Thursday, January 8, 2009

okay na naman kami ngayon

sino ba ang taong gustong may kaaway? kung meron man, alam kong hindi niya gusto iyon, maliban na lamang kung saksakan ng sama ang ugali ng isang tao para karapatdatpat na bigyan ng leksiyon.

minsan, may pinuntahan kaming spring resort. pumunta kami doon kasi alam naming wala masyadong tao. npagdating namin sa lugar na iyon, nakita ko ang dating pulitko na kinalakihan kong batiin lagi. sa di malamang dahilan ilang beses ko siyang binati ng harap-harapan hindi niya sinasagot ang mga tanong ko at kung ano pa man. buti na lamang may mga sumasagot na kasama ko kaya hindi ako masyado napahiya. pero, ang mga bagay na ganito ay hindi nagpapabuti ng damdamin ko. dahil araw-araw kong ginagawa na ngumiti sa bawat tao na makikita ko. hindi ako mapakali dahil hindi ko mapagtanto ang dahilan kung bakit? sinabi ko iyon sa mga kasam ko, sabi nila, wag ko na lang pansinin. tama sila. pero hindi ako ganoon.

pag-uwi ko sa bahay, iniisip ko kung ano ang mga dahilan kung bakit hindi na ako pinapansin ng tao na iyon. siguro, dahil, hindi na siya pulitiko at ako ganun pa din? dahil, alam kong may kinurakot siyang pera na walang transparency kung saan napunta? dahil straight forward ang tatay ko kung ayaw niya sa isang tao, sasabihin niya sa iyo iyon at damay ako? dahil ginawa naming biro ang campaign jingle niya at narinig niya iyon? damn, sa bandang huli, naisip ko na , e, ano ngayon kung ganun siya? hindi ako yayaman sa ginagawa niya. anyway, ginamit lang naman niya ang tiwala ng tao sa kanya para gawin ang personal niyang mga plano.

pero since last year pa ginawa ang entry na ito hindi lang naipost. okay na ako ngayon..

No comments: