Wednesday, May 28, 2008

akin na ang tsokolate

Again and again, sinasabi ko lagi ang dahilan kung bakit ako nagba-blog. It is because mahina ako pagdating sa emosyon. Emosyon, ayan na naman si kaine, walang ibang sinasabi kundi tungkol sa pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig..iba’t-ibang klase. Mga tagong pag-ibig, bawal na pag-ibig, nabigong pag-ibig, nagaantay na pag-ibig, umaasang pag-ibig, naghihikahos na pag-ibig, mga pag-ibig na gustong balikan. Halos lahat na ata ng mga ito ay nagawan ko na ng blog. Dahil nadaanan ko na ang lahat ng mga iyon.
Pero, parang lumalayo ako sa gusto kong mabasa mo ngayon, iyon na nga po, mahina nga ako pagdating sa pag-ibig, at nangangailangan ng isang matinding emosyon para makagawa ako ng ganito. Para sa mga umaapaw na emosyon. Siyempre, nakakaapekto ang mood ko sa paggawa ng blog. At sa panahong ito, kasabay ng mga piling tugtuging mababagal, walang perkusiyon sa musika, ang nararamdaman ko ngayon ay isang napakatinding emosyon na hindi ko aakalaing makakamtan ko sa pagmamahal ni Tsokolate.
Okay, eto na naman ako, may isang tao na naman sa likod ng isang matalinhagang paglalarawan bilang si Tsokolate. Gusto ko kasi na ika’y mananabik na malamang kung sino siya, at sundan ang kuwento ko, niya at namin na kahit ako ay hindi inaakalang magiging ganito ang ngayon dahil pangarap lang siya mula noon. Ibinabahagi ko ang aming munting kuwento na ako mismo ay kinasasabikan ang paggawa ng kanyang simula. Dahil, ako ay hindi makapaniwalang makakapiling ko si tsokolate. Na naroroon siya sa tabi ko sa mga nakikita ko sa sarili ko na pinapasaya ng aking mga apo.
Matagal ko nang gustong ipabasa sa iyo ito, ngunit, noong nagpapatuloy na ang nasimulan dati, walang humpay kong sinasampal ang sarili, kurot, kagat at kahit ano pang tipikal na nakikita sa mga telebisyon upang magising ang isang karakter. Ngunit nabigo ako, dahil totoo pala talaga. Mahirap paniwalaang nangyayari ang pinakamagandang pangyayari sa aking pagkatao ngayon. Dahil simula pa lamang nang una ko siyang nasilayan ay pinunan niya agad ang musmos kong pagiisip na halos siya lang ang nilalaman. Pero, tinanggap ko na sa sarili ko na isa lang siyang pangarap, isang suntok sa buwan ang mahawakan man lamang ang kanyang kamay. Kaya, kapag nakikita ko siya, hanggang tingin na lamang ako, na ang tanging paraan lang na masasabi ko na mahal ko na ata siya ay nakasalalay sa nangungusap kong mga mata na sana nabasa ng kanyang mga mata ang nais kong ipadama sa kanya. Ngunit, sabi nga nila, mapaglaro ang tadhana, matagal siyang hinanap ng aking mga mata. At kung hinayaan ko ang sarili ko, baka buong ako na ang naghahanap sa kanya.
