Thursday, October 2, 2008

deadliest acronyms


when i was reviewing in sm manila october to december last year, i always noticed these signs on the walls, streets and completely anywhere along manila. ang sabi:

L : Linisin
I : Ikarangal ang
M : Maynila

obviuosly the first letters top-bottom reads LIM, ang bumalik na bagong luma na mayor ng maynila. i don't know where and when the trend of using a politicians monicker or last name started. pero para sa mga taong masa, politcian's career-handlers might have thought that this might be effective in increasing their client's karisma. their names spell out for public service, for public's welfare. ass.

wala naman sanang problema dun, pero sa mga napapansin ko, almost anywhere i look, i can see government vehicles, buildings and gatherings, i can see a politicain's name worded out. paano kung mahaba ang pangalan ng isang pulitiko, sasabay pa rin ba siya sa trend kahit halatang pilit na ang ginawa nila? may nakita akong isa. dahil siguro walang maisip na magandang acronym sa letter ng apelyido niya, nilagay iyon sa gitna ng isang word. mababasa mo pa din dahil highlighted and letter na meron sa name niya. pilit. asar, corny. teka, what if kung ako ay isang pulitiko, ano kaya ang pwedeng acronymn (impromptu 'to):

K: Kasipagan
A: ang
I: isipin
N: ang ang
E: economy

D: 'di
I: iiyak
O: or
R: reduced

damn! corny na naman ako.pero alam ko may tatawa pa din kahit pilit. there, you have it, what if you were my most hated politician, ano ang ibig sabihin ng pangalan mo in the name of public service?

paano kaya kung si Maria Isshelle Bibyshelle Madrigal (hi,isshy!))o di kaya si Michael Martin Robert Monta (hi, sir!)ay nanalo sa isang posisiyon sa gobyerno? sasabay pa rin kaya sila sa trend na ito?

Saturday, September 27, 2008

dutdutan

i saw a billboard when i was on my way to lucille's. and the "astig" non-jologs event is entitiled "dutdutan 2008".. astig, sabi ko. which reminds me also that this coming week and on, i will be busy in dutdutan sa computer.typing, senseless blogs..lapit na. when i have my routine back, babalik na ako sa dati.

Wednesday, September 17, 2008

ang first word ni baby

baby pa si julian(pinakabunsong pinsan ko) at di pa siya nagsalita ng isang word since birth. his ninang-yaya is always with him the entire day even at sleep. the problem is that, hindi kinakausap masyado ng ninang-yaya si julian. that is why julian haven't spoke a word yet. my tita told ninang-yaya to say something when she's carrying julian. text kasi ng text, at talo pa ako sa number of calls answered sa isang araw. sabi ni tita, baka mamaya, ang first word/s ni julian ay, "d2 n me,sn n u?" dahil text ng text si ninang-yaya.

which reminds of me of a gossipoleginic experience on a certain day. binyag noon ni julian. pupunta akong labas para kunin ang inorder na litsons baboy. habang nasa tricycle at dahil linggo, day-off ng mga kasambahay may umangkas na babae sa tabi ko habang may kausap sa selpon niya. hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila ng kausap niya. ikaw ba naman ang nakaspeaker phone at ginawang walkie-talkie ang cellular phone. the woman said(in a bisaya tone):

babae: pupunta kami ngayon sa sm
kausap(lalaki): ah!, sige kita na lang tayo dun.
babae: sige mamaya na lang, nasa tricycle na ME eh!
lalaki: ah, nakasakay na pala YOU?

as you can see(through reading but it really came from what i've heard)unti-unti nang nawawala ang proper communiocation using text-book words and sentence structuring. buti na lang ako tulad nila.

it's your trust that i need


damn! urbandub has made me so emoitional eversince. it gives me a reason to be emotional again. i found this song from their album under southern green lights. and this song " an invitation" breaks. i don't love a song if not for it's lyrics.just click to play.AnInvitation-Urbandub


Meet me after dark
We'll go against the weather
We'll fight, well they can't decide for us
Their minds are cynical
Their ordinary eyes can't see through it all.

Don't be afraid cuz I'm here
Meet me half-way, I got you now
I got you now.

Cuz when we go just so you know
I'll be right here to carry you
Erase the traces
Restart everything, everything new
With wounds to mend
Hearts break but it can rebuild again.

It's safe to let go I; m right here with you
It's you trust that I need to believe
That I'm not in this thing alone
Would you run away with me if I'ts tonight?
Leave everything behind
Come on, come on.

I got you now.

Tuesday, September 9, 2008

sa wakas! may silent sanctuary song na bagay




gustong-gusto ko ang mga kanta ng silent sanctuary and other songs for the hopeless romantic and other sad situations about emotions.but since tsokolate came. hindi ko na naappreciate ang mga slow songs. sumusunod na ang tapik-tapik ng mga daliri ko at mga padyak-padyak ng mga paa ko sa mga hip-hop and r n b songs. halos buong buhay ko hindi ko kinahiligan ang mga masasayang mga kanta.ngayon lamang. hindi ko maikanta ang mga kantang hindi naman sumasalamin kahit kaunti sa kung anong buhay ako ngayon. pero nung napanood ko sa tv ang kanta na ito ng silenct sanctuary, masaya ako at eto agad ang ginawa ko.para kay tsokolate.

pero gusto ko pa din ang paramore's that's what you get...

paunti-unti

aayusin ko na ulit ang buhay ko unti-unti halintulad sa unti-unting pagbabago ng blogspot ko na ito.paunti-unti.

Wednesday, August 13, 2008

pa-raya ta? (raya=bukid)

gusto ko talaga ipost ang isang katangahan na ginawa ko habang nasa raya ako. natapos ko na ang filling ko sa dfa so i dropped by ating's pad. siguro napagod ako sa pagpipila ko sa dfa, sa init at sa lahat, parang tulala akong naglalakad tungo sa elevator paakyat. when the elevator door opened, i walked out and opened the screen door. picked the keys on my pocket and opened the lock. i was surprised to know that there was no lock to be opened. i looked for the room nunmber and napahiya akong umatras at pumunta sa kabila. buti na lang walang nakatira sa room na yun, dahil kung hindi mapapahiya ako.


isa lang yun sa mga nakita ko sa raya. a construction worker was pushed away by the strong electric shock which nearly brng him to his death. he was on the roof, 3storeys high. mabuti na lamang habang gumugulong siya sa bubong napigilan siya ng gutter. kung hindi pa kinakabit ang gutter, he would fell and lost his life.


i finally get acquainted to some of our neighbors there. it is through basketball. mabuti na lamang at least may mga kilala na ako.

blogspot ko, i hope nauplift kita.salamat sa iyo

getting up

hello blog, it has been while since i put something on you that make my world literally change and the once oppressed seemed rejoicing (alam mo kung sino ka. you have just prove me that i am irresistable.huh!) that is why i want to lift your mood up as possible as i can. okay, after the last entry these things have happened. a little lighter this time.

i want to share my own DFA passport filling experience when i read keo's blog about his unfortunate filling experience. mine wasn't bad. i went to dfa on the afternoon so that only few fall in line for making an appointement. then the day i was assigned to go back, it was quick as well. nakita ko pa si doodle dun. yup, si drindle na classmate ko nung first year college, ka-subdivision, kaibigan. i barely recognized her because it has been a long time and since i've seen her and she had put on her make up that day. but when i was walking to ix some of my requirements, she called me and yun, kunting usap lang. then, habang nasa pila, i instantly chat on my seatmates, about passports and working abroad. on the last part of the filling. eto ang nakakatawa.

the personnel who attended my transactions is annoying, i thought she was annoying. she did not speak a word. kahit na three times akong pumirma, at nagpa-thumbmark. its either madiin ang thumb marks ko or sobrang light. the next thing i know. they were mute pala. when i left i saw her talk to her seat mate in hand gestures. the process was so swift it just took me nearly two hours.

i tour around alabang's cybergates but found nothing's plausible. kaya it is time for me to roam around makati. speaking of makati. did you know that out of outraging eagerness to make some bragging experience. i walked the entire length of the magallanes-ayala mrt toute. beside the wall of dasmariƱas village from mantrade to landmark, i used my feet. i was like a taong grasa eating a 10peso serving of freind peanuts. i did it just for self satisfaction.

Saturday, August 2, 2008

all eyes on me. eyes that are not so convincing anymore

recently and at present everything's not doing well. now, i realize that it is never easy to be a local celebrity. with every gossip, every accusations, every humiliation, it was never easy, and i am not used to it yet. but unlike real artists, they get money for their interviews and every contoversial questions thrown into them. but, in our case, there is money money involve.

sabi nga ng mga artista na natsitsismis kapag nagsalita sila dahil pakiramdam nila personal na ang mga binabato sa kanya. okay lang daw na intrigahin sila ng mga gossippers, wag lang idamay ang family. dahil pag family na ang apektado, lalaban na sila. same goes on me, i never reacted on every gossip about me and tsokolate circulating around my former school, and on every one who knows me. but my family is affected by these. kaya sinasabi ko na walang katotohanan lahat. okay, nagiging literal na ako.

and about what others say that i am destroying my "mabaait" image. i was surprised when i heard about that. i am not doing good to make the people around me say that i am a good man. i do good because it is the right thing to do. mahirap talaga kung lumaki kang mabait. walang ibang titingnan ang mga tao sa iyo kundi ang mga nagawa mong mali. a simple mistake is like unforgivable for them. unlike, the one who is know hard headed and annoying, kung gumawa ng katiting na kagandahan, parang isang celebration pa.

don't throw in some words that you can't stand it's credibilty. dahil babalik sa iyo ang sinabi mo.

ano pa man ang mangyayari, i still have my friends and family. the ones that knows me better. i hope what i said is true. as long as i know i am not stepping on anybody, that i think that this is right and i can handle it, i will stand for it.

i will stand for tsokolate. and i know i am still on track.

Wednesday, July 16, 2008

tsokolate

kahit anong sabihin nila mahala pa din kita..ang tanging kailangan ko lang ay iyong tiwala at love para makakaya nating labanan ang mga problema...please hold on, di kita iiwanan..mahal kita tsokolate ko.


hindi ko pa tuloy maiishare ang typhoon frank happennings ngayon.saka na, with photos pa. dahil pa talaga maganda ang mood ko to make an equally-unbiased blog entry.

omang ako (baliw ako)


yan ang sabi ni tsokolate sa akin. kasi naman nagiging irrational ako sa mga bagay bagay lalo na tungkol kay tsokolate. ganun talaga kapag in love eh, nawawala ka pala talaga sa sarili mo para lang sa kanya. kaya, dahil, hindi pa ako masaya gumawa ng blog entry, eto muna ang ginawa ko.. ang geographical characteristics namin ni tsokolate ko.. anyway, every thing in here is all about tsokolate and the name on braille below.

brailled


bigla akong natuto magbasa ng braille and intindihin ng basics ng abacus. i have to guide my brother on his assignments and lessons at school. my brother gave me the idea to do something for tsokolate. braille system for reading has six dots, each letter has its own designated dot/s. here is one i made. the colored dots are those that can be felt. on the abacus. it is quite hard to read it, and really hard to compute numbers especially division. but the one in the picture has no coreesponding numerical value, because it has no other value. the one indicated is precious to me.

Thursday, June 19, 2008

this blog's theme colors

bubuhatin ko na ang sarili kong upuan. nagagandahan na kasi ako sa blog ko ngayon. lalo na sa theme nito. dati kasi, laging pink and black and white and royal blue and green. ngayon, iba naman. nakuha ko ang idea from, siyempre kay tsokolate. and nung tiningnan ko ulit, i realized na nakuha ko ang colors from texts to lines sa isang mahalagang material possession. salamat to tsokolate's mom, she gave me a shirt. a shirt with shades of blue, green and brown in stripes. it amazingly fits me the way it suits me better..

i really feel better now. completely leaving the fuschiang pag-ibig theme behind. i think this one's the best so far that i thought can mirror me.

