in the morning ginising ako ni wyeth, ang cute nephew ni edna nagulat ako kasi ginising ako. i suddenly missed my brothers when he asked me to watch him play his psp. nakakatuwa, he sat beside me while i was still lying. he thought that i couldn't watch him playing, humiga siya sa tiyan ko. natutuwa ako, para akong daddy, i was dearly touched by a 5 year old who barely knows me
dumaan akong perps, missed it kahit papaano, then uwi na ako qc. mahabang biyahe, pero i was satisfied. the only problem today is that i am so damn, lonely. i feel alone, i feel incomplete, i need something, or someone. damn it. damn this

earth hour - my moment hour



while cooking for dinner, naalala ko na on the night of march 29th, at 8pm, is time for the earth"s favor to come in. we turned off our lights kahit lights lang ang hinihingi, we also including the tv set. only a radio and a fan were running. it was quite a nice night, cooking without light(almost done din naman), bathing without light. i have realized many things on a quite 1 hour of that night. it helped me feel a little at ease because i knew that i helped. i helped to lessen the earth's problem, even if i can't do the same to mine. narealize ko din that what my mother does for preserving nature makes her feel this way. the way i felt. masaya. fullfilling. i hope lahat ng tao sa mundo, aware na sa lahat. that a traditional burning of dried leaves to smoke a tree is considered not good today. that if we thought that; why the heck are we doing this since others don't really mind to do, should be reversed. masarap tumira kasama ng kalikasan. nararanasan ko yun. that is why i still want to live in the province. unlike in the city. in our place i am not afraid to breathe in deeply beacuse i know that the air i breathe is cleaner than to my thoughts.

Friday, March 28, 2008

gusto mong magkape?

yesterday, i was surprised by a text message from a former classmate. she asked me if i am in laguna because she wants to invite me for a coffee. i was really surprised dahil if someone might invite me for a coffee joan will be least likely to invite me. i was touch. yeah touch ako. hmmm, napilitan akong maginternet dahil someone asked me about an international artist's name on a movie. nakalimutan ko ang name kaya naginternet pa ako. nahanap ko na. her name is Sophia Myles.

Thursday, March 27, 2008

mga munting istorya na lahat magaganda

isang araw, bigla akong nairita dahil binara ako ng isang tao dahil concern lang ako... so, to at least contain my temper only to myself without letting her(them) know (na alam na siguro), i planned to visit laguna. it was possible the next day. pumunta akong laguna ulit. i was able to have my lunch with ate. pinagbigyan ako sa little favor na hiningi ko. i was really glad. ang tagal nga lang dumating. i was running out of sugar, nanginginig na sa gutom, pero dumating naman.. nakakagulat na entrance sa jollibee(i am always surprised). she didn't know that a gay was staring at me a lot of times before she arrived. a little limited conversation. i teased ate to watch the movie "supahpapalicious" but i think she will not still watch it kahit libre ko na ang lahat.it was an amazing starving afternoon.. then i headed back to the real home. my new cousin was there, so tiny and delicate. i like kids, but i son't trust myself on handling infants. natatakot ako. i fixed some things for two days until i was satisfied that the house looks fine and in order again.
bakit ganun, lagi na lang ako pinapansin ng mga bading, hindi ng mga babae..hehe. kasi inayos ko ang motorcycle ng tito ko, so i went to a cycle parts store. two gays were there, nagpapaayos ng motor nila, when i bought a tube for the tire replacement and looked for a vulcanizing shop. i found one and coincidentally, ryan, who also have his car repaired there. we talked for a while when the "vulcanator" said that the tire i bought will not fit my tire. so i went back again to the store, the lady gave me another size of tube then before i left these two gays asked my name, so sinabi ko ang name ko. i don't want to be rude just because they are gays. but, the replacement i bought didn't fit again, so i went back to the store and the gays laughed and started to ask where i live. i said "malayo", then left. at the shop, upon giving the "vulcanator" the tube i told him na " kuya, kapag mali pa yang gulong na yan, malalaman na ng mga bakla ang number ko" ryan just laughed. so okay na iyon at last.
the next day, hatid sundo ko ang mga pinsan ko to their school. too bad, the day was extremely hotter than me, nangitim pa ako lalo. i went back to quezon city after i heard from the news that pacquiao's motorcade has passed buendia ang quirino. i dropped by ayala and made my self exercised my legs by strolling down at sm and glorietta. on my way home, i don't know what kind of approach will i make. i am still a bit disappointed. but my nickname is really who i am. it was okay afterall in the apartment. again, i looked like mario the plumber in this apartment. the sink was clogged again(di ko na mabilang kung ilang beses ng bumara ang lababo) and my slight obsessive-compulsive behavior made me idle all day. i've done almost nothing. nanghihina ako kapag may masisirang routine sa araw-araw kong ginagawa.
last night i was on a temporary ecstasy. an estimated 6 hour only baguio visit..pero ang pangit, it was a blighted baguio trip. sasama sana ako sa kasama ko sa bahay, except for so many reasons why i shouldn't be. i like to go, after she invited me if i want to go with her. inside, i would like to. but i ellicited some words of not wanting to go, to analyze the "invitor's" opinion. but, considering my boundaries, i made some parameters on going or not going. and the next events says, i will not go. ironically, it was damn hot last night. kahit industrial fan ang meron sa room namin, ang init pa din. siguro it was just a psyshological reaction of the blighted baguio trip. but, because of that, i was able to finish the "dexter" series. something about killings and more on witty analizations.
naku ang haba na, just made a tuna sandwich for merienda kanina. it was amazing, dahil this is my first time to make one. hala, nawili ako, i have to make viand for dinner pa. magugutom na si jackie.haha. kaya eto lang muna for this day. siguro this is enough to fill in my days of being unupdated.

