Saturday, November 26, 2011

nocturnal

my day always starts at night. kaya kahit malalim na ang gabi hindi parin natatablan ng antok dahil nagsisimula pa lamang ang araw. ngayon, nalaman mo na kung paano ka nagkaroon ng pangalang ganyan, wala na akong iba pang maitatago sayo.

teka teka lang! hindi ko pa rin masabi ng buong buo ang dapat na sasabihin.. kahit blog ko 'to, kahit ako na ang nagsusulat. kahit walang bumabasa nito.

naging makabuluhan ang gabi ko. masayang kwentuhan sa pagitan ng telepono at malikhaing imahinasyon na nagbibigay buhay sa bawat salitang sinasambit. hindi ako umaasa, wala akong ibang nais. kundi ikaw lang. at isang mahimbing na pagpikit ng mga mata na walang iba ang huling nakita kundi ikaw.

sa loob ng puso pilit pinupuno kahit umaapaw na, hindi mapakali, hindi umaakma sa dapat na pinipintig. hindi tumitigil sa pagpintig, pero hindi alam kung ano ang ibig sabihin. kung mga salita lamang ang bawat tibok ng puso, malamang, nauutal na ito. sapagkat may bagong salita na gustong tutunan bigkasin ngunit parang isang dayuhang salita, kayang sambitin, ngunit hindi mawari ang kahulugan.

sa bawat malalalim na katanungang pinapasa, isang sagot na totoo, ngunit maaaring huling sagot depende sa batayan. sa ngayon, kuntento na muna ang lahat sa ganito.. ngunit hanggang kaylaN? hanggang magsawa sa pagiging ganito? ngunit malimit akong magsawa. at sa sitwasyon kasalukuyan. hindi ko ninanais magsawa. ang BIlin ay sana ang bawat kathang isip na nabubuo ay nahahawakan, naririnig, nararamdaman na lahat ay pawang katotohanan na.

No comments: