Tuesday, November 29, 2011
blangko
wala akong maisip na pwedeng ibahagi. dahil salamat sa yo blog, naiibsan ang nararamdaman at dinadala mo akong muli sa reyalidad. hayaan mo, sa pagkawala ko bukas, mapupunan ulit kita ng mga masasaya (sana) and kwelang kwento mula sa mga adventures ko.
Monday, November 28, 2011
wall paper
ano kaya ang feeling na ang larawan mo ay wall paper ng cellphone, ng desktop at kung ano pa dyan? kasi ginawa na kitang wallpaper. di ko alam..ang alam ko lang, para magsawa ako sa mukha mo at mapalitan na kita. kaso matiisin ako eh, hindi ako nagsasawa. kaya swerte mo.
Sunday, November 27, 2011
early monday smile
my mom, asked me to send something thru LBC. when she left, i saw that she left her phone at home. so i hurried out and drove my way to catch her up before she arrives at school. but woah!! it's less than 3 minutes that passed and she's about 2kms away already. nanay, drives fast for a principal. hahaha. so i went back to town to send this folder to lbc.
since lbc is like a second home to me, only with lots of money in it, relax lang ako. madaming nakapila dun. i was a bit surprised dahil daming chicks dun sa lbc conuter. and two of my cousins. since it had been a routine, they already know what i'll do. sabi nila. "mahirap talaga ang maging taga San Roque" she's right, kaya sumagot ako ng "oo nga eh. kaya nga ibabalik namin sa dati". there
these new girls processed my transaction and i thanked them with a smile, in a very deep voice. para pampapogi. gandang umaga!

Saturday, November 26, 2011
nocturnal
my day always starts at night. kaya kahit malalim na ang gabi hindi parin natatablan ng antok dahil nagsisimula pa lamang ang araw. ngayon, nalaman mo na kung paano ka nagkaroon ng pangalang ganyan, wala na akong iba pang maitatago sayo.
teka teka lang! hindi ko pa rin masabi ng buong buo ang dapat na sasabihin.. kahit blog ko 'to, kahit ako na ang nagsusulat. kahit walang bumabasa nito.
naging makabuluhan ang gabi ko. masayang kwentuhan sa pagitan ng telepono at malikhaing imahinasyon na nagbibigay buhay sa bawat salitang sinasambit. hindi ako umaasa, wala akong ibang nais. kundi ikaw lang. at isang mahimbing na pagpikit ng mga mata na walang iba ang huling nakita kundi ikaw.
sa loob ng puso pilit pinupuno kahit umaapaw na, hindi mapakali, hindi umaakma sa dapat na pinipintig. hindi tumitigil sa pagpintig, pero hindi alam kung ano ang ibig sabihin. kung mga salita lamang ang bawat tibok ng puso, malamang, nauutal na ito. sapagkat may bagong salita na gustong tutunan bigkasin ngunit parang isang dayuhang salita, kayang sambitin, ngunit hindi mawari ang kahulugan.
sa bawat malalalim na katanungang pinapasa, isang sagot na totoo, ngunit maaaring huling sagot depende sa batayan. sa ngayon, kuntento na muna ang lahat sa ganito.. ngunit hanggang kaylaN? hanggang magsawa sa pagiging ganito? ngunit malimit akong magsawa. at sa sitwasyon kasalukuyan. hindi ko ninanais magsawa. ang BIlin ay sana ang bawat kathang isip na nabubuo ay nahahawakan, naririnig, nararamdaman na lahat ay pawang katotohanan na.

Friday, November 25, 2011
anonymously for you
Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman.
Maaaring ikaw lang ang may alam. Para kasing gusto kong isigaw, pero di mo naman maririnig, di mo mapapansin dahil meron nang bumubulong sa iyo at merong tumatakip sa pandinig ko. Pero hindi ko rin naiintindi han kung bakit kahit nakapikit, para akong nakadilat at nakatingin lang sayo.. hindi maaari, hindi pwede, siguro, sana hindi sa ngayon, kundi sa susunod na pagkakataon. Sana mali ako, sana ako lang to, dahil magiging napakalaking problema. Akala ko ako ang manghuhuli, ako pala ang nahuli.

suplado
They say so. Ang unang opinion agad na sinasabi nila kapag ako ay nakilala nila. Wala naman akong hinanaing sa kanilang opinion dahil siguro, totoo nga naman na ako ay suplado. Bakit? Kasi sa tuwing may kinakausap akong tao, iniisip ko agad kung ano ang maaaring tinutumbok ng paguusap naming. At likas sa ugali ko na ibahin ang ninanais nilang resulta. Na hindi nila makukuha ang inaasahang kasagutan. Palagay ko doon ako nagiging suplado sa iba. Hindi ko intensyon na makitungo ng hindi maganda, o manakit ng damdamin. Intensyon ko lamang ang maging suplado.
Bakit pa. kasi sabi nila masyado daw akong mabait, magpakita naman daw ako ng kaunting suplado. Ginawa ko naman. Pero di ko alam kung suplado nga akom, at hindi ko rin alam kung mabait nga ako..
Nauubusan na ako ng mga ideya na ibabahagi. Ang damit na ‘to ay produkto ng malalim na pagmumuni muni tungkol dito. Pero gusto ko to. Lalabhan ko muna.

succession
Well, the first of the continuous post entry. The only reason I have to write here is that I don’t have a diary. And besides writing it in here is a indispensable and helpful when reminiscing is a comfort later on. I intended to finally after years of attempting, to finally blog everyday taking back what facebook bribed me before.
May nakausap ako kanina. She said that I am becoming a feeler. Thinking how others feel that favors mine. Sabi ko, alam ko. Pero gusto ko ang feeling. Feeling na feel ko na feel niya rin ako. Huh? Sabi extremist na ako. In what way tanong niya. In this way, kahit na medyo lame and hindi naman extreme and scene para sa kanila pero para sa akin, these things are beyond what I thought I can do. but it satisfies e momentarily, and the abrupt feeling is urging me to make it continuous!.
Ang totoo I don’t know why I am saying this. I know and you should know that there are a lot of things behind this. I just can’t say it. At least not on my first post entry. Maybe not now.

i update
paunang bungad.makailang beses ko ba sinasabi sayo na iuupdate na kita pero ngayon lang ulit kita pupunuan ng mga alaalang maarari kong makalimutan ngunit magugunita pag binasa kitang muli. wala kasi akong mahanap na diary na umaakma sa mga panuntunan ko, maliban pa roon, sadyang mahal ang diary..
diary? oo dahil, masayang magsulat sa diary. pero masaya ding magtype ng mga letters upang gawing makabuluhan ang bawat letra pag pinagsama-sama silang lahat....

Subscribe to:
Posts (Atom)