Friday, March 21, 2008

the oathtaking day-and other side stories


ang pinakakahintay na araw ay dumating na. the oath taking day, mahaba ang biyahe from qc to pasay. when i first saw the smx convention center just beside mall of asia, i was really amazed. ang laki, and it is wide. it is a modern gathering center. ang daming tao din. nagulat ako nung may lumapit sa akin na babae and pinned a ribbon on me, she told me that those were for pictures. kukunan daw kami ng official photographer ng prc. i asked kung may bayad, siympre meron daw. and i replied "kung may bayad, siyempre ayaw ko" tinanggakl niya ang ribbon. daming nakawhite. i looked for dmay, then it was wonderful again. nakapgausap na ulit kami after a long time. then, kinausap namin ang mga seat mates namin para di sana boring. but it turned out that they were more noisy than us, kaya parang hindi ako masyadong nakinig sa mga sinasabi ng mga speakers sa ceremony. dmay and i call ourselves soulmates. kasi we were together on everything we surpassed of failed to do. from la salle to perpetual, to nle, to oathtaking.. sa paguwi namin, nakita ko si keo na ntakot bigla ng hinila ko siya. i figured out that he was suddenly firghtened dahil nagkaroon ng resistance when i dragged him..nakakatawang tingnan ang mukha ng danggago..

talk anytime - a sun cellular unlimited call and text for a period of time


on an unxpected travel to ryan's house for a little get together basketball in Cavite, i was with a middle-aged woman on my side. then may tinawagan siya stating something about debts. hindi ako tsismoso but my ears are really sensitive so i got to remember what she said. ang sabi niya, she needs the money na pinahiram niya sa taong kausap niya. that di niya pupuntahan ang lugar ng kausap niya kung di dahil sa pera. ayaw niyang mabigo, na pinagkatiwalaan niya ang kausap niya kaya siya pinautang. sa flow ng conversation, sinabi ata ng kausap niya na tatawag na lang siya ulit baka maubos na ang load ng katabi ko, pero ang nainingil said na okay lang dahil, naka "sun" naman sila, unlicall naman, kaya walang problema. it seemed that the kausap ran out of reasons not to call again because the woman has a sun cellulat phone as her service provider.
this was one of the extremely useful benefits that an unlimited call can do. you are compromised to say yes when you really want to say no.
rerrouting...
on my way to ryan's house, i was in a little eagerness to do something out of longingness. bumaba ako sa isang public place, then change my route to somewhere i used to go late in the evening. i brought something that later on wasn't able to give. dahil i was reminded by own self to know my limitations. siguro di ko dapat sinasabi to, pero this is my blog, my other container for overflowing anything from my subconscious. it was still a nice meeting.

Wednesday, March 12, 2008

the "meet the spartans" day

alam ko na sa march 12 ipapalabas na ang movie na ito. matagal ko ng inantay na mapanood to. di ko lang alam kung sino ang sasama sa akin. my cousin has already watched the movie for free, pa. after partially cleaned the house, there was nothing to do already. "boring" sabi ng kasama ko. kung ako lang, i am not bored, dahil madami naman pwedeng gawin. kaya, pagkatapos marinig ng ilang beses ang salitang "boring" tinapon ang kape sa sahig, at medyo nainsulto ( dahil parang ibig sabihin pati ako ay boring), going out was one of the safest way to do to alleviate boredom, and preserve the civil relationship. pero it wasn't easy. maniwala ka.
from start to end ng movie, tawa ako ng tawa. iba't-ibang uri ng tawa. pilit, natural, pigil, hagikhik, iba iba. kasi naman ang kasama ko, masyadong sentsitive sa mga reactions ko. kasi ganun din ako. kaya may mga pacute na tawa.haha. literally tawa ako ng tawa. lalo na sa blue frame, and sa dance showdown. di ko kasi maisip halimbawa na ganun nga talaga ang mga warriors. plus ang compltely opposite way of greeting a person. the way they walk, of march. lahat. dagdagan pa ng obnoxious na ill-mannered- na nanonood sa likod namin.
sabi ng kasama ko, masakit daw ang panga niya sa kakatawa. sinabi ko na lang na kasalanan niya. di kasi tumatawa lagi, kaya nanibago ang jaw muslces. ako kinabag sa sobrang tawa. puro tawanan, minsan lang to. niliubos ko na. masaya ang kabuuan ng araw kahit ang simula naman ng araw na sumunod ay literal na kabaliktaran..

Sunday, March 9, 2008

inantay ko ang araw na ito. kasi sasabihin ko na ang di ko na kayang itago pa. one of the reasons why i acquire a blog account is for me to say everything specially those things i know i should not be telling anyone personally. since yesterday, gustong-gusto ko ng ilagay sa blog na 'to ang mga gusto kong sabihin. pero aside from it, may mga bagay at events din na mga nangyari. like nagkita na kami ng bestfriend kong si jha, for quite almost a year without seeing her, sobrang namiss ko siya. finally nagkita nga kami. for alittle time nawala kunti ang pagkamiss ko. but i know we have to see each other more often kasi madami pa kaming paguusapan. this is so far the best day since i have been here 9days ago.
so here i am again, sa real deal. medyo mahaba ang kwento na ito. and alam ko na kung sino man ang makakabasa nito might laugh at me. like my pinsan. pero yun, it was only yesterday na hindi ko na kinayang icontain ang nasa isip ko. the one that keeps me stressed out, ang nagpapayat sa akin, ang nagpapangit sa akin. ang reason din why i am having nightmares that happens frequently than before the one that bothers me a lot. more bother some than waiting the nle board result. ang dahilan din kung bakit lahat ng kantang naririnig ko laging sa dahilan na ito ako dinadala. "you're so close, but still a world away" sabi sa kanta ni madonna. kahit you view the phrase literally or figuratively o kahit ano pa, it still fits. i, myself didn't expect that i'll be haunted by my "what if's". after graduating, i vowed that i will answer all my what if's so that on the right time, i will have no regrets or panghihinyangan. ang totoo i am never fixed on my emotions. wala din akong concrete aim kung bakit ko to ipa-publish. gusto ko lang sabihin na sinusubukan na naman ako ng pagkakataon. ang hirap sa sitwasyon na ganito. gusto kong sumigaw na nagiging mahalaga na ang taong hindi ko dapat pahalagahan ng ganito. ayoko talagang natutulala dahil lang sa ganito.
may mga bagay na dapat hayaan na lang talaga na ganun. i feel like i not ready yet. i need to see her again para masasabi ko ang halos lahat. hmm, mukhang sobra na itong sinasabi ko. basta, salamat sa blog na ito. kung wala to, siguro, mamamatay na ako sa bangungot dahil sa katatago ng mga bagay, ng nararamdaman. gusto ko lang ilabas ang iba kasi di ko kayang itago ang lahat. salamat blog ha?
this sensless pero sometimes something like having this stupid idea of publishing craziness helps me a lot. lalo na kung mababasa niya ito. pero i think you don't know kung sino to. but thank you for reading.

and if you know the direct english translation ng "sayang" please let me know.thanks

Friday, March 7, 2008

the post waterfalls adventure (mga rason kaya nagawa ang trek na to)

medyo mahaba ang story about the post waterfalls event.. pero i am still eager to share these;

- madulas ang daan pauwi. we went home following the river's flow. mabato, madulas, i was holding a camera, anticipating any slip offs, di ko mabilang ang times na nadulas ako, kasi di ko tinanggal ang tsinelas ko. i sacrificed ang mga body parts ko wag ang masira ang camera. parang pag-ibig. huh?
- ala tarzan. while tracking down the river to the nearest barrio. we found a a "baging" . matibay yun, tapos makapal, parang 3inches in diameter. isa isang akyatan dun. i took photos, gaya ng nasa friendster ko. nakakatakot lang na umakyat pa much higher dahil pag nahulog ka, lagot ako.
- di siya nagiisa. dahil first time ko na umuwi via the river. nalaman ko na ang waterfalls isn't the only main sourxe of the water in the river(?) kasi isang stream lang ang talon, it is not the main supplier of water.
- i am with 12 high school students. lahat magkaklase. imagine, may pasok pa sila, 12 na estudyante ang umabsent. that is too unbelievable kung concidence lang na umabsent sila at same time. problem is, the nect day, pinagalitan daw sila, and were asked to call their parents.
- the next day. ang sakit ng lahat ng anterior leg muscles ko. from the rectus femoris to the sartorius. still satisfied.

Tuesday, March 4, 2008

the second nature revist

ain't mountain high - ain't no river wide enough (ang waterfalls visit of satisfaction)

uumuulan ng almost three weeks sa probinsya and two days na lamang ang natitirang araw bago ako umalis for Manila. medyo desperate na ako and dapat mapupuntahan ko ang Abilinan Falls before i left our place. i have a pseudo-brother whom i know really likes mountain trekking kaya, niyaya ko siya. i told him to bring along some friends. aakyat kami ng bundok umulan man o bumagyo. the next day, nung umuwi siya galing school, he told me na may mga niyaya daw siya. sabi ko, malakas ang ulan kagabi and until now, umuulan pa din. i thought he was bluffing that 15 of his friends were all willing to come. hala, nagulat ako, kasi alam ko walang magseseryoso na umakyat na ng bundok dahil malakas ang ulan. malambot ang lupa, madulas at baka malalim ang tubig sa ilog.
pero at one o'clock, nasidatingan ang mga estidyante na nakaunigorm pa sa bahay at handa ng umalis. nagult ako and asked them if they are serious, sabi nila oo. i was thrilled, masaya, nakakakaba. we headed to the mountain, crossed two bridges and hike all the way to the top. umaambom. noong nandun na kami sa malapit, we have to slide down the cliff to reach the waterfalls. kasi it is located on the mountain edge, kung gaano kataas ang bundok, so is the waterfalls. i was thrilled again, as well as my companions na bago lang doon. i have visited this place twice but not this desperate. dumating kami sa talon sa taas na bahagi, walang malalanguyan dun kasi ang river bed ay bato. so pagkatapos nagslide pababa, nagslide ulit kami pababa kung saan merong paglalanguyan. it is enourmously high kasi dalawang talon na pinatong sa isa pang falls. kaya dalawang fallses(?)
tumalon sa mga bato, picture-picture, kahit umaabon. my plan before going there was to take photos of me on a semi kung fu training commonly seen on tv. pero di ko magawa iyon sa lower falls kasi malalim ang tubig. kaya while theye were swimming, umakyat ako sa first falls na sa taaf mismo ng lower falls. i was so amazed, kasi ang ganda, kahit nahirapan akong akyatin yun. someone took me some photos. after that, umuwi din kami agad, kasi mahaba ang lalakbayin namin.
sobrang satisfied ako sa ginawa ko ngayong araw. the real adventure, i satisfies me. ito lang kasi ang pinangarap kong gawin noong una ko itong binisita. ang kunan ng picutres and show them to everyone.hehe

Wednesday, February 27, 2008

weekly blog

Everything’s ironic (the NLE result short story climax)

Tatlong magkakasunod na gabi na halos hindi makatulog, masama ang gising. Ilang araw na akong bothered dahil sa anxiety na dala ng pagaantay sa board results. I am a soul in agony na kumukubli sa likod ng mga ngiti na kinacareer kong ginagawa. Naks. Pero tinatawanan lang ako ni tatay ko dahil kahit anong gawin ko daw para pansamantalang kalimutan ang vexation and just enjoy my days, nakikita pa din ang worry sa mukha ko. So, di ko maexplain why i can’t sleep earlier than 3 am. Maliban sa tampo ni Bianca, na di ko akalaing sobrang tampo pala, naiistress ako sa pagaantay. Kaya to alleviate my anxiety, i must face the anxiety-carrier. I bought an internet card even it is expenxive to make myself updated with the results. On the day of feb.21 i woke up quite early kahit kaunti lang ang tulog to look for news, pero wala pa din. Stressing pa din. Later on the afternoon, umalis ang tatay ko papunta sa Bro. niya kasi walang magawa sa bahay, my nanay and bros. were at school. Naglaro muna ako ng all time favorite kong Mario(the tubero) game sa pc before getting myself circulating in the cyber web. Then tumawag si tita cheila ko, the entire house’s perimeter was jamming with my music when she called. She gave the good news that i passed. Di muna ako naniwala because she is fond of bluffing especially on me. Bagets pa kasi eh. Pero totoo daw, tapos sabi ko paki recheck dahil mahirap ang umaasa sa mali. She confirmed it with numbers. I had no one with me sa bahay kaya i don’t know how to release it. siyempre tumalon ako sa tuwa.

What’s ironic was that i cried. Umiyak ako na parang bata na iniwan ng nanay habang existing pa din ang stranger anxiety. Dahil when i failed my first take, i never cried. I am sad, because i failed my family pero di ako umiyak. Pero ngayong pumasa, umiyak ako. Then thoughts of anything from failure to pagsikat.

So try to imagine, you are in your own province, your nanay is a teacher and a member of three society groups, plus you have a barangay wide of family members closely intact, plus a batchmate with sufficient load. Kahit hindi ako nagsasalita kung umaalis ako ng bahay, lahat ng makakasalubong ko na kilala ako, congratulate me. I am happy not because i passed, i am happy because i made my parents proud. Nakakatuwa. Although not all of my friends made it through, masaya pa din ako dahil maaaring may ibang nakalaan para sa kanila na mas maganda kagaya ng sa akin.

But i just don’t give all the credits to my parents to make them proud. Lahat ng ito ay ginawa ng mahal kong tita Sonia, na binigay lahat sa akin na parang anak niya. At to the rest of my titas and tito, kay tito pablo, tita paz at tita che as well to his boyfriend. And i am not ashamed to say that without all my mentors all the way from kinder to college, di ko siguro makukuha ang partial success na ito kung may hindi ako nakilala sa isa sa kanila. Dahil a slight change of the past will change who i am now today. Salamat.

An Ecological Workcamp (part of the series of blessings i received)

Nagkaroon ng isang workcamp seminar sa isang school na malapit sa ilog this weekends. Una, ayaw ko ng ganitong okasyon dahil retired na ako, and i just don’t want to attend. Pero si nanay ko put me as a first aider on the seminar. Pagpunta ko doon, i am not just a first aider, taga buhat, bantay sa registration of participants, kusina boy, equipment boy din ako. Literally all around volunteer ako. Kung hindi lang mga highschool ang mga participants, di talaga ako pupunta. It is a seminar about loving the nature kaya gusto ko din. I am also the photographer, kaya it was really a great opportunity. Hawak ang 7mega pixels na camera, i took photos everwhere and to anyone. Out of six hisghschools, nakita ko ulit ang mga schoolmates ko na teachers na ngayon. Nakinig din ako sa lectures. I helped the only elementary group on some activities. Yun, ganun lang lagi, i shoot everywhere and to anyone. and when the shot wasn't that good izo-zoom ko na lang.

Sayang malakas ang ulan that time kaya hindi natuloy ang rescue training na gagawin sana sa ilog, kaso malakas ang current at umaapaw na ang ilog sa pampang. The lecturers just performed the cpr demo. Alam ko na yun so i just asked questions to clarify myself. Like what if the victim is a hunchback? Nasagot nila, nalinawan ako.

Nagmukha akong bata when i saw a group of 6-9year old kids playing on a mini forest at the back of the program stage. Mukhang masaya, since di pa nagsa-start ang program, pumunta ako dun, i took photos. They were happy kaya friends na agad kami. Di ko alam kung bakit malapit ako sa mga bata at bakit i still like to play kiddie games. sumali ako sa kanila. While the rest of the 100plus teenagers watching us. Wala akong pakialam dahil masaya ako. Pero di ako selfish kaya niyaya ko ang ibang nanonood na sumali, sumali nga, pero natigil agad ang game dahil may umiyak na bata, pinatulan ng isang sumali.

It rained so hard that day kaya ang lamig. At the end of a two day seminar, siningil ako ng pagod kong katawan ng halos buong araw na tulog.

the Maturity Indicator

two weeks ago nararamdaman ko na sumasakit ang panga ko, parang may namamaga or nasuntok. I did not bother kasi baka na tamaan lang sa basketball. Pero it makes me uncomfortable when i eat. Natakot ako lalo ng nagpakilo ulit ako at nalamang limang kilo ang nawala sa kin. Hindi maari to. Until it perpetually became much more uneasy to chew. Narealize ko na tumutubo na ang wisdom tooth ko. Teeth pala. I can still tolerate the pain, mahimbing pa ang tulog ko. Now that i have a set of wise-teeth, mareremind na siguro ako nito na mature na nga ako and i must do what a mature would do. Basta ang target ko ngayon is to compensate the lost 5kgs para bumalik ulit sa dati.

Ang taga ayos na naninira

I live in the province, kung saan may mga kalasadang hindi pa sementado. Antique na ang mga lubak sa kalsada na simula’t sapul andun na. walang hiyang mga opisyal ng gobyerno yan. Ginagawang family business ang pulitika. Ginagawang source of income ang sahod mula sa mga tao at extra profit ang mga nakukurakot. Mga proyektong walang matibay na basehan para gawin, mga usad pagong na projects, mga pagsisinungaling. Mga habol ay kumisyon sa projects. Sila pa itong mayabang, sila pa ang ginagalang, sila din ang naninira. Walang hiyang p%’&* yan. May pumunta na mga truck dito sa amin kahapon, tatlong malalaking truck, aayusin daw nila ang kalsada naming nagiging ilog pagumuulan. Pero ano ang ginawa nila, they just put some gravel, and leveled the street. Now here came the rain, ang kalasada na planadong aayusin, lalong nasira, naging mar rough ang daan. Ultimong pinakamaliit na unit ng public servant kasi, makasarili ang layunin kung bakit nasa posisyon. Ang daming mangagawa sa munisipyo, mga casual na taga linis ng kalsada, traffic enforcer, drayber, at mga taga waste management. Sa umaga lang nagtatrabaho, pagdating ng hapon, wala ng ginagawa. P’$#%* inang taga linis ng bayan yan, kami pa ang kusang nagwawalis ng basketball court para lang makapaglaro kami sa binabahang court habang sila ay parang baklang nagtsitsismisan sa gilid. Kailangan pa bang pagtulungan ang dust pan at walis at basurahan, tig iisa ang hawak? Daig pa kayo ng elementary!

Naiinis ako habang ginagawa ko to. Sa loob ng siyam na taon , walang malaking nagbago sa bayan na ito. Kung meron man, yun ay mga new properties na nakuha nila. Ikaw nga, babiyahe mo ang public car on Sunday, dahil pumunta ka sa inuman. May magdadrive ng firetruck na inararo ang lahat ng madadaan dahil lasin ang driayber but still walang nagyari? Ina nila

3 – pain featuring caimito

Early this morning, ginising ako ng tatay ko para tulungan ko daw siyang buhatin ang pinutol na kahoy ng caimito. Gagawing poste ang mahabang kahoy. Nung bubuhatin ko na ang napakabigat na kahoy na yun, mali ang body mechanics na inapply ko sa pagbuhat. Siguro lampa talaga ako, dahil di ko alam na maabot pala ako ng kahoy na bubuhatin ko. Nagasgasan agad ang mala-papel de liha kong binti, mahapdi, masakit, may mga putik pang kasama. Binaba ko muna ang kahoy at sinabing aguy! (aray!!). tinawanan lang ako ng tatay ko.

Buhat-buhat na namin ang kahoy at nang ibaba na, sa bigat nito at nararamdaman pa din ang hapdi sa binti ko binaba ko agad ang kahoy. Tanga nga ako, dahil di ko tinanggal agad ang kamay ko. Hayun, naipit ang mga darili ko. Masakit ulit, nangitim, at umaray ulit.

Pero ang pinakamalas sa lahat ng dinulot ng kahoy na ito sa kin nung binigyan ako ng pseudo-kiss mark sa dibdib. Habang inaayos ang mga sanga para itapon, binagsak ko ang sanga na yun sa lupa, huli na nung napansin ko na mahaba pala ang sanga ng hinayupak na kahoy na iyon. Parang sinuntok ang dibdib ko ng patulis ng bakla na mahahabang kuko ang ginamit. Masakit ulit, mahapdi, umaray. Natawa ako sa anyo ng sugat at pasa na lumabas, mukhang kiss mark. Hindi lang iyon ang malas. Hindi siguro mangyayari to kung hindi tumama sa mismong butas sa damit ko. Kaya nga tinawag na malas, sa butas talaga ng damit ko bumagsak, o nanuntok, kaya sumakit ang dibdib ko ng ganito, parang iniwan sa ere ng taong mahal mo, pinaasa ka pero sa huli hindi siya ganun sa yo. Di makaganti, dahil talo ka pa din.

3 pain feat. Caimito. Tatlong sakit dulot ng punong ito. Pero hindi ko naman pinansin dahil kung iisipin ko, swerte pa din. Kesa naman saktan ka ng talong beses ng isang tao. Kahit isa nga lang, iisipin ko na lang na kahit i-triple na lang ang binigay ng caimito kesa dito. Drama.

ngirit..

my december

December 30-

Hanggang kelan kaya na ganito lagi? Hindi maganda ang tugon ng pagtatapos ng araw na ito… isang di malilimutang tao ang ayaw manatili sa bawat sistema ng aking katawan.. isang malaking pagbabago ang haharapin ko bukas..isang pagtatapos ng taon na ito na akala ko ay para sa akin. Hindi kailanman magiging isa ang pagkakaibigan at ang isa..hindi sila pwedeng pagsabayin… kaya, kahit sa kahihiyang ito, ang mga susunod na ako ay hindi na siguro ang una, na kahit siguro ako ay mabibigla sa sarili ko….hindi ko inaasahan na mahihirapan ako ng ganito. Siguro ang taon na ito ay hindi talaga para sa akin na ang akala ko ay magiging pabor sa akin. Nagsimula kasi ang taon ko sa isang napakasayang mga tagpo, ngunit hindi rin tumagal. Ngayon, natapos din ito ng hindi kagandahan. Akala ko ba magiging maswerte sa pag-ibig ang mga nilalang na pinanganak sa taon ng mga tigre sa taon ng dagang lupa? At bigla kong naalala na hindi pa pala nagsisimula ang taong ng ldagang lupa, sana ang taon na sasalubong sa akin ay magbibigay ng mga di inaasahang mga bagay na sadyang babago sa mga pananaw ko. side story na lang tuloy ang pagpapaputok ko ng kanyon de kawayan na sobrang lakas ang tunog.