Oy, si kaine, nagsisimula nang magkuwento, nagiging personal na ata ang mga sinasabi ko, nagiging korni na ako. Pero, una, hindi sa iyo itong blog na ‘to at pangalawa, ikaw din naman a? nagiging nakakatawa kapag nakakadama ng gaya ko..sana tama ako, dahil kung hindi, siguro, hindi totoo ang nararamdaman mo. Baka, tugon lang iyon ng sitwasyon kaya ka ganyang. Baka, ang ginagamit mo ay ang puso mo, hindi ang pag-iisip mo. Iyon ang paniniwala ko, tumitibok ang puso sa kahit kanino na maganda ang dala sa atin, pero iba ang pintig ng puso kong maselan sa taong laging laman ng isip ko. Si tsokolate.
Iyon na nga po, pinaglaruan ako ng tadhana, at malamang siya rin. Maraming dumating, ngunit lahat may kulang. Pero, hindi naman ako naghahanap ng isang perpekto. Nararamdaman ko lamang na ako ay hindi para sa iba, siguro para lang ako kay tsokolate. Naku, hahaba ang usapan kapag pinagpatuloy ko pa ang detalyadong pangyayari.
Pinagtagpo kami ng tadhana sa kaniya-kaniya naming di magandang pangyayari. Muli kaming nagkita, kahit may mga pagkakataong gustuhin ko na hindi siya makita isang araw, makikita ko pa rin siya. Simula noon, hindi na lamang mata ko ang muling nagsasalita sa mga mata niya, kahit hindi man ako nagsasalita ng parang ganito, hinahayaan ko ang sarili ko na gumawa ng kapansin-pansin upang mapansin. Oo, papasin ako, ilang buwan akong nagpapansin sa kanya. Hindi ko mawari ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa, pero ginagawa ko lamang ang gusto kong gawin. Dahil malamang, iniibig ko pa rin siya. Muli.
Dala ng pananabik at masidihing nararamdaman, nangyari na ang lahat ng ngayon. Sabi nga nila, hindi mo malalaman ang nararamdaman ng isang tao kapag hindi ka matapang na alamin ito. Inaamin ko na natatakot ako noon kung sakaling sasabihin ko na ang lahat, kahit hindi talaga lahat. Ngunit, nilabanan ko ang takot, dahil pagod na ang mga mata ko sa kasasalita. Para akong pipi na kinakausap ang isang bulag. Siguro ang isang pipiay totoo kapag nagmamahal, dahil lahat ng kanilang pagpaparamdam ng pagmamahal ay ginagawa lahat.hindi lang sa salita, hindi umaasa sa salita.
Nakipaglaro ulit ang tadhana at muli, ang mga mata kong pagod na sa pagsasalita ay muling nanabik na mangusap muli. Hanggang, nagkasundo ang buong katawan ko na kailangan tulungan ang mga mata ko na makita muli si tsokolate. Hindi posible sa mata ko na makita si tsokolate. Natataranta ako sa bawat oras na unti-unting akong pinanabik na makita si tsokolate muli. Sawa na ako sa pagkokontrol sa sarili ko para makamtam ang isang bagay na magpapasaya sa akin. Bakit ko pa kasi pinipigilan ang sarili ko na maging masaya.
Buong buhay akong nag hihintay sa tamang tao, sa tamang pagkakataon, sa tamang sitwasyon. Siguro hindi lang tamang oras ang dati. Masaya ako habang ginagawa ko ito. Ang pagtatapos na ito ay ang ikatlong gabi na ginawa ko ito. Gusto ko kasi na paglaanan ng espesyal na atensyon ang paglalahad na ito. Mahal ko si tsokolate, hindi ako magsasawang sabihin na mahal ko siya. At ang pinakamasaya sa lahat,.. mahal ako ni tsokolate. kahit ang aming pagkakaiba ng ugali at ano pa man ay hindi sinasangayunan ng iba. mahal ko si tsokolate

Thursday, May 15, 2008

LBC hari ng padala will laugh at me tomorrow

i really do not know why i am doing this. i am in the province already and still has to do something for the apartment in quezon city like i am used to. unintentionally the cap on the pseudo-loop-of-henli of the sink was flushed down on the toilet basin. that means that the flow of water on the sink goes straight down to a container underneath the sink then flush to the basin.

we looked for it in haradwares in quezon city but did not found any of the close match. i am here in the province already and it seems that i am still uneasy to know that something is wrong on the other house. i searched for it on our town but still there was nothing available. i was on the other place this morning and looked for that cap. i looked elsewhere until i found one. i only hope that the way i measured it by recalling how my grip were when i was holding the original cap will fit the tube.

i went to an LBC branch this afternoon and inquired about the fees to pay to have it delivered. i can see that the man's eyes reacted that i am delivering a cap to quezon city from here. imagine, a sixteen peso cap will be delivered for one hundred forty pesos? it will be stupid to do it. but anyway, i will just add something to make it more practical of money effecient.

i still can not upload photos here. sayang

Wednesday, May 14, 2008

stitch + pain = medal

this dial up internet connection cannot make me upload a photo. I'll just repost this entry with a picture if i had a chance..

i woke up early this day to talk to my tita. after the call my tatay gave me a medal. i thought that it was for my brother, but it was really for me.. i asked why, but my father cannot answer either. i know that it is a medal that was awarded last night on our barangay's fiesta. i did not went out of the house entirely a day yesterday because it never stopped raining. the rain made me idle and more in love..i asked someone to know what is the medal for. my cousin said that i was awarded last night as one of the mythical five with the medal. i was a little satisfied for the humble reward. getting two stitches and a little facial distortion have gained a little price.. it is better than gaining nothing at all.

Tuesday, May 13, 2008

updating....

It is not ordinary to have an extraordinary brother

I did not came home for the fiesta because our youngest brother has been invited to join Resources for the Blind Inc.’s annual camp. Along with other visually impaired children and volunteer’s my brother will be far from us for five days for the first time. When brought my bro on the departure area with my tatay, i can see that my brother is still one of the lucky, because he’s got low vision, but others are totally blind. May mga umiyak na nanay, and chil-dren din. Tseb is moody and we worry that he will cry on their camp.
Five days has gone and we will fetch Tseb. When he stepped down the bus, facilita-tors would congratulate us that our bro has gained major awards. Too good for a first timer. From the moment we have him until the end of the day Tseb kept on talking about his experi-ences about the camp.
Sometimes when i met other kids like my brother’s age or younger, i hold them extra careful i tend to carry them than to walk with them because i am used to treat my brother extraordinarily because of his condition, he might have unwanted accidents if not taken care of seriously.



whAT’s holdING me back

nabibilang ko na into days ang mga nalalabing araw na nakatira ako sa bihirang pag-kakataon kasama ang pinsan ko at mga pinsan niya. Kapag meron kang maraming tinitirhan nagkakaroon talaga ng pananabik na bumalik sa dating tinirhan. Parang, kapag nandito ako namimiss ko ang nandoon, pero kapag ako ay nasa nandoon na, namimiss ko naman ang nandito. Magdadalawang buwan din ako sa tinatawag naming bahay sa Quezon City at ilan sa mga mamimiss ko ay ang:

- laging baradong banggerahan. Di ko mawari ang dahilan. Di rin mabilang ang dami ng Liquid Sosa na binuhos upang matanggal ang bara. Ang lababo pa ata ang umubos ng stock ng declogger sa SSG grocery. Iba’-ibang paraan na rin ang ginawa. Pero bigo akong maayos ito hanggang sa araw na ako’y lumisan sa bahay na iyon
- depektibong remote control. Na pinupukpok para gumana. Minsan nakakairita.
- Ang long standing beterano sa predyider namin. Ang candy na apat na buwan ng nandoon, ang mga pasalubong mula sa probinsya na halos apat na buwan na ring nasa loob, ang fish tocino na apat na buwan ding namamahay doon at di maubos ubos, dried fish na ilang buwan na rin pinagpiyestahan ng mga langgam. Ang to-mato paste na halos pitong buwan ng nandoon.
- pusa ni ate Del na taga ubos ng mumog namin.
- Ang ulang paper bag?!? Hehe
- Chilli powder
- Ang kakatuwang pangalan ng isang grupo ng traysikel “PAPATODA”
- Si ate Ellen ang butihing tindera ng mga gulay sa palengke na nagtuturo sa akin kung paano lutuin ang ninanais kong kainin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko matututunan ang iba’t-ibang paraan ng pagluluto.

At siyempre mamimiss ko ang mga tao sa bahay. Sina Nong Ark at sa kuyang-kuyang treatment, si Jackie-Jackie ang taong kayang hanapan ng kamukha ang kahit sino na makikita sa telebesiyon, at ang paulit-ulit na pagsambit ng mga salita. Si Lucille, na wala akong ibang way na makipagkumyunikeyt sa kanya kung hindi dinaan sa away or argyumentong di kailan-gan.




These are all part of the game- physical, brag, entertaining, pain!