Monday, June 16, 2008

i really want to get hitched!

arden rod, ang totoong manunulat, ang pinsan ko, ang may mala propeta sa lahat ng kanyang sinasabi ay gumawa ng isang blog tungkol sa hiwaga ng bahay na inuwian niya, at ako. siguro, ang bahay nga na iyon ay may sa gayuma pero hindi lang iyon ang dahilan. arden rod always says that everything that he said ay nagkakatotoo. kung mali man ang ginawa ko, kasalanan niya yun, sinabi niya kasi na baka makakatuluyan ko si tsokolate. kaya yan tuloy, nagkatotoo.

Thursday, June 12, 2008

friday di thirteenth- ay ilam!! (nanay and tatay said)

Today is Friday the thirteenth. My very lucky day. It is not only because i was born on the thirteenth, thirteen is the only number that is always following me. I tried to change my fa-vorite numbers to 21, but number 13 is always there. It is more than a coincidence that this number been with me everyday. Almost.

- i can never go wrong on the thirteenth number of a quiz, an exam, major exams, even in UPCAT, or La Salle’s. the board exams i have taken. i am too much sure of my an-swer is correct
- every time i check the time in any particular day, the minute is always on the 13. in digital clocks like on PC, or on cellular phone, the numbers would always yield number 13.
- I dream of number 13 a lot of times
- On one of my nostalgic events ion life, there is always a number 13. like on our to trek to the waterfalls, i was with 12 high school student’s plus me, makes 13 of us en-joyed the adventure of dangerous cliffs and muddy treks
- As long as i can remember, i am always sick on my birthday until i turned 14. When i turned 7, i was just visited by my classmates at home and celebrated there. I turned 14 on Friday the 13.

I might be a paranoid regarding these coincidences. But i just want to share anything about Friday the thirteenth. Happy Friday the thirteenth. The omen it brings depends on how you see what your own Friday the 13th will be.

Until i have tsokoLate, it is always the 14th.

creepy bulalakaw and foolish moles

Kamakailan lamang, mga alas diyes ng gabi nasa labas lang ako ng bahay na nagmumuni-muni. At nang papasok na ako sa bahay, may nakita akong isang bulalakaw na kulay berde ang kulay. Halos 15 meters lang ang taas nito dahil kunti lang ang taas sa niyog ng dinaanan niya ito. I swore nakakita talaga ako ng isang bulalakaw. Pangalawang beses na akong na-kakita sa parehong direksyon ngunit matagal na panahon na ng huling nakakita ako nito. Akala kung nung una parang isang lusis lang. alam mo ba kung paano ko nakita ang bula-lakaw? May narinig akong “sssssssst” sound kaya napatingin ako.

Anim na beses na akong nakakita ng bulalakaw. Sa iba’t-ibang lugar, may sa bundok, sa taas ng simbahan, sa bukirin, at dito lang sa bahay namin. Sabi ng kinakapatid ko, kapag daw ang direksyon ng lipad ng bulalakaw ay pababa sa lupa, ang binagsakan daw nun ay puno ng na-kakatakot o hindi kakatanggap-tanggap sa ating makamundong paniniwala na tayo lang sa mundo na ito. at sa lahat ng nakita kong bulalakaw na bumagsak, nakakasiguro akong na-kakatakot sa mga lugar na pinagbagsakan nila.

Ikukwento ko lang kong ano ang environment o anong klaseng lugar ang piangbagsakan ng bulalakaw na nakita ko ngayon lang.

Sa tapat ng bahay namin sa kabilang kalsada ay may isang lumang ancestral house na ma-tandang babae ang may ari. Si lola domeng. Isang napakagandang matanda na alam ko na nung dalaga pa siya, napakaganda niya. Siya lang mag-isa sa bahay na iyon until nastroke siya at naging bed-ridden. May nag-aalaga na sa kanya ngayon at nagiging kasama na rin sa bahay. Ang bahay ay medyo malaki, napakapasok na rin ako doon, kapag tinatawag kami ni lola domeng na pumasok sa bahay niya at papakainin ng barquillos at softdrinks. May hardin sa loob ng bahay. Ibig sabihin, may butas ang bubong ng bahay para ang ulan at araw ay makukuha ng mga halaman sa loob ng bahay na may groto ng Mahal na Birhen. Ang loob ng bahay ay puno din ng mga istatwang kahoy. Iyong kasi ang negosyo ng isa sa mga anak niya. may dirty kitchen ang bahay pero di lang dirty. Nakakatakot talaga ang part ng bahay na iyon dahil sobrang madilim, at tanaw sa bintana ang isang malaking mangga sa liokod ng bahay. Nakakapagtaka din na hindi gumagamit si lola domeng ng asin para sa pagluluto. Patis ang ginagamit niya. ang mga bintana sa kanyang kuwarto ay may mga barbwires sa gilid(para san kaya yun).

May malawak na hardin sa harapan ng bahay nila kung saan magkatabi ang isang napakalak-ing puno mangga at isang malaking puno ng akasya. Kapag walang ilaw o brown out na-pakadilim sa bahaging iyon ng kanilang lote. Sa likod naman ng bahay ay napakamasukal ang paligid. Wala na kasing naglilinis noon. May malaking mangga doon na tanaw sa bintana ng dirty kitchen. At sa labas na ng kanilang nasasakupang lupa. Ay bukirin na. isang malawak na palayan. Madilim kapag hindi maliwanag ang buwan sa gabi.

Sa malaking mangga na iyon, nasasabing bumabagsak ang mga nakikita kong bulalakaw. Batay sa pag tantiya ko sa trajectory at angle ng pagbagsak ng bulalakaw, alam kong sa mangga iyon bumagsak. At sabi na rin ng mga matatanda, nakikita din daw nila ang mga bu-lalakaw noon na doon bumabagsak.

Hindi naman nakakatakot. Dahil, sanay na ako sa ganitong uri ng buhay sa probinsya. Kung saan ang karamihan sa mga tao ay naniniwala pa rin na may ibang nilalang na kasama nating namumuhay sa mundong ito.

I do not consider what i saw as a meteorite. When the earth’s gravity attracts a meteorite to its surface, the meteorite will burn upon entering the atmosphere. It just a small particle of space rocks. If it burns upon entering then before it lands on the ground, it is nothing but dust anymore and not still burning. Besides, it is barely possible that a meteorite fall on the same place every time i see them.


**********

Kagabi habang pauwi na kami sa bahay, may nakita kami sa daan na dalawang moles (di ko alam ang tagalog ng mole kaya english na lang). sa gitna talaga ng kalsada. Di namin alam kung nagaaway sila o nagbabanggaan lang. they were like a mole on a mirror. They jumped and bumped each others noses. Nakakatuwa dahil di man lamang nila kami napansin na du-maan. Until we meddle on their nose bumping.

Nalaman ko na lamang na ang moles ay family ng shrew and hedgehogs. They look like rats but they have short tails. They live undergrounds, and has tiny eyes which explains that they can’t see clearly. Kaya nagbanggaan. They are sensitive on ground vibrations but extremely numb above the ground. Naks information.

Monday, June 9, 2008

updating2....

The start of this year’s month of June was probably the end of dreaming and the start of believing that everything’s real. If the reality of life is that it is not fair, then some things are beyond fairness. Too much favor. But, it wasn’t easy to have great things, and great people. There are some who stand on our way. Some leads you to other ways, and some just completely stops you from going on....hirap akong umenglish!

Sinalubong ko si tsokolate sa paliparan dito sa aming probinsya. Hindi ko mawari ang tamang nararamdaman ko. May tuwa, dahil makikita ko na siya muli, may takot dahil baka hindi na niya ako papansinin dahil sa peklat na dinulot ng dalawang tahi sa aking mata na bi-nago ang hubog ng aking pisngi. Sobrang saya, at umaasa na sana makukumpleto na ang pangarap ko. Dahil hindi ako maniniwala na akin na si tsokolate hangga’t di ko siya nakikita sa aking tabi.

Nakakagulat ang mga pangyayaring sumunod. Masaya, lahat masaya. Nakakatakot. Nakakapanibago, na sa unang pagkakataon nakikita ako ng buong bayan na may kasamang tsokolate. Hindi madali ang lahat, hindi tinanggap ng lahat ang kanilang nakita. Na kasama ko si tsokolate, at kasama ako ni tsokolate. Pero, unti-unting nasasanay ang mga tao sa paligid na makita si tsokolate at ako na magkasama. Hindi naman kasi madali ang biglaan. Araw-araw sa loob ng limang araw, napakasaya ko.

Naranasan mo na ba ang makamtan ang iyong pangarap na bumubuhay ng iyong imahenasyon upang maging masaya walong taon na ang nakakaraan? At ngayong nakauha mo na ano ang pakiramdam mo? Ganun din ang pakiramdam ko.

Kung tutuusin, wala kang pakialam sa entry ko na ito. Pero masisisi mo ba ako na gawin to kung labis ang kasiyahan ko?


---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Simula na ng classes kanina, and ako na naman ang taga hatid at sundo sa mga nakakabata kong kapatid. Kahit ayaw kong nakikita ako ng mga dati kong guro, pumunta pa din ako sa school para sa mga kapatid ko. Mamaya, pag uwi nila, kaniya-kniya na silang kuwento tungko sa first day nila sa school.

pero bago yan. Kinuha ko kahapon ang kanilang uniform na pinatahi sa medyo malayong lugar. Hindi pa pala tapos ang mga pinatahing uniform, mga isang oras pa daw bago ko ma-kukuwa. Naisip ko na maligo na lang sa malapit na ilog-resort mga 4 more kilometers away. Kahit walang pera, kahit tipid sa gasolina pumunta pa rin ako. Mabuti na lang walang katao-tao sa resort kaya di na ako siningil ng entrance fee. May isang grupo ng mga bata na tu-matalon talon sa diving board. Siguro ang pinakabata is 8 years old and ang pinkamatanda ay mga 14 years old. They were swimming on the edge side of the wide river, so literally solo ko ang bandang gitna. Malamig ang ilog, masarap maligo. At nakakapagisip ako kaunti. Ngunit sobrang saya ko siguro kung kasama ko si tsokolate.

Pero pagkatapos kong magswimming mag isa, umuwi na ako.. dahil biglang sumakit ang ulo ko sa sobrang lamig.

Wednesday, May 28, 2008

akin na ang tsokolate

Again and again, sinasabi ko lagi ang dahilan kung bakit ako nagba-blog. It is because mahina ako pagdating sa emosyon. Emosyon, ayan na naman si kaine, walang ibang sinasabi kundi tungkol sa pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig..iba’t-ibang klase. Mga tagong pag-ibig, bawal na pag-ibig, nabigong pag-ibig, nagaantay na pag-ibig, umaasang pag-ibig, naghihikahos na pag-ibig, mga pag-ibig na gustong balikan. Halos lahat na ata ng mga ito ay nagawan ko na ng blog. Dahil nadaanan ko na ang lahat ng mga iyon.
Pero, parang lumalayo ako sa gusto kong mabasa mo ngayon, iyon na nga po, mahina nga ako pagdating sa pag-ibig, at nangangailangan ng isang matinding emosyon para makagawa ako ng ganito. Para sa mga umaapaw na emosyon. Siyempre, nakakaapekto ang mood ko sa paggawa ng blog. At sa panahong ito, kasabay ng mga piling tugtuging mababagal, walang perkusiyon sa musika, ang nararamdaman ko ngayon ay isang napakatinding emosyon na hindi ko aakalaing makakamtan ko sa pagmamahal ni Tsokolate.
Okay, eto na naman ako, may isang tao na naman sa likod ng isang matalinhagang paglalarawan bilang si Tsokolate. Gusto ko kasi na ika’y mananabik na malamang kung sino siya, at sundan ang kuwento ko, niya at namin na kahit ako ay hindi inaakalang magiging ganito ang ngayon dahil pangarap lang siya mula noon. Ibinabahagi ko ang aming munting kuwento na ako mismo ay kinasasabikan ang paggawa ng kanyang simula. Dahil, ako ay hindi makapaniwalang makakapiling ko si tsokolate. Na naroroon siya sa tabi ko sa mga nakikita ko sa sarili ko na pinapasaya ng aking mga apo.
Matagal ko nang gustong ipabasa sa iyo ito, ngunit, noong nagpapatuloy na ang nasimulan dati, walang humpay kong sinasampal ang sarili, kurot, kagat at kahit ano pang tipikal na nakikita sa mga telebisyon upang magising ang isang karakter. Ngunit nabigo ako, dahil totoo pala talaga. Mahirap paniwalaang nangyayari ang pinakamagandang pangyayari sa aking pagkatao ngayon. Dahil simula pa lamang nang una ko siyang nasilayan ay pinunan niya agad ang musmos kong pagiisip na halos siya lang ang nilalaman. Pero, tinanggap ko na sa sarili ko na isa lang siyang pangarap, isang suntok sa buwan ang mahawakan man lamang ang kanyang kamay. Kaya, kapag nakikita ko siya, hanggang tingin na lamang ako, na ang tanging paraan lang na masasabi ko na mahal ko na ata siya ay nakasalalay sa nangungusap kong mga mata na sana nabasa ng kanyang mga mata ang nais kong ipadama sa kanya. Ngunit, sabi nga nila, mapaglaro ang tadhana, matagal siyang hinanap ng aking mga mata. At kung hinayaan ko ang sarili ko, baka buong ako na ang naghahanap sa kanya.
Oy, si kaine, nagsisimula nang magkuwento, nagiging personal na ata ang mga sinasabi ko, nagiging korni na ako. Pero, una, hindi sa iyo itong blog na ‘to at pangalawa, ikaw din naman a? nagiging nakakatawa kapag nakakadama ng gaya ko..sana tama ako, dahil kung hindi, siguro, hindi totoo ang nararamdaman mo. Baka, tugon lang iyon ng sitwasyon kaya ka ganyang. Baka, ang ginagamit mo ay ang puso mo, hindi ang pag-iisip mo. Iyon ang paniniwala ko, tumitibok ang puso sa kahit kanino na maganda ang dala sa atin, pero iba ang pintig ng puso kong maselan sa taong laging laman ng isip ko. Si tsokolate.
Iyon na nga po, pinaglaruan ako ng tadhana, at malamang siya rin. Maraming dumating, ngunit lahat may kulang. Pero, hindi naman ako naghahanap ng isang perpekto. Nararamdaman ko lamang na ako ay hindi para sa iba, siguro para lang ako kay tsokolate. Naku, hahaba ang usapan kapag pinagpatuloy ko pa ang detalyadong pangyayari.
Pinagtagpo kami ng tadhana sa kaniya-kaniya naming di magandang pangyayari. Muli kaming nagkita, kahit may mga pagkakataong gustuhin ko na hindi siya makita isang araw, makikita ko pa rin siya. Simula noon, hindi na lamang mata ko ang muling nagsasalita sa mga mata niya, kahit hindi man ako nagsasalita ng parang ganito, hinahayaan ko ang sarili ko na gumawa ng kapansin-pansin upang mapansin. Oo, papasin ako, ilang buwan akong nagpapansin sa kanya. Hindi ko mawari ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa, pero ginagawa ko lamang ang gusto kong gawin. Dahil malamang, iniibig ko pa rin siya. Muli.
Dala ng pananabik at masidihing nararamdaman, nangyari na ang lahat ng ngayon. Sabi nga nila, hindi mo malalaman ang nararamdaman ng isang tao kapag hindi ka matapang na alamin ito. Inaamin ko na natatakot ako noon kung sakaling sasabihin ko na ang lahat, kahit hindi talaga lahat. Ngunit, nilabanan ko ang takot, dahil pagod na ang mga mata ko sa kasasalita. Para akong pipi na kinakausap ang isang bulag. Siguro ang isang pipiay totoo kapag nagmamahal, dahil lahat ng kanilang pagpaparamdam ng pagmamahal ay ginagawa lahat.hindi lang sa salita, hindi umaasa sa salita.
Nakipaglaro ulit ang tadhana at muli, ang mga mata kong pagod na sa pagsasalita ay muling nanabik na mangusap muli. Hanggang, nagkasundo ang buong katawan ko na kailangan tulungan ang mga mata ko na makita muli si tsokolate. Hindi posible sa mata ko na makita si tsokolate. Natataranta ako sa bawat oras na unti-unting akong pinanabik na makita si tsokolate muli. Sawa na ako sa pagkokontrol sa sarili ko para makamtam ang isang bagay na magpapasaya sa akin. Bakit ko pa kasi pinipigilan ang sarili ko na maging masaya.
Buong buhay akong nag hihintay sa tamang tao, sa tamang pagkakataon, sa tamang sitwasyon. Siguro hindi lang tamang oras ang dati. Masaya ako habang ginagawa ko ito. Ang pagtatapos na ito ay ang ikatlong gabi na ginawa ko ito. Gusto ko kasi na paglaanan ng espesyal na atensyon ang paglalahad na ito. Mahal ko si tsokolate, hindi ako magsasawang sabihin na mahal ko siya. At ang pinakamasaya sa lahat,.. mahal ako ni tsokolate. kahit ang aming pagkakaiba ng ugali at ano pa man ay hindi sinasangayunan ng iba. mahal ko si tsokolate

Thursday, May 15, 2008

LBC hari ng padala will laugh at me tomorrow

i really do not know why i am doing this. i am in the province already and still has to do something for the apartment in quezon city like i am used to. unintentionally the cap on the pseudo-loop-of-henli of the sink was flushed down on the toilet basin. that means that the flow of water on the sink goes straight down to a container underneath the sink then flush to the basin.

we looked for it in haradwares in quezon city but did not found any of the close match. i am here in the province already and it seems that i am still uneasy to know that something is wrong on the other house. i searched for it on our town but still there was nothing available. i was on the other place this morning and looked for that cap. i looked elsewhere until i found one. i only hope that the way i measured it by recalling how my grip were when i was holding the original cap will fit the tube.

i went to an LBC branch this afternoon and inquired about the fees to pay to have it delivered. i can see that the man's eyes reacted that i am delivering a cap to quezon city from here. imagine, a sixteen peso cap will be delivered for one hundred forty pesos? it will be stupid to do it. but anyway, i will just add something to make it more practical of money effecient.

i still can not upload photos here. sayang

Wednesday, May 14, 2008

stitch + pain = medal

this dial up internet connection cannot make me upload a photo. I'll just repost this entry with a picture if i had a chance..

i woke up early this day to talk to my tita. after the call my tatay gave me a medal. i thought that it was for my brother, but it was really for me.. i asked why, but my father cannot answer either. i know that it is a medal that was awarded last night on our barangay's fiesta. i did not went out of the house entirely a day yesterday because it never stopped raining. the rain made me idle and more in love..i asked someone to know what is the medal for. my cousin said that i was awarded last night as one of the mythical five with the medal. i was a little satisfied for the humble reward. getting two stitches and a little facial distortion have gained a little price.. it is better than gaining nothing at all.