29

3 years na kami ng aking mga peklat at keloids na ang reason din ay ang okasyon sa araw na ito..fiesta sa isang lugar dito sa amin..nagyon araw lang naging maganda ang panahon..namiesta ako sa mga kaibigan at mga kakilala..nakita ko ang mga bathcmates ko sa iba`t- ibang lamesa ng inuman sa magkakaibang bahay..ang ilan ay malaki ang naging pagbabago at kasama ako dun..dahil di naman ako uminom, napagpasyahan naming, pumunta sa isang tahimik na lugar at magpalamig sa ilog..bagong adventure na naman to..pagkatapos ng pagmomotor tungo sa aming pupuntahan, kailangang iwanan ang sasakyan sa tabi ng bukid at kailangang tawirin ang palayan..noong malapit na kami sa ”Manlunggong”(name ng lugar), sumigaw agad si Jackie na parang nasa bukid talaga ang dating dahil sa lakas ng sigaw..di ko talaga akalaing doon pa siya maglalaba ng mga damit..malayo kasi ang bahay nila sa lugar na iyon..hindi ko kailanman matanggihan ang tubig..gusto ko agad lumangoy, pero sadyang napakalakas ng agos ng ilog.sa laki ng pinsan ko, hindi niya pa rin basta bastang kayang ltumayo sa ilog sa opposite na direksyon..masarap at payak ang merienda namin..nilagang saging, pancit canton, kunting chichiria at Pepsi..dahil sadyang malaks ang agos at hindi man lamang ako makalangoy humiga na lang ako sa pampang kung saan may makakapitan akong semento at bato upang hindi ako matangay ng ilog….

Hindi nagtapos ang araw na ito sa fiesta o nature tripping lang.. madami akong nakitang mga tao sa daan at nakipagkwentuhan sa kanila. .may dinaan akong kapamilya na nakalakihan ko..at gulat sila, dahil big boy na daw ako ngayon..hindi ko malilimutan ang araw na ito.. kahit gustuhin ko.

1

Ang “tradisyon” naming magpipinsan at magkakapatid ay nabuhay muli. Pagsapit ng new year, pagkatapos kumain, magkamustahan, umikot kami sakay ng aking traysikel, motor ang ang karagdagang kotse. Ang traysikel ko ang magiging hari ng kalsada sa gabing ito. May dala kaming apat na stereo speakers, isang siren light, at megaphone na may sirena. Maingay at magiging kapansinpansin ang traysikel ko na ako mismo ang magmamaneho dahil wala akong pinagkakatiwalaang magda-drayb nun maliban sa sarili ko. Pasahero ko ang tatlong kapatid ko, si bossing, dalawang batang babaeng pinsan, dalawang binatang pinsan, at dalawang lalaking kapitbahayan na mga highscool pa. kung bibilangin, sampung tao ang nakasakay sa traysikel ko. May dald-dala kaming mga paputok, kwitis at iba pa para lumikha ng ingay sa aming dadaanan. Ang kapatid ko na isa ay sa motor na may angkas din, at ang kotse ng pinsan ko ay may sakay n limang bata. Simula na ng pagiikot sa gabing iyon, maingay ang karaban namin. Ang sirena ang ilaw ang mga busina, mga sigaw, mga pagbati sa mga taong nabulabog sa kagalakan na lumalabas sa kanilang mga bahay. Lahat ang sigaw ay “Happy New Year”. masasabing masaya ang munting parada namin kahit hindi biro ang pagmamani-ubra ng manibela ng traysikel dahil sa dami ng sakay nito. Huminto ang munting karaban sa isang kanto ng isang barangay upang batiin ang mga kaibigan, dating kaklase at mga kaibigan ng mga sakay namin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakapula din silang lahat, halos. Pinatay ang sirena, binuksan ang amplipayer, at pinatugtog ang mga kantang nakakagalak. Ang kanto na iyong ay unti-unting dinadagsa ng mga tao at mga bata, lahat ay sumayaw, pati ako. Ako, di ko nga alam kung bakit, siguro masaya lang, at pansamantala kong kinalimutan ang kalungkutan. Pinalipad ang mga dalang kwitis. Masaya ang pagkakataong iyon, ngunit hindi pa kami nangangalahati sa mga iikutan namin. Kaya patay ang sawnds, andara ng sirena, nagsiakyatan ang mga bumaba at sumayaw, nagpaalam sa mga iiwanan at umalis. Sa pangalawang hinto, ganun din ang nagyari, sa gitna ng haywey. Sumayaw. Nakitagay. May isa pa kaming pupuntahan, ang isang pinsan na nasa malayong barangay. hindi biro ang magiging hamon sa pagda-drayb ng traysikel na may siyam na sakay at ang kalsada na parang mga alon sa isang binabagyong dagat dahil sa mga lubak, at hukay sa lupang kalsada!

Nagsimula na ang maalong biyahe. Mabuti na lamang madami ang mga sakay ko, dahil hindi umaalsa ang unahang bahagi ng sasakyan ko. Sadyang napakahirap ang pagkakataong iyon, ngunit nakarating din kami. Sumayaw ulit, kwentuhan at umuwi na rin, dahil ang mga batang kasama ay inaantok na. sa paguwi, umulan ng malakas, nagiging masaya lalo, naligo na lamang kami sa ulan. Na parang may bagyo at nasa dagat kami, muntik pang bumangga ang traysikel ko sa isang tumpok ng mga lupa sa kalsada. Hindi ko na mapigilan ang atok, pagod at lungkot. Kaya paguwi ko, tulog agad ako. Masaya.

Naligo ulit kami sa pinakamalaking ilog sa bayan namin. Dahil katatapos lamang ng tag-ulan, sadyang, malinis ang ilog. Ngunit ang agos naman nito ay hindi biro. Hindi ko magawang lumangoy upang tawirin ang ilog tungo sa kabilang pampang dahil sa lakas ng agos nito. Malalim ang ilog ngayon, umabot sa di dapat aabutan. Sa sobrang lakas ng agos, nagkakaroon ng parang “Whirpool” o ipo-ipo sa ilog. Sinubukan kung tumalon sa Diving Board ngunit patagilid ang talon ko.. ng ako ay nasa tubig na, nararamdaman kong hinihila ako ng ilog tungo sa gitna at isasama sa agos. Di ko kakayanin ang lakas ng agos, pero dahil lahat ay kaya kong gawin, sisiw lang ang mga iyon.

Jan 29.

Sinalubong ko ang araw na ito na may black eye sa kanang mata na natamaan ng kamay kahapon habang naglalaro kami ng Basketball. Wala akong maisip na gawin ngayong araw na ito, kaya napagpasyahan ko na bisitahin ang lolo ko sa kanila sa kabilang bayan. Pagdating ko sa kanilang bahay, wala doon ang lolo ko. Alam kong nasa bundok siya sa kubo niya na inaalagaan ang mga manok niya. Gusto ko rin ang pagkakataong ito dahil obligado akong aakyat ng bundok na huli kong napuntahan limang taon na ang nakakalipas. Dala-dala ang Digicam, itak, at kutsilyo umalis ako ng bahay upang tahakin ang mahigit isang oras na lakad paakyat ng bundok. Medyo takot ako dahil matagal ko na akong hindi nakakapunta sa kubo sa bundok, baka binago na ang daanan, at baka may makasalubong ako na mga mababangis na hayop (sana may taong lobo din). Siyempre bago makarating sa bundok, madadaanan muna ang ricefield. Nakakita agad ako ng isang bayawak, nagulat ako. Habang malapit na ako sa paanan ng bundok, napansin ko agad na masukal na ang nilalakaran ko. Nung aakyat na sana ako sa laging dinadaanan ko noon, hindi ko na makita ang daan, wala ng daan. Lalong akong pinawisan.

Lumakad pa ako ng kaunti at may nakita akong isang daanan, doon ako nagsimulang akyatin na ang bundok . habang tinatahak ang daan na iyon, nagugunita ko na ang daan pa na iyon ay ang gumuhong bahagi ng bundok na ginawan ng daan. Ang Trek na tinatahak ko ang siyang dinaan namin noong sampung taong gulang pa lamang kami. Naligaw din kami noong panahon na iyon. nakakabuntong hininga ang tanawin mula sa itaas. Ang ilog ang bukid ang mga bahay, nakikita ko mula sa taas. Nagulat ako ng may sapot ng gagambang kasing laki ng tatlong daliring pinagdikit-dikit. Doon ko napatunayan na hindi nga dinadaanan ang lugar na ito, dahil dapat wala ito kung nauna na ang lolo ko. Malapit na ako sa kubo, ngunit habang naglalakad patungo doon, hindi ko matanaw ang bubong nito na ang alam ko ay dapat kitang-kita na. nagulantang ako ng makitang mga haligi na lamang ng kubo ang nandun, wala na ang kubo, wala na. hindi ko alam kung nasaan, imposibleng walang kubo sa bundok. Kumuha muna ako ng mga litrato at tinahak ang ibang daan. Ang mas masukal na daan, sa dulo noon ay bukid na sa gitna ng mga bundok. Nakita ko ang aso ni lolo, pagkatapos si lolo. Siyempre natuwa ako dahil nahanap ko din si lolo. At mula doon, natanaw ko agad ang bagong kubo na tinayo sa kabilang bahagi ng bukid, mas maganda, mas malaki, mas strategic para makita ang buong lawak ng bukid. Maganda doon, dahil sa likod ng kubo, ay makikita agad ang dagat. Kumuha ako ng mga litrato. Hinipan ang “budyong” na ginagawang pantawag sa mga tao sa kabilang bundok para pumunta sa kubo. Minsan hinipan ko din ito para tawagin sila para kumain na, magpahing na kapag may ginagawa sa bukid.

Bumaba na kami ng bundok, hapon na ng mga oras na iyon, kailangan kong humabol sa oras upang maabutan ang paglubog ng araw sa dagat. Nakuhaan ko ng litrato ang araw, ang ganda ng paligid na kilakihan ko. Inakyat ko ang mga malalaking bato. Wala akong masabi sa mga nakikita ko dahil hindi naman ako nagsasawa sa mga larawan na pinapakita sa akin. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Dahil ito lamang ang pinakamalaking nangyai sa buwan na ito. Sa buong maghapon, naging taong bundok at taong dagat ako. Nakasama ko ang lolo ko na sana kamukha ko.