This my first time to play for a fiesta basketball league on our place. Playing for this kind of competition is one of my childhood dreams. I want to play, i want those who bully me when i was a kid know that i can beat them now, that only the weak uses its power over someone. Unfortunately, I did not make it to represent our Barangay for the town fiesta. And while i was still in Quezon City, it was like everyday the coach asked if i could hurry up and come home to secure a place on the basketball league. It is satisfying to know that the team needs me. I did not make it so when i came home days after the fiesta, (hirap uminglish!) habang umiikot-ikot ako sa kung saan-saan ang approach lagi sa akin ay kung bakit ngayon lang daw ako umuwi, sayang dapat pasok pa kami sa championship or what. It is flattering to hear those comments from other people because i can feel my importance, which is rare.
But i made it to join a little league composed only of our barangay’s residence. For two years, our team did not make it to the semi finals. Worst was last year when the team did not won any game. I was not around to play that time kaya damang dama ang presence ko this season. Dahil we made it through the semi-finals. Mayabang ako eh, but i did not do all the job, we are one team, and we did our best to win. Habang naglalaro ako, the live game commentator always said na sayang daw ako, dapat nandito ako nung past game every-time i made some points. I just smiled dahil compliment yun for me.
Okay, nakapasok na kami sa semi-finals, just a game won, we will be playing for the finals. We defeated all the teams except for one team that is the strongest. One of the amaz-ing plays was with the police team. Yes, we played with the police. I sometimes joked them asking how does it feels being whistled for their violations instead of the other way around. The police just laughed and defeated.
But, not all great nice things lasts long. Wala pa sa kalahati ang first game of the semi finals when i get elbowed on my left eye. I stopped playing, I held unto my eye then when i looked at my palm, i said that this is not good when i saw blood. Nakakabastos lang, dahil the game still contoinued. Pumunta ako sa sa bench and my teammates looked at my eye, the referee, my little brother. When, i looked it through the mirror and realized that i must be out of the game, i washed it, and went to go to a clinic. Akala ko kakayanin pa ng band aid ang cut but it was deep and wide open so dapat tahiin. The doctor stitched it twice. Keeping me assured that it will reduce the scars I might get. Especially i am a keloid former. The doctor was a friend so he charged nothing to me except for the thread used to stitch. Alam ko na takot ang tatay ko sa karayom and tahi, but he was with me when i was treated. I realized na hindi naman pala masakit ang tahiin. I only hope that it will not make a huge mark on my face.
It is all part of the game. Sabi nila nung nasiko ako ni Tomas sa mata, the stitch was okay for me, but the black eye is humiliating. I kept on accepting that this is just a part of the game. But when i recall some of the games we played, he was never good at this sport, mainitin ang ulo and i feel that i am intimidating him dahil magkasing laki lang kami. I accept that this is part of a game, but what draws my anger out is that this is how he plays his game. Then hindi na maganda yun. But i will never avenge my vulnerability, dahil talo pa din ako.
The final part was that, natalo kami and they won, because i was out of the game. Naks. Yabang ko.

And i would like to thank the following persons and institutions for their contributions:

- mga kapatid ko na sina Parod and Ilku for refilling my water bottle when i am rehydrating, buying me chocolates and running errands for me.
- sa asawa ni Neil na head ng team namin, for preparing a series of merienda after every victorious play. Sa sopas, sa caldo, tinapay at juice
- sa mga nagdonate ng moral, financial and expertise for the game.
- kay Jawok sa pagpapahiram ng kanyang high cut rubber shoes.
- sa bagong CR ng simbahan lalo na kapag napasobra ako sa tubig
- kay tatay ko sa pagpapahiram ng kanyang oversize shirts.
- kay tsokolate sa inspirasyon, pag-aalala, lucky charm sa reminders na laging mag ingat.
- sa AFS foundation sa kanilang free towels para pamunas sa pawisan kong mukha.
- kay Doctor Tugon, sa nurse at sa volunteer nurse sa libreng serbisyo noong nasiko ako.
- sa bike na galing Japan na parang anime na ginagamit ko para maehersisyo ang aking binti.
- at sa mga fans!!! Wala kami kung wala kayo, at wala kayo kung wala kami.