Sunday, April 27, 2008

everything is nice

         i was with my mom when we went on to fix some things in quezon city.  i was patientlt waiting for us to finish and proceed for the next agenda of the day when i saw mini posters posted randomly anywhere on the glass wall.  it caught my attention because i have nothing to do... and here are some of the qoutes i remember, cheesy but if were to wait two hours sitting alone coming from a three hour sleep, you will surely notice even something like this;


 


   love is composed of a single soul inhabiting to bodies


   the heart has reasons that reasons can not understand


   at a touch of love, everyone become a poet


 

Monday, April 21, 2008

ASSuming

recently habang wala kaming magawa, kinakanta namin ang mga kantang OPM. pinalitan namin ang subject on it's opposite. di naman masama kasi parang ang yabang ng dating like this song "bakit ngayon ka lang". minus the female lyrics

Bakit ngayon lang ako
Bakit ngayon kung kelan ang puso mo'y meron nang laman

ako sana ang 'yong yakap-yakap
Ang aking kamay ang iyong laging hawak
At hindi kanya...

Bakit ngayon lang ako dumating sa buhay mo
Pilit binubuksan ang sarado mo nang puso
ako ba ay nararapat sa iyo?
At siya ba’y dapat mo nang limutin
Nais mong malaman bakit ngayon lang ako dumating


anything

      i am in love again.  and i am getting on to the cool jive.  no more rocks, just smooth.  masarap ang pakiramdam ng isang inlove, lahat ng nakikita ay katangi-tangi.  nagiging chocolate ulit ako.  sana laging ganito.  kahit medyo sad na ako, and it is inivetable because of some reasongs. 






     naging mabait sa akin ang tadhana ngayong araw.  lahat ng oras ang favor ay nasa akin..

Sunday, April 20, 2008

under pressure

wala muna akong ipapaskil sa mga oras na ito dahil hindi kanais-nais ang nararamdaman kong lungkot, takot, at pagsisisi ngayon. patawad sa pag-gawa ng wala, na nakakasira..

Tuesday, April 15, 2008

gusto ko na sanang palitan ang playing song sa blog page na ito, pero gusto ko pa rin pakinggan ang ibig sabihin nito. anyway, naging mahirap para sa akin ang last three days. meron kasi akong clogged nose. it is not easy to talk normally, laging nasal ang tone ng boses ko. pero i am still a positive thinker dahil i find it abnormally nice to say words on its nasal sound. parang mabait na ako.
gumawa ako ng chicken aloha kanina for breakfast. iyon kasi ang special dish ni ate, pero since it was my first to cook that kind of dish, di masyadong masarap.. dahil, inlove ako, gumagawa ako ng entry kahit sobrang mababaw ang dahilan, or it can't attract my reader's attention. gusto ko lang malaman ng mambabasa na kahit anong gawin ko, o ginagawa ko in-love pa din ako. but it does not neccessarily mean that i am in love to whom, it might be to what. like, i love everything that i have done or been doing. so, why not tell things or person i am in love with than things i considered lame for a in loved? hmm, oo nga no? i answered my own quetion. kasi po, may mga bagay na hindi kailangang sabihin. there are things that shouldn't be said directly. kaya nga may blog ako e, so that i can express what i feel in a figurative way as much as possible. it might an act of cowardness. maybe, pero i know that i have my reasons to make everything undirectly said. so iyon. di ko alam kung bakit ko sinasabi to. it seems like i am just reflecting. pero blog ko to. bahala kayo.

ngiti.


 


tsokolate ganyan ka lang lagi ha?

Sunday, April 13, 2008

mga literal

literally;
- wala akong maisip na mangandang i-post ngayon(excluding this)
- wala akong pera
- iisa lang ang tumatakbo sa isip ko (pagod na nga siya eh)
- nakapula ako ngayon, from shirt to shorts
- in-love ako (lagi naman)
- gutom pa ako
- gusto ko lang ayusin ang theme ng blog ko into Silent Sanctuary's Fuschiang Pag-ibig album. na sobrang namiss ko. in love?
- malungkot ako sa mga nangyayari
- tumataba na ulit ako
- i miss my brothers
- nagpapansin lang ako
- mahaba na ang buhok ko
- nakakaya ko pang tiisin.

ngiti

Wednesday, April 9, 2008

chocolate 2 - ang story ng ferrero rocher

      nakakatakot na ang mga nagdaang apat na gabing laging ganito.  tsokolate na naman ang dahilan ng mga ito.  mula ngayon, tsokolate na ang tawag ko sa iyo.  apat na gabi na akong natutunaw sa bawat panaginip na tanging ikaw lamang ang paksa.  nakakatakot, dahil lubhang hindi na nalilimitahan ng aking sarili ang pag-ibig na nadarama ko para sa iyo, kapwa ko tsokolate.  nakakatakot, ang dahilan kasi kung bakit laman ka na lamang lagi ng isang magandang panaginip ay halos buong araw kitang iniisip.  hanggang imahinasyon ka lang.  ang lahat ng mga naiisip ng utak kong nakatuon lamang sa iyo ay ginagawan ng palabas sa entablado ng panaginip.  wari'y totoo, parang totoo, ayaw kong magising, pero ginigising pa rin ako ng reyalidad na hindi ka matutunaw sa palad ko, kundi sa palad ng iba.  natutunaw ako kapag naalala ko kung paano mo ang tingnan.apat na gabing magagandang panaginip, pansamantala, ngunit sobrang masaya.kaya pumapaitaas ang mga salitang ito dahil iyon ang nararamdaman ko.  parang inaangat ang damdamin ko mula sa pagkalunod nito sa baha ng hinagpis at alon ng pag-iisa..kaya kulay tsokolate ulit ang "entry" na ito.  lahat dahil umiibig ako..






      the other night, we watched the PBB teens tv program.  mayroong "kilig" scene doon bout nicole and yosef(ba yun?)  there are four people in the apartment where i am staying.  two boys and two girls.  pero sa napansin ko, kami lang ng pinsan ko ang kinilig(oo, kinilig, wag ka ng kumontra), but the ladies didn't.  it made me curious kung bakit hindi sila masyadong kinilig.  then i realized, maybe in the way the approach was being done.  on that part kasi, it was the girl ang unang lumapit sa lalaki.  tried to talked to him, ask for apology, and others.  cried, then okay na.  siyempre maganda yun for us guys, but not too much for a girl.  maybe that's why.  hindi naman ako kikiligin kung may makikita akong lalaki na gumawa ng lahat para sa girl.  something about gender aspects.






      last night, noong luto na ang nilagang baka na gawa ko, nang nasira ko ang rice cooker that i didn't know how.  after naligo dahil sobrang mainit.  jackie and i made some hmm, rare-chatting.  rare, kasi we talked about how our emotional states have been.  it was a bit more than chatting kasi, nagulat dahil parang two hours ang usapan na iyon.  masaya ako, dahil, nakashare ko si jackie sa mga tinatago ko.  i mean, this is rare dahil sobrang cautious ako kapag kausap ko ang mga tao na ngayon lang ako nakilala.  it was a bit relieving din kasi dahil nga madaming nang sobra sa nararamdaman ko, naishare ko iyon figuratively.  so yun.next time ulit

Saturday, April 5, 2008

chocolate

di naman kailangan na pink lagi ang kulay kapag inlove. a chocolate from ark made me realize that i am inlove. or it's just the chocolate that made me inlove. kaya kulay chocolate din ang font color nito. kaya gumagalaw din ang post na ito. mga dahilan na gusto kong ipahiwatig na ako ay umiibig kahit walang dahilan, kahit isa lang ang dahilan. parang tsokolate akong natutunaw tuwing inaalala ko ang bawat tingin na blanko, at parang ako na lang ang maglalagay ng kahulugan ng pagtitig na iyon. parang nasa dalampasigan ako tuwing sumusunod ang kanyang buhok sa bawat lingon. nakakatakot umibig. dahil lahat gagawin mo para hindi na iyon mawalan sa iyo. lahat kahit ang hindi dapat gawin, ginagagawa. lahat, para sa iniibig, ginagawa ng umiibig para sa pag ibig. tsokolate, nagugustuhan na rin kitang kainin, kahit ayaw ko ng iyong sobrang tamis ngunit habang natutunaw ka sa aking mga daliri bago kita kainin, napagtanto ko na umiibig ako. tsokolateng tumigas sa lamig ng pridyeder ngayon ay natutunaw na sa init na dala ng pag-ibig. cheesy

Friday, April 4, 2008

di ko alam kung ano specifically ang ilalagay sa post ko ngayon. there's just a lot of things that i want to "share". una, since ako lang ang halos walang ginagawa, bunso and bored. taong bahay ako. i cooked anything, kahit di nakakaain, basta taong bahay. cooking. it is not what i am used to with. i remember when i am in vacation in the province. tatay would ask me everytime about out viand for the next meal. i always reply na kahit ano lang. now i know why tatay ask me about sa ulam namin. ang hirap palang magisip ng uulamin. lalo na kung walang nagsa-suggest na gusto nilang kainin. i cooked a lot more than i have to. pero masaya ako kasi nakakain ko naman ang niluluto ko. doing the kitchen works most of the time, nadadama ko na rin ang pagmahal ng bigas at ngayon ng mga karne. mahal!! blame it on the media. if they didn't report the rice shortage, rice businessmen might not thought of increasing their goods. dahil hindi naman ganun ka kulang ang bigas para magtaas agad.
last night, i dreamed of playing basketball. it was expected kasi yun ang nagpapabother sa akin these days. yabang "aside", tuwing umaga coach texts me na umuwi na daw ako. i am feeling the need for me? kaya i am now wanting to go home if there will be just ba chance to go to. people who are close to might say that it will be just a waste of time, that i should prioritize my goals first. but i think when much more closer individuals might know about this, they will agree with me, i guess. kasi, bata pa ako, i always widh that someday i will be part of the league playing for my own fullfillment. ayaw ko ng taga cheer lang. di lang kasi nabibigyan ng chance nun dahil my body cannot stand the game. pero ngayon alam kong kaya ko na.. and i also want to play, dahil gusto ko may makukwento ako sa mga anak ko balang araw about how my adolescent days went. dahil literally, i have much less to share to my offsprings. compared to may tatay telling us too many stories about his younger years. ako wala. wala sa katiting ng sa tatay ko.. kaya yun..
hmmmm, wala na akong masabi. uulitin ko na lang ang lagi kong sinasabi. i am in love, i am always in love. dahil if i am not, papayat ako, i easily lose weight on emo stress than the physical